Chapter 5

612 13 0
                                    

SHANAYAH'S POV

"Good morning bestfriend!" bungisngis na bungad sa akin ni Thania, masyadong maaga para sa ganyang klase ng ngiti, nakakatakot pa kapag galing sa kanya, nakakakilabot. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"May kailangan ka ano?" sarkastiko kong bungisngis rin. Naalis ang wagas niyang ngiti.

"Ito naman para naglalambing, ano sama ka na sa Friday?"

"Ay wow! Speed lang!" napailing iling ako, humalakhak siya dahil sa sinabi ko. Hindi man lang magpakipot muna ng balak niyang sabihin talaga dineretso niya. 

"Dali na, treat kita, mag-liwaliw ka naman oh! Huwag puro libro ang kaharap mo, baka mabaliw ka!"

"Huling liwaliw ko na kasama ka, aba nangiwan ka ah!"

Tandang tanda ko, last month pa yung huling night out ko na kasama siya, napakalandi ng babaeng ito, umiinom lang kami, nag-cr lang ako noon, aba pagbalik ko may kalampungan na ang babae. Kaya minsan, nakakadala rin talaga na kasama siya sa inuman.

Sabay kaming pumasok sa room, ilang minuto ay pumasok ang first subject namin.

Puro discussion lang at may isang teacher na nagpa-recitation. Mabuti na lang ay nakapag-aral ako kagabi bago matulog. Speed lang ng oras, swabe rin ang takbo ng discussion. Mabilis lumipas at lunch na, so ibig sabihin, cafeteria na naman kami.

Tuwing papasok pa lang roon, bumabaliktad na agad ang sikmura ko, pakiramdam magpapasikat na naman mamaya si Lucifer.

Hindi namin kasabay ang tres marias, sa labas daw sila ng school kakain, sa Korean restaurant na hindi naman kalayuan sa school namin. Sina Jensen at Renier naman ay hindi rin sumabay sa amin, hindi ko na tinanong ang dahilan niyon.

Mabilis na nakaorder si Thania, kakaunti pa lang ang studyante kaya, hindi siya nahirapan.

"Try mo rin kayang mag-order ng para sa atin!" reklamo niya, nginisihan ko lang siya.

"Oo na, dami reklamo eh, sanay ka naman nga sa ganyan eh!"

Akala ko magiging mapayapa ang lunch break ko, pero halos tumirik ang mata ko kakairap nang biglang nagtitilian na naman ang mga babae sa buong cafeteria.

Here we go again! 

Humagikhik ang kaharap ko. Nanlaki ang mata ko at pinitik ang noo niya. 

"Ouch!" reklamo niya

"Kilabutan ka nga. Playboys yan!" paalala ko

"Kaya pala, crush mo yung isa sa kanila!" napanguso siya, umiwas ako ng tingin. Paepal na ito, paano nito nalaman? 

"Itanggi mo!" sinamaan ko siya ng tingin. Nakaturo sa akin ang tinidor niya, nagkibit ako ng balikat.

"Oh my gawd! Crush mo nga ang isa sa kanila!!Sinooooo? Goddammit! Nagsi-sikreto ka na sa akin. Walang hiya kang babae ka, nagbibiro lang ako tapos hindi mo itinatanggi?" nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Wala, alam mong hindi ako magkakagusto sa isa sa kanila!'' matagal bago siya nakasagot, matamang tinitigan ako at parang malalim ang iniisip. Nagkibit siya ng balikat at humarap sa pagkain niya. Nagtaka ako dahil sa inakto niya pero hindi ko na lang pinansin

"You know what? You're right! Mahirap mahulog sa mga katulad nila." Nahinto ako sa akmang pagsubo dahil sa kaseryosohan ng boses niya, nangunot ang noo ko doon, minsan lang magsalita ng ganito si Thania, minsan lang rin siya magseryoso. Kung makapagbitaw siya ng ganyang salita parang may experience na siya sa mga playboys ah?

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon