SHANAYAH'S POV
Kinabukasan ay inubos ko lang ang kalahating araw ko sa pag-gawa ng banner. Grabe kaya ayoko magkaroon ng jowang basketbolista eh dahil obligadong gumawa pa ng banner.
Wala akong jowa pero kailangan ito eh. Ang siraulong iyon, pasalamat siya nag-eeffort ako para sa kanya. Kinabukasan ay dinaanan ako ni Thania sa bahay.
"What's that?" maarte niyang tanong, she's wearing short and oversized shirt, and white sneakers, ako naman ay naka jersey shirt at jeans and white sneakers lang din, ayokong i-expose ang thighs ko, paniguradong opening pa lang naman at may program pa, tsaka na lang ako magpapalit ng pambaba. Ang shoes ko ay nasa locker ko na.
"Secret baka asset!" tila narinig ko ang boses ni Lucifer dahil sa sinabi ko, inismiran niya lang ako.
"Ma,Pa, alis na po kami!'' paalam ko sa kanila.
"Goodluck nak. Goodluck Thania!'' mama
"Salamat tita!"
"Hoy babae, umamin ka nga para saan nga iyan?" pangungulit niya habang nasa biyahe kami papuntang school.
"Banner yan, ano?"
"Alam mo naman pala, nagtatanong pa!"
"Magkaiba ang nagtatanong sa nangungumpirma." She said.
"Para kanino?" I was about to answer pero inunahan niya na naman ako.
"Para kay Luke, ano?"
"Lintek na, alam mo naman pala eh"
"Hoy babae, umayos ayos ka baka—"
"Hanep! Hindi ka talaga titigil ano? Hindi ako marupok sis. Hindi ganitong galawan, hindi rin porket eh gagawa ako nito, hulog na ako! Ayusin mo utak mo!"
"Ito naman, nagbibiro lang eh, baka magulat na lang ako—"
"Andito na tayo Than." Hindi ko na siya hinintay na sumagot, inunahan ko na siyang lumabas.
"Sunshineeee!" agaw pansin ang ginagawa ni Lucifer, tumatakbo siya habang sinisigaw iyon, tuloy ay nakatingin sa kanya ang ibang players, noon ko lang rin napansin na may ibang students na rito. Medyo marami na, may ibang humahagikhik pa dahil sa ginagawa ni Lucifer. Natawa pa ako dahil sa itsura niya, kahit na mukhang bata ang ginagawa niyang pagtakbo hindi pa rin nakaligtas ang kagwapuhan niya....para sa mga fans niya 'kuno'
"Ano ka ba, umayos ka nga!" pinalo ko ang braso niya ng makalapit. "Pinagtitinginan tayo, baka isipin mag-jowa tayo!"
"Let them be!" he said like it's not that big deal for him, hinampas ko ulit siya. Naka-tshirt lang siya, jersey shorts at nakasapatos na.
"Hindi ganyan ang inaasahan kong pang-good morning at good luck mo Baby!" nakanguso niyang sabi, nagpapa-baby. Hinampas ko uli siya at pinanlakihan ng mata, pero ang loko tumawa lang.
"Awit, sunshine lang noon, baby na ngayon. Ano sunod?" singit ni Thania na nasa gilid ko na.
"Wifey!" nawala ang pagnguso niya, napalitan ng malawak na ngisi, nanliliit ang mga mata.
"Psh!" singhal ko at nilampasan sila.
"Wait baby—"
"Oh! Shut up!" imbes na sumagot ay dumapo ang mata niya sa blue na cartolinang hawak ko. Akma niyang kukunin mula sa akin, pero mabilis kong naiwas.
"Ano yan?" nagpapa-cute niyang tanong, kaya tuloy ang mga nakatingin ay hindi na mapigilang mapatili.
"Banner!" walang emosyon kong sagot, mas nagliwanag ang mukha niya. Maganda siguro ang hulog nitong kumag na ito.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
قصص عامةShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...