SHANAYAH'S POV
I wake up early, maybe I miss school, I miss my uniform, I miss studying and I miss my classmates. Mukhang kaplastikan yung huli. Sa sobrang aga kong nagising, ako na ang nagluto ng almusal, at nagasikaso ng kape ni Papa. Pagbaba ni mama ay nagulat siyang nadatnan ako sa kusina.
"Ang aga ah!" puna ni mama, kumuha siya ng tasa at naglagay ng tea, nakatingin na siya sa pagkaing nakahanda sa mesa. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.
"Oh dahil baka inspired ka na?" mabilis nabura ang ngiting iyon.
"Ma naman!" tumawa lamang siya. Inilagay ko ang fried rice sa mesa at nagpaalam na magkikilos muna bago kumain. Habang nag-bibihis ay kumatok si mama.
"Dalian mo riyan Shanayah, may sundo ka na!" sabi niya, dinig ko ang yapak niya pagalis. Sundo? Sino namang sundo iyon?
Naglagay lang ako ng face powder, cheek tint at lip tint, pagkatapos ay huling sulyap sa salamin tsaka lumabas. Hindi ko mahanap kung anong dahilan ng pagiging good mood ko ngayong araw, mukhang may mangyayaring maganda.
Nakangiti akong bumaba, ngunit agad ring nawala nang marinig ko ang pamilyar na boses sa kusina. Kabaliktaran pala nito ang sinabi kong 'mukhang may mangyayaring maganda'.
"Kumain ka muna Hijo!" mama
"Nako, hindi na po! I'm full po!" Sagot ng plastik na si Lucifer, sobrang galang kapag kaharap sina mama pero kapag ako grabe ang paguugali.
"Masamang tanggihan ang grasya, lalo na pag luto iyan ni Shanayah!" seryosong sabi ni papa habang nagbabasa ng diyaryo. Namataan ako ni mama, kaya lumingon din sa akin si Lucifer, wagas ang ngiti.
"Sabi ko nga po, masamang tanggihan ang grasya Pa!'' nakangiting sabi ni Lucifer ang mata ay nasa akin, pare-parehas kaming nagulat tatlo dahil sa sinabi ni Lucifer, si papa ay ibinaba agad ang diyaryong hawak at tumingin kay Lucifer nang may pagtataka.
"Anong sinabi mo Hijo?'' mama
"Pa?" tanong ko naman nang makalapit. Nawala ang ngiti ni Lucifer at napalitan ng kaba.
"What I mean is papa ni Shanayah." Palusot niya, kinakabahang sinulyapan si papa nanakatitig ng mariin sa kanya. Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil sa epic ng mukha niya. Hanggang sa makalabas kami ng bahay, doon ko lang pinakawalan ang malakas kong tawa.
"HAHAHA, seryoso ka na niyan? Masyado kang pikon, ikaw naman ang nagpahamak sa sarili mo" malakas na tawa ang pinakawalan ko, sinamaan niya ako ng tingin.
"Shut up!" seryoso niyang sabi, nawawalan ng pasensyang pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya, hindi pa ako nakakasakay ay iniwan niya na ako at lumipat sa driver's seat. Ang sungit hahaha.
"Bakit kasi nakiki-papa ka diyan? Kapatid kita?" natatawa ko pa ring sabi!
"Shut up baby, please!" doon lang ata ako natahimik, sa seryosong mukha at malambing na boses. Hindi ko pinahalatang nagulat ako kahit iyon ang totoo.
"B-bakit ba?" sabi ko nang nauutal pa.
"Doon rin naman kasi patungo iyon!" seryoso niyang sabi, ni' hindi niya ako sinulyapan habang nagmamaneho siya.
"Ang alin?"
"Ang pagtawag ko ng papa kay tito!" sabi niya.
"Ay bakit magiging kapatid na rin kita?" Tinagilid ko ang buong katawan ko at hinarap sa kanya, ngiting ngiti.
"No! 'Cause I'll be your future husband."
Lah? Advance ka mag-isip dude! Kalmahin mo ang imagination mo, hindi tayo makakarating diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/226505480-288-k237026.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...