SHANAYAH'S POV
Sobrang gaan sa pakiramdam ang lahat ng ito. Pakiramdam ko wala na akong makakaharap pang pagsubok o kung meron man alam kong malalampasan namin ni Luke. Hindi na lalo mapantayan ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Are you done, baby?" tanong niya mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi kami ayos ng kanyang kapatid pero hindi naman siya ang mamahalin ko kundi si Luke. Kung hindi na talaga kami magkakaayos pa dahil halata namang ayaw sa akin ng kapatid niya, hindi ko na siya pipilitin pa.
Sinusubukan ko na ring kalimutan pa ang nakaraan at kung ano ang relasyon ko sa ate niya noon, sinusubukan ko na kahit sobrang hirap. Dahil kasabay ng pagkalimot ko sa kasalanang ginawa ng ate niya ay para ko na ring sinasabi na kinalimutan ko kung paano namatay si mama.
Napangiti ako ng mapait, hindi ito ang tamang oras para diyan. Heto na, ipapakilala na ako ni Luke, parang noon lang pinapangarap ko na makilala ng personal ang magulang niya bilang girlfriend niya pero ngayon, ipapakilala na niya ako bilang fiancée niya.
Wala si Louisse doon at out of town.
Natulala ako sa repleksyon ko sa salamin. Wearing a backless elegant maroon dress with crytals all over it. I put my hair into a clean bun and wear light make up.Binuksan ko ang pinto at ang napakagwapong mukha ng fiancé ko ang bumungad sa akin. Imagine, araw-araw kong makikita ang ganito kagwapong mukha kapag kinasal na kami, magiging asawa ko na at magiging ama ng mga anak ko. Kung gaano katamis ang pagkakangiti ko ay siya namang pagkanganga niya. Natatawa kong isinarado iyon.
"Matunaw naman" bulong ko.
"You look so beautiful" bulong niya rin, kahit hindi na niya sabihin, halata naman sa reaksyon ng mukha niya.
Grabe ang pagalalay na ginawa niya mula paglabas namin ng unit ko hanggang sa pagpasok sa kotse niya.
"Stop treating me like I'm a sick person" suway ko sa kanya, hanggang sa biyahe rin ay hindi mawala ang paningin niya sa akin. Panay ang sulyap niya na akala mo naman anumang oras mawawala ako sa paningin niya.
"I....I just can't.....imagine that I'm now your fiancé, baby" sabi niya, kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon.
Napanganga ako nang makita ang mansyon nila, ito pa rin iyong napuntahan ko noon. pero mukhang lumawak lang at nagiba ang disenyo, mukhang may ibang silid din ang narenovate.
"Na-renovate?" bigla ay tanong ko habang papasok ang kotse niya sa loob.
"Yeah" sagot niya.
Madilim na dulot ng gabi pero maliwanag ang paligid ng mansyon, mula sa malaking gate hanggang sa loob.
Napangiti ako ng wala sa oras, nang maalala ang unang punta ko rito. Aso't pusa pa lamang kami ni Luke pero ngayon bubuo na kami ng isnag pamilya.
"Why are you smiling, hmm?" tanong niya, habang tinatanggal ang seat belt niya.
"Naalala ko lang noong unang tapak ko rito, magkaaway pa tayo, pero ngayon ikakasal na tayo" napangiti ako dahil sa bilis ng panahon.
"Magandang gabi po, Sir......" bati ng katulong kay Luke at nahinto ang paningin niya sa akin. Nangunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin.
"Where's mom and dad?" tanong ni Luke. Aligagang itinuro ng kasambahay ang dining area nila, iginaya ako ni Luke sa Dining nila.
Inaalala ko kung saan ko siya nakita, nang dapuan ng mata ko ang grand staircase nila ay doon ko naalala ang babaeng nakita. Siya iyong katulong na nakasalubong ko, hindi ko alam na nandito pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...