55

21 7 0
                                    

Berry's POV

*BANNNGGGGGG!*

Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan kung tumama ba sakin yung bala pero halos wala akong maramdaman. Tiningan ko si Lyka na may tama sa tagiliran at unti unting natumba.

Nakita ko na si Kyle may hawak ng baril na nakatutok sa kanya. Bumangon ako "Lyka?" Sabi ko sabay inalog alog siya.

Lumapit sakin sila Kyle at nilagyan ako ng jacket sa katawan ko "halika ka na" sabi niya

"Sandali! Hindi pwede. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital" sabi ko

"May tama ka rin ng baril galing sa kanya" sagot ni Kyle

"Kyle kaaway ko siya pero hindi ako ganun kasama para hayaan siyang mamatay. "

"Yousten buhatin mo siya at dalhin sa sasakyan" sabi ni papa tapos tumayo ako

"Princess anak" sabi niya habang lumuluha kaya tumakbo ako sa kanya at niyakap siya

"Papa" tawag ko sa kanya. Mahigpit ang yakapan naming dalawa. Namiss ko si papa sobra

"Salamat sa diyos at buhay ka princess" sabi niya tapos hinalikan ako sa noo "namimiss ko na kayo ni mama" sabi ko tapos biglang nagtubig ang mga mata ko.

Tumingin siya kay Kyle "salamat Kyle" sabi ni papa.

Sumakay na kaming lahat sa sasakyan tapos dumiretso sa hospital.

Naramdaman ko na inaantok ako dahil sa pagod kaya natulog muna ako.

*after hours*

Nagising ako dahil mag iiba sana ako ng pwesto kaso kumirot yung paa ko "aray" sabi ko tapos napatingin sa paligid.

"Princess may masakit ba sayo?" Tanong ni papa

"Yung hita ko lang pa" sagot ko tapos nakita ko na papalapit si mama sakin

"Berry anak!" Sabi niya tapos sinalubong ako ng yakap. Humagulgol siya ng malakas kaya napapaluha ako.

"Saan ka ba nagpunta anak. Bakit hindi ka nagpakita sa amin ng papa mo? Alam mo bang halos magunaw ang mundo namin dahil sa nangyare noon" sabi ni mama

"Ma kinailangan ko lang magpalakas para sa inyo"

Hinawakan niya ang mukha ko tapos nakita ko na puro luha ang pisngi niya. Pinunasan ko yon " Im sorry ma, pa" sabi ko then niyakap nila ako. Isang mainit na yakap galing sa mga magulang ko.

Kumalas sila sa pagkakayakap sakin.

Pumasok sa kwarto ko sila Addie "sis gising ka na!!" Bungad ni Alexa at niyakap ako "bakit hindi niyo sinabi ni Addie samin ang lahat ah. Andami mong kailangan ipaliwanag sakin" sabi niya

"Sis kung ano man ang ginawa ko, para yon sa inyong lahat kaya wag ka na magalit samin ni Addie"

Umiyak siya balikat ko "akala ko patay ka na sis" sabi niya sabay hikbi

Hinimas ko ang likod niya tapos nakisali na samin si Addie "sis wag ka na magalit please" sabi ni Addie tapos tumango si Alex. Humiwalay si Addie "Berry sila Jiro and Lia pala new friends namin. Tumulong din sila samin kaninang madaling araw" pagpapakilala ni Addie tapos kumaway ako sa kanila.

Nilibot ng paningin ko yung lugar na parang may hinahanap "asan si Yael?"

"Nasa OR pa siya Berry and hindi pa lumalabas yung doctor niya" sagot ni Yousten.

Napayuko ako "pwede ko ba siyang makita mamaya?"

"Oo basta sasabihan tayo ng doctor"

Pinunasan ko ang mga luha ko. Yael lumaban ka tangina di ko kaya kapag sumuko ka!!

Jiro's POV

Hapon na at pauwi na kami ni Lia pero hindi niya manlang ako iniimik simula nung makarating kami ng hospital.

"Lia" pero di siya lumingon

"Lia" tawag ko ulit pero hindi talaga ako pinansin tapos ang tahimik pa. Inapakan ko kaagad yung brake tapos napatigil yung sasakyan.

"Lia tumingin ka nga sakin" sabi ko pero wala pa rin kaya hinila ko yung kamay niya tapos pinaharap siya sakin then nakita ko na umiiyak pala siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko pero yumuko lang siya "bababa na ako dito Jiro" sabi niya at lalabas sana pero agad kong pinindot yung lock.

"Jiro ano ba?!" Sigaw niya sakin

"Lia ano bang problema mo? Hindi mo ko pinapansin tapos di mo rin ako kinikibo"

Pinunasan niya yung mga luha niya "bakit kailangan ko pa bang sabihin sayo yung problema ko?!" Sigaw niya

Hindi ko siya maintindihan kasi sumisigaw na siya tapos lalong umiiyak "ayaw mo sabihin? Okay sige bahala ka" then inunlock ko na yung sasakyan para makalabas siya.

Paglabas niya naglakad siya palayo sakin. Gusto ko siyang sundan at malaman yung reason kung bakit siya nagkakaganyan.

Pinaandar ko yung sasakyan ko tapos sinundan siya kahit naglalakad lang siya. Nung nakita niya ako sa warehouse halatang nag aalala siya sakin tapos yung mga mata niya sobrang lungkot.

Hindi ko alam kung bestfriend pa rin ba ang turing ko sa kanya eh kasi naman kapag kasama ko siya ang saya ko tapos hindi nabubuo yung araw na hindi ko siya kasama. Palagi pa kaming napagkakamalan na magcouple kahit alam ko namang hindi siya magkakagusto sakin.

Lumabas ako ng sasakyan ko.

Alli's POV

Patawid na ako sa highway nang may biglang dumating na sasakyan tapos babanggain sana ako kaso may humila sakin.

Napatingin ako sa humila sakin

"J-Jiro?" Iba yung aura niya ngayon parang galit siya

"Ano ba? Kung iniwan kita edi sana bumulagta ka na sa semento!" Sigaw niya kaya yumuko ako.

Gusto kong dumistansya kay Jiro dahil lately napalansin ko na parang lumalalim yung feelings ko sa kanya. Ayokong masira yung friendship namin dahil lang dito kaya as long as kaya kong dumistansya, ginagawa ko na kaagad kaso parang hindi ko kaya eh.

Parang ayokong lumayo sa kanya. Hinila niya ako pabalik sa sa sasakyan  tapos dito kami sa backseat nakaupo "tell ano bang problema mo?" Sabi niya na parang galit pa rin.

Napakagat labi ako at hindi ko muna siya sinasagot. "Ano Lia sabihin mo kung gusto mong layuan kita at gagawin ko yon" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag!!" Sagot ko kaagad tapos tumingin siya sakin

"Eh bakit ka nga nagkakaganyan? Hindi na kita maintindihan Lia"

Hinawakan ko yung kamay niya "Jiro promise me na hindi ka na madadamay sa ganun" sabi ko at hinihintay siyang sumagot

"Lia---"

"Just promise me Jiro"

"Bakit muna?"

"Eh kasi.."

"Eh kasi ano?"

"Eh kasi...."

"Ano nga?"

Huminga muna ako ng malalim tapos tumingin sa mga mata niya "ehkasigustokita" sabi ko kaagad sabay yuko

"Ano? Wala akong naintindihan sa sinabi mo"

"Ayoko na ulitin" sabi ko pero hinarap niya yung mukha ko sa kanya.

Kasi naman nung nawala siya grabe kaya yung pag aalala ko sa kanya atsaka to be honest nung nakita ko siya sa warehouse, hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o hindi eh. Im so worried about him talaga tapos parang anytime pwede siyang mawala sakin.

"Jiro wag kang magagalit ah"

"Oh ano nga?"

Aaminin ko na ba talaga sa kanya? Eh paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung sagutin na siya ng babaeng gusto niya? Hays wag na nga lang

"Wala nevermind"

"Alam mo Lia ang gulo mo talaga tsk!" Sabi niya

"Tsaka ko na sasabihin kapag handa na talaga ako"

"Okay fine"

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon