SHANAYAH'S POV
Magandang buhay! Maganda ang araw, maganda ang gising ko, napakaganda ng umagang ito.
Bukod sa good mood akong umuwi kahapon sa bahay, inihatid ba naman ako ng isang Cole Breckett. Sinong hindi magiging good mood doon. Kakaiba ang dalang karisma ng isang Bucket, I mean Breckett dahil hanggang ngayon maganda ang mood ko, walang nakasisira.Actually kasi, crush ko siya pero slight lang, kapag nakalimutan niya ako hindi ko na siya crush, pero pag naalala niya ako, papakasalan ko na agad, charotera kang bruha ka!
Wagas ang ngiti ko habang papasok ng school not until I saw bad vibes. Kinilabutan ako dahil ang aga-aga panibagong babae na naman ang kasama niya.
Teka, ano bang pakialam ko? Wala dapat akong pakialam doon. Wala dapat.
Hindi ko na sinulyapan pa si Lucifer at dumiretso na lang sa room ko.
"Ganda ng ngiti natin diyan?" Thania said.
"Mas maganda ako kaysa sa ngiti ko!" mabilis nawala ang ngiti sa labi niya.
"Huwag kang gahaman girl, ang usapan ay ngiti lang, huwag lalampas doon. Dapat thank you na lang dahil napuri ka pa'' umupo na ako sa tabi niya.
"Ang dami mong satsat, alam ko naman nagagandahan ka sakin!'' humagalpak ako sa tawa nang bigla siyang mag-sign of the cross. Hahaha.
Ano bang mali sa sinabi ko? I shook my head in disbelieve. Grabe! Bestfriend ko yan ah.
Mas bumilis ang oras, wala rin halos pumasok na teacher dahil raw may inaasasikaso para sa darating na intramurals, school raw kasi namin ang magho-host ngayong taon.
"Shanayah, Thania, makikisabay ulit kami ah!" Bungisngis na sabi ni Jensen. Mabilis nangunot ang noo ni Thania.
"Eh paano kung ayaw namin?" mataray niyang sagot
"Sasabay pa rin kami!" Renier said and winked at me.
"Nagpaalam pa kayo kung hindi naman pala kayo susunod sa sinabing ayaw namin ng may kasabay na lalaki!" humalukipkip si Thania at tinarayan ang dalawa.
"Tara na nga Shanayah, kung ayaw ni Thania, ikaw na lang sumabay sa amin!" Jensen said, natatawa ako dahil sa pagaaway nilang dalawa.
"Hoy Jensen crush mo ba ang bestfriend ko?" Mas lalo akong natawa sa tanong na iyon ni Than.
"Hindi, si Renier may crush diyan, ikaw ang crush ko Thania!" Natigil ang tawa ko at nagulat sa sinabi ni Jensen, kahit si Thania ay nagulat rin.
I took a glance to Renier but he avoiding my gaze, nakamot pa siya sa batok niya, dahilan para makita kong namumula ang kanyang tainga. I raised my eyebrow, instead of asking about that, isinawalang bahala ko na lang.
"Can we uhm, makisabay too?" Nabaling ang atensyon ko sa conyong iyon.
Pagdating talaga sa ganyang salitaan, natatawa ako.
It's Lina's voice, kasama ang dalawa niyang ka-cheating goals, Angela and Eli. Kidding!
"Oh yan ah! Payagan mo na kami para The Mall the Merrier!" Jensen said.
"The more the merrier yon bobo! Utak mo, nawawala!" humalakhak kami sa sinabi ni Thania.
"Kaya nga, iniba ko lang, palabas kasi iyon nila Vice Ganda at Anne Curtis, palibhasa ikaw utak mo nasa South Korea!" Jensen.
"Palusot bulok Jensen!" singit Eli
"Ha?" Thania
"Utak mo—" Jensen was about to repeat what he said when Thania cut him. Binara ng salita niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226505480-288-k237026.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...