SHANAYAH'S POV
Lintik na Lucifer na iyon, hindi na naman ako pinatulog, kahit may tama ng alak ang sistema ko, hindi ako tinatablan ng antok. Ganoon ang epekto ng salitang binitawan niya. Letche siya!
Saturday ng umaga nagising ako sa bahay at mismong kwarto ni Thania, mabuti na lang rin at nakauwi kami ng hindi pa masyadong lasing, dahil kung hindi mayayari kami. Saktong umuwi kagabi ang parents niya. Ang akala kasi ni Than ay hindi raw uuwi kaya ang lakas ng loob, gumala.
Nagising ako sa sikat ng araw, napatayo ako na siyang pinagsisihan ko. Argh! How I hate hangover! Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ni Thania, she's still in her bed. Bagsak at parang mas marami pa atang nainom sa akin.
Ang malantod na babaeng iyan, iniwanan na naman ako kagabi.
Nagkilos ako at nagbihis lang tsaka bumaba. Si Manang Leti lamang ang nasa kusina, nagluluto.
"Good morning Manang Leti!'' I greeted her, she faced me while holding a spatula on her right hand.
"Oh hija, nandito ka pala?" Ay hindi po manang, picture ko lang po ito.
"Tulungan ko na po kayo diyan manang!"
"Nandiyan pa po ba sina Tita?"
"Oo hija, nasa taas pa, baka tulog pa!" hinanda ko naman ang kape nina Tito at Tita, at gatas sa amin ni Thania.
Mabuti na lang at wala ng maraming tanong ang parents ni Thania, kapag kasi magkasama kaming dalawa, mas panatag ang loob nila Tita at Tito, hindi nila alam si Thania ang may pakana minsan ng pagpunta naming bar at pag hang-out.
Mabilis lumipas ang araw, tinapos ko ang assignments and take home activity noong sabado ng gabi, inubos ko naman ang oras ko noong linggo sa pag-advance study.
Dahil Monday, maaga na naman ang gising. Maganda ang ngiti ko mula pagbaba ng trycicle, gaya noong last week, hindi na nawala ang mapanuring mga tingin nila sa akin pati na rin ang bulungang naririnig ko na naman.
Instead of giving them my attention, I just walk like I'm not hearing their rants towards me. It's just a waste of time, kagaya ng lagi kong sinasabi sa aking sarili.
Hindi pa ako nakakalayo sa gate at hindi pa nga ako nakakapasok sa building ng may biglang umakbay sa akin.
"Good morning sunshine!" nagtilian ang mga babaeng nasa paligid ko, nasira ang lunes ko.
My eyerbrow furrowed, dahan-dahan kong tinignan ang mokong na biglang umakbay sa akin.
"What the..."
"Masama ang magmura!" ngisi niyang sabi
"Fudge bar!" duksong ko!
I can still remember our encountered on the hallway last week. Even those words he said. Anong klaseng paghihiganti naman.....
''You'll pay for what you did!"
"Name your price then"
"Baka malula ka pag sinabi ko sayong...."
"Ano?"
"Hindi pera ang kailangan ko, kundi..."
"Ang dami mong satsat, sabihin mo na lang ng maibigay ko ang—"
"Puso mo? Deal!"
Automatic na lumipad ang siko ko sa tiyan niya, nakalas ang pag-akbay niya sa akin.
"Ouch!"
"Gosh, she's so harsh to our Luke!"
Sinamaan ko lang ng tingin ang mga babaeng iyon at ibinalik ang tingin kay Luke na naimilipit sa sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/226505480-288-k237026.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...