Alli's POV
Nasa van kaming dalawa ni Jiro dahil papunta na kami sa lugar kung saan ang photoshoot namin.
Alam mo ang sungit sa akin nyan grabe as in daig pa ang babae kung makapag salita at sobrang tagos sa buto yung mga sinasabi niya sa akin.
"Alli may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ng isang staff sakin.
"Wala po" sagot ko tsaka ngumiti.
"Kung may manliligaw ba sayo dito, papayagan mo?"
"Pasensya na po wala po akong interes sa mga ganyang bagay. Trabaho lang po talaga focus ko" sagot ko at napansin kong sumimangot yung mukha niya.
Katabi ko si Jiro na nakaheadset lang tapos nakatingin sa bintana. Alam niyo nasaktan man ako sa sinabi niya sakin nung nakaraan, hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kanya.
Feeling ko sadyang ayaw niya talaga makipag kaibigan sa babae dahil ni isang staff maliban sa make up artist, yun lang ang kinakausap niya.
Kinalabit ng nagtanong sakin kanina si Jiro kaya napatingin sa kanya at tinanggal yung headset niya.
"Jiro may girlfriend ka na ba?" Tanong sa kanya at kumunot ang noo niya.
"Ano bang klaseng tanong yan?" Sabi niya tapos ngumisi. Ibig sabihin wala pa talaga siyang girlfriend?
"Sagutin mo nalang para malaman ng lahat kung single ka ba o taken"
"May girlfriend na ako" diretsong tanong niya nang hindi manlang siya nililingon.
"Oh may girlfriend na yung tao ah. Baka mamaya may sumubok pa rin na lumandi diyan" pagpaparinig niya tapos napansin ko na sa akin siya nakatingin.
Akala niya ba nilalandi ko si Jiro? The heck ang kapal ng mukha niya para isiping ganong klaseng babae ako.
Guys nakikipag kaibigan lang ako kay Jiro and walang halong kalandian yon. Tinuturing ko na kaibigan siya kahit na napakasalbahe niya sa akin.
Nakarating na kami dito sa isang mall dahil magiging ambassador daw kami ng perfume.
Pagbaba namin dito, to be expected marami na ang lumapit na babae kay Jiro at nagpapicture.
Pumayag naman siya magpakuha ng litrato tapos yung iba nagpa autograph pa sa kanya.
Ang swerte swerte siguro ng girlfriend niya noh? Tipong perfect na lahat tapos napakaloyal pang boyfriend. Kung ganyan lang boyfriend ko aba syempre aarte pa ba ako?
Habang pinagmamasdan ko siya napapangiti ako dahil makikita mo sa kanya na kung trabaho lang, trabaho lang talaga pero pagdating sa girlfriend niya, sorry wag na silang sumubok dahil loyal siya doon.
"Sana lahat may ganyang boyfriend" sabi ko.
Lalapitan ko sana si Jiro nang may biglang nanulak sa akin dahilan para mapayakap ako sa kanya.
"Ano ba naman yan te papansin?"
"Kaya nga hindi ata siya aware na may pila oh. Basta basta sumisingit eh"
"Feeling maganda jusko!"
Napatingin ako sa mga nagbubulungang tao tungkol sakin. Ang sama ng tingin nila at parang anytime pwede ka nilang sabunutan.
"Napatid lang siya guys wala siyang masamang intensyon and besides co-model ko siya" sabi ni Jiro kaya napatingin ako sa kanya. Napansin ko rin na hinarang niya yung kamay niya sa pagitan namin ng mga fans niya.
"Hindi mo naman siya girlfriend diba?"
"Co-model lang ba talaga?"
"Hindi ka ba type ni ate?"
Sunod sunod na tanong sa kanya pero ngumiti lang siya.
"I already have a girlfriend na po pero hindi siya yon. Professional kami sa trabaho kaya hindi po uso sa amin yung in a relationship and also loyal ako sa girlfriend ko" confident niyang sagot kaya nagsitilian ang mga babae.
Lyka's POV
(Kung maaalala niyo po, si Lyka po yung assistant ni Sammy and siya rin po yung umiyak sa morgue)
Nakasuot ako ng itim na damit habang nakatingin sa kanya.
"Thank you Sammy for everything you did to me. I swear magbabayad si Wave sayo. Damay damay na to Sammy and sinisigurado ko sayo na uubusin ko silang lahat. Hindi ako papayag na ganun ganun nalang ang lahat. Kung kinakailangan ko na makipaglaban sa kanila, gagawin ko. All these years ikaw ang tumayong ate ko at hindi manlang nila naappreciate na sadyang mahal mo lang si Wave" sabi ko habang umiiyak.
Maghanda ka na Wave dahil uubusin ko ang pamilya ng babaeng pinaglaban mo over kay Sammy.
Hindi ako matatahimik lalo na't madali nalang silang galawin ngayong wala na si Berry at comatose ang isa.
Paano ko nalaman? May mga tauhan ako na pumapasok minsan sa kwarto niya at chinecheck kung gigising na ba yung isa. Kapag nagising siya doon kami magtutuos.
Kapatid laban sa kapatid.
Sa ngayon kailangan ko munang ihanda ang lahat para paggising niya saka ko ipaparanas sa kanya ang hirap na pinagdaanan ni Sammy sa kulungan. Bagay lang kay Berry na nawala siya sa mundong to dahil masyado na siyang nagpapakabayani!
Kapag nalaman laman ko lang na nagising na yang Addie na yan, hindi ako magdadalawang isip na saksakin siya mismo sa kwartong tinutulugan niya ngayon.
Nililibing na ang kabaong ni Sammy. Ako lang ang nakakaintindi sa kanya dahil bata palang si Sammy noon tinakwil na siya ng step mother niya kaya nagtrabaho siya hanggang sa yumaman siya at nakita niya akong pagala gala sa kalsada noon.
Isa akong batang gusgusin noon na binihisan at pinakain niya sa bahay niya. Lumaki ako na nakapagtapos ako ng pag aaral sa tulong niya at hindi ko nakakalimutang malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Masama na kung masama man akong tawagin wala akong pake alam sa pinuputok ng butchi mong kupal ka.
Nung sinentensyahan siya ng 20 years na pagkakakulong, sobrang pinaglaban ko siya noon kaso sobrang daming ibedensya ni Wave kaya nanalo sila sa kaso.
Umiiyak ako nun kay Sammy dahil ginawa ko ang lahat para ipaglaban siya sa korte pero bagsak pa rin siya sa kulungan. Pagkatapos nun pinaasikaso niya yung will niya na kung sakaling mamamatay siya sa kulungan, ako ang magmamana ng kayamanan niya kaya heto ako ngayon, ako na ang nagmamay ari ng lahat.
"Hindi pa to ang katapusan Sammy, habang wala ka ako ang magsisilbing katawan mo dito para ituloy ang mga plano mo na hindi mo naituloy. Ako ang tatapos ng laban para sayo. Makakaasa ka na makukuha ko ang dapat na sayo dahil hindi mo deserve ang nangyare sayo. Kung kinakailangang pumatay ako ng tao, gagawin ko"
Humanda kayo dahil magsisimula palang ako.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomantizmThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...