WARNING!!!
Rated SPG: Striktong Patnubay at Gabay ko ang kailangan, sweetie. Lampasan mo na lamang ang kabanatang ito kung ayaw mong mamantyahan ang iyong mata. Haha lolsXD! Ito rin ang kauna-unahang gagawa ako ng ganitong scene sana'y mapatawad ninyo ako sweeties.
This chapter are contains mature scenes, read at your own risk.SHANAYAH'S POV
Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko, sa una ay marahan iyon na siyang nagbigay ng kakaibang kabog sa dibdib ko ngunit nang tumagal ay doon ko lang napagtanto ang nakita ko sa aking isipan, ang nakangiting mukha ni Luke.
Napalunok ako at humiwalay sa labi niya. Mapungay ang mga mata ni Leonard. Grabe ang tahip ng dibdib ko at nagmamadaling lumabas ng sasakyan niya, bago ko isarado iyon ay tinawag ako ni Leonard, nilingon ko lamang siya kasabay ng pagtulo ng aking luha. Tumakbo ako papasok ng lobby, hanggang sa elevator, mabuti na lamang ay nagiisa ako, doon ko ibinuhos ang luha ko.
Gulong gulo na ako, ayokong saktan si Leonard pero ayoko ring magsisi kung sino man sa dalawa ang pipiliin ko.
Nang nasa tapat na ako ng unit ko ay huminga ako ng malalim, pinunasan ang aking luha bago binuksan ang pinto.
Didiretso na sana ako sa aking kwarto nang may maamoy akong pamilyar na pabango, hindi sa akin, hindi rin kay Leonard. Kumabog ang dibdib ko at hinanap ang switch ng ilaw. Ang kaninang humupang kabog ng dibdib ko ay nagsisimula na muli ngayon, dahil sa kakaibang kaba.
Mabilis kong binuksan ang ilaw at kumalat ang liwanag, ngunit nasentro ang paningin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa ko, nagmumukhang maliit ang aking sofa dahil sa kanya. Ang kaninang bilis ng tibok ng aking puso ay dumoble nang lingunin ako ni Luke gamit ang matalim niyang tingin.
Sa isang kurap ko ay nasa harap ko na siya, mabilis rin akong humakbang paatras hanggang sa ramdam ko na ang dingding. Bigla niyang pinatay ang ilaw dahilan para kumalat naman ang dilim ngayon, hindi ko makita ang matalim niyang tingin pero pakiramdam ko nanunuot ang titig niyang iyon hanggang sa aking buto.
"You're making me one of your fucking options." mahina man pero ramdam ko ang gigil sa bawat salita niya, sinabi niya iyon at hindi nagtatanong.
Napayuko ako at tumulo muli ang aking luha, nanginginig ang kamay ko lalo pa nang maramdam kong hawakan niya iyon. Yumuko siya at pinilit na isiksik muli ang kanyang mukha sa aking leeg.
"I'm fucking mad right now. I saw you with that fucking Villarino, I really want to punch him for touching what's mine but I want to know your side first....again" napalunok ako at kakaibang epekto ang dumaloy sa aking sistema nang maramdaman ko ang dalawang kamay niya sa aking bewang at pinipisil iyon.
Tila nanlambot ako at mawawalan ng balanse.
"L-luke..." I whispered.
"Kung sasaktan mo lang uli ako, nakikiusap ako, hindi ko na kayang sumalo pa ng sakit galing sayo Shan...." Napapaos niyang sabi.
"L-luke..." wala akong ibang masabi kundi pangalan niya lang.
"But if that's the only chance for you to stay with me then I'm fucking willingly to catch all the pains coming from you. Just fucking stay and choose me."
Tumulo muli ang luha ko dahil mukhang kilala ko na kung sino talaga ang mas matimbang, napapagod na akong itago ito at lokohin ang sarili ko.
"Kahit paulit-ulit mo akong saktan, huwag mo lamang akong iiwan Shan...."
Tila naputol ang kakaunting pasensyang pinipigilan ko, hinawakan ko ang ulo niya at sinunggaban siya ng halik. Hindi ko na kakayanin pa.
Naiiyak man pero mukhang wala akong pagsisisihan. Gumanti siya ng halik sa akin, ang kamay ko ay nasa mukha niya lamang samantalang ang kanyang dalawang kamay ay napakalikot at kung saan saan na nakakarating.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
Fiksi UmumShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...