SHANAYAH'S POV
Nakatutulala ako, ni' hindi ko alam kung anong gagawin,hindi nagsisink-in sa utak ko ang aking nabasa, kung hindi lang biglaan ang pagbagsak ng ulan ay hindi pa ako aalis sa kinatatayuan ko.
Lakad takbo ang aking ginawa makalabas lang ng school, nagkukumahog pa akong pumara ng trycicle, hindi ko ininda ang malakas na ulan, ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makapunta sa address ng hospital na sinabi ni papa.
Pagbaba ko ay tinakbo ko ang information desk at nagtanong kung may pasyente silang sinugod ngayon ngayon lang, akmang sasagot ang babae ng makita ko si papa na nasa labas ng emergency room.
"Pa!" saktong paglapit ko sa kanya, palad niya naman ngayon ang lumagapak sa pisngi ko. Mabilis akong napayuko kasabay ng pagtulo ng aking luha.
Kaba ang bumalot sa dibdib ko, hindi ko na rin ininda ang mga matang nakatingin sa amin.
"Hindi ka namin pina-laki ng mama mo para manloko ng tao!" doon ko lamang nakumpirma iyon. Nanlaki ang mga mata ko, kaba ang bumalot sa buong sistema ko.
"Pa!" nagangat ako ng tingin, masama ang tinging ipinukol niya sa akin, at napapailing, na siyang mas dumurog ng puso ko. Dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang maramdamang nadisappoint ko ang aking magulang.
Ngayon pa lamang naiimagine ko na ang itsura ni mama, at ang dahilan ng pagka-atake sa puso niya.
Dumistansya sa akin si papa dahil alam kong anumang oras hindi niya kayang pigilan ang emosyon niya.
"May pumuntang babae sa bahay at inamin ang katarantaduhang ginawa mo Shanayah! Anong—Paano mo nagawa ang ganoong klaseng bagay? Nagawa mong lokohin si Luke para sa ano—Punyetang pera yan Shanayah! Hindi tayo mayaman pero hindi ka namin tinuruan maging ganyan!" kalmado man madiin ang bawat salitang binibitawan niya, pinipilit pang hinaan ang boses. May ibang napapatingin sa gawi namin pero hindi ko na lang sila pinapansin.
Wala ng mas sasakit sa mga salitang binitawan ni Papa, sa mga salitang sinabi ni Luke at ang malamang inilaglag ako ni Louisse Carson.
Sobrang sakit at panghihina ang nararamdaman ko pero nagingibabaw doon ang galit ko para sa panganay na Carson.
Ilang oras na hindi ako pinansin ni Papa, nailipat na sa pribadong kwarto si Mama sa tulong ni Tita Kryzelle, sa ngayon ay kasama ko si Thania, si Timothy naman ay bumibili ng pagkain, nasa labas kami ng kwarto ni Mama, wala akong lakas ng loob pumasok doon, lalo pa't nandoon si Papa. Alam kong grabe ang galit niya sa akin.
"Ano ba talagang nangyari Shan?" nagaalala ang boses niya habang nakaakbay sa akin at hinihimas ang aking balikat. Ayon na naman ang luha kong hindi ata nauubos.
"N-nagpunta si Louisse C-Carson sa bahay at inamin ang k-kasunduan namin sa m-magulang ko.''
"Ano??''
"What did you say Shan?" tamad kong nilingon si Timothy dala ang pagkain namin, bumagsak lang rin ang mata ko sa sahig. Wala na akong lakas paulit-ulitin ang mga sinasabi ko.
Wala sa kasunduan nating magtanong ako, kahit hindi mo ako sinagot. At mas lalong wala sa kasunduan nating isumbong mo ako sa magulang ko Louisse. Mataas respeto ko sayo dahil kapatid ka ng taong mahal ko, pero mabilis ring nawala iyon dahil sa ginawa mo sa mama ko. Sa oras na may mangyaring masama sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad. Hinding hindi.
Umabot ng dalawang araw at hindi pa rin nagigising si mama, sinabi ng doctor na normal lamang iyon, pinaalalahanan niya rin kaming kailangan ipaopera na si mama, mas lalong hindi ako pinansin ni papa nang umabot sa pangatlong araw at hindi pa rin nagigising si mama.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...