Chapter 29

349 9 0
                                    

SHANAYAH'S POV

This day made me more exhausted, pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod kong araw ngayong huling araw ng November. I was about to lay down on my bed when my phone rang. Tamad kong tinignan at nangunot ang noo ko ng makitang pangalan ni Timothy ang nandoon. I swipe left to answer it.

"Hello—"

"Is this Miss Shanayah Venice Salazar?" mas nagtaka ako nang hindi pamilyar na lalaki ang sumagot.

"Uhm Y-yes, why? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Timothy?"

"Let me talk to her!" isang boses babae naman iyon.

Timothy, mapepektusan talaga kita.

"Hello, I'm Halley. Charlotte Halley Silvestri the owner of the CHS, is Timothy your boyfriend?" nagaalangan niya pang tanong.

Halley Silvestri...familiar..

"No. I'm his bestfriend why?"

"Opss, I'm sorry! He's here sa CHS, bagsak na, mukhang may problema!" mabilis akong napatayo at kumuha ng damit.

"Okay. Pwede paki-bantayan muna? Papunta na ako. Thanks!"

"Your welcome!" mabilis kong pinatay ang tawag.

Pinalitan ko lang ang pajama ko at pinatungan ko lang ng jacket ang aking sando. Mukhang medyo malala ang problema ng kumag na iyon. Nahirapan pa akong makasakay dahil hatinggabi na.

Pagdating ko sa CHS, inaasahan ko ng marami talagangang mga tao pero hindi ko inaasahang ganito karami, halos sumabog ang buong bar dahil sa dami at wild ang mga tao. Mabilis rin naman akong nakapasok siguro inaasahan na ako ng bouncer na nakabantay.

May sumalubong sa aking waiter na lalaki, ito na siguro iyong kausap ko kanina.

"This way maam!"

"Thanks."

Umakyat kami sa pangalawang palapag ng bar, may nadaanan kaming mga room, siguro'y VIP room ng mga mayayaman na nagwawaldas lang ng pera sa alak.

May binuksan na pintuan ang waiter at doon ko nakita si Tim na nakahiga sa sofa, may nakatalikod sa banda ko na nakatayo sa gilid ni Tim na babae at lalaki, nagbubulungan sa kung saan.

"Jesus Timothy" dali-dali akong pumunta sa sofa kung saan siya nakahiga.

"Helu Zanayah!" nangunot ang ko, mukhang lasing na lasing nga.

"He's my friend, ihahatid ko na sana siya but I can't, may importante akong customer ngayon eh!" napaharap ako sa babaeng nagsalita, laglag ang panga ko nang makita ang babae.

Kaya pala familiar ang babae, dahil siya iyong manunulat na kilalang kilala ko. Her books are one of the top selling nationwide, her stories are one of my favorites.

Halley Silvestri that's the reason why she's familiar.

She's very beautiful in person. She's wearing Elegant Sleeveless Crop top and black highwaisted pants, naka-gucci belt pa siya, and even her high heels. She look like a international model. Hindi naging hadlang ang dim lights sa loob ng silid para makita ko ang ganda ng mukha niya, her long and wavy hair na naka-dye into ash gray. Her thick eyelashes, her well-shaped pointed nose, her thick lips at iyong nakakapang-akit niyang mata, ang mata niyang napaka-mapungay.

Ang ganda-ganda niya. I never thought I will meet her in person nang dahil lang sa lalaking ito. Kaibigan ni Tim si Halley, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin?

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon