Chapter 46

435 10 0
                                    

SHANAYAH'S POV

"Bakit kasi ang bobo niyo sa pag-ibig ni Thania? Hindi kayo gumaya sa akin" nahimasmasan na ako, nandito sila sa loob ng unit ko, kanina pa putak ng putak si Timothy, nakatulala lang ako sa kawalan at inalala ang nangyari sa amin ni Luke mula kagabi at ang engkwentro namin ni Leonard, sinulyapan ko ang cellphone kong low bat na, lumampas ang tingin ko at natulala sa singsing na kuminang sa aking palasingsingan.

Hugis diamond ang diyamanteng iyon, malaki ang bato niyon na kahit sino talagang tumingin sa kamay ko mabilis mapapansin ang singsing na iyon. Napangiti ako, napaka-makasarili ko. Pero hindi ako nakaramdam ng pagsisisi kung sino ang pinili ko ngayon.

"Tangina neto' nakita na naman ako" sagot ni Thania. "Ayan si Shanaya—" naputol ang sasabihin ni Thania, nakatingin siya sa akin.

"Gago. Timothy kaibigan mo nabaliw na, kanina umiiyak lang ngayon nakangi—Ano yan?" eksaheradong tanong niya at nginudngod ang mukha sa singsing.

"Putakte, akala ko ba sinukuan ka na ni Leonard, kung ganoon
kanino—"

"What's that?" tanong ni Timothy galing sa kusina. Bago pa niya makita ay pumasok na ako sa loob ng kwarto dala ang cellphone.

"Hoy bruhilda, umamin ka nga"

"Shanayah, lumabas ka rito"

Napailing iling na lang ako, wala ako sa mood ipaliwanag sa kanila iyon ngayon.

Chinarge ko ang cellphone ko at napagdesisyunang maligo na lang rin muna ngunit pagpasok ko sa banyo ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang mamataan ang nakahubang katawan ni Luke. Nanlalaki ang mata ko at natulala sa ipinagmamalaki niya. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ininda na tabunan iyon.

Ngayon ko lang naalala, iniwan ko pala siya dito sa unit ko, mabuti at hindi siya lumalabas pa, nandito ang dalawa kong kaibigan.

Pumikit ako at kinusot ang aking mata nagbabakasalaking naghahallucination lamang ako pero hindi, lalo pa ng lumapit siya sa akin at yakapin ako.

"I miss you..." napapaos niyang sabi.

"A-ano ka ba mababasa ako." Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko, mabilis ko siyang tinulak at pinipilit na iwasan ang dapat tignan.

"K-kanina k-ka p-pa ba d-dito? Hindi ka u-umuwi?" I heard him chuckled.

"Yah, I told you I'll wait for you" mabilis akong naging emosyonal dahil sa sinabi niya.

Niyakap ko muli siya pero mabilis rin akong humiwalay nang maramdaman ko ang down there niya, humalakhak siya pero mabilis ko ring tinakpan ang bibig niya dahil baka marinig ng dalawa kong kaibigan.

"What?" painosente niyang tanong.

"Hindi nila alam na nandito ka" bulong ko nang marinig na tinatawag ako ni Thania. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at lumabas ng banyo, sinenyasan ko si Luke na huwag lalabas roon.

"Diyan ka lang" paalala ko, nag-salute pa siya dahialn para gumalaw ang kanyang talong, nanlaki ang mata kong sinulyapan iyon pero tumawa lang siya.

"Ano yon?" maliit na siwang lang ang ginawa ko.

"Kanino ito?" nanlaki ang mata ko ng makita ang polo ni Luke na hawak ni Timothy, nakapameywang si Thania at nakaarko ang dalawang kilay. Mabilis kong hinablot iyon at sinarado uli ang pinto.

"IPAPALIWANAG KO MAMAYA" sigaw ko, ang dalawa ay hindi mapakali.
Kabado ako nang maisarado ang pinto.

Napa-face palm pa ako, sa sobrang daming nangyari ngayong maghapon hindi ko napansing kagabi lang nangyari ang sa amin ni Luke. Super fresh pa ang lahat ng iyon. Nasulyapan ko si Luke na lumabas ng banyo, nakatapis na ng tuwalya ang pambaba niya. Nakahinga ako ng maluwag.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon