SHANAYAH'S POV
Finish na. Wala na akong kawala. Talo na ako. Sinabi ko nang mahal ko rin siya. Wala na akong magagawa, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, mahihiya ba ako o ano.
First day of school in new year. Maaga akong nakapasok sa school, halos wala pang ibang studyante. Nagpunta akong locker room upang ilagay ang ibang gamit ko na mamayang hapon ko pa gagamitin. Saktong pagsara ko ng locker ay may dalawang braso sa sa magkabilang gilid ko, sa kanan ko ay may isang bulaklak at sa kaliwa naman ay may isang parihabang kahon, mabilis kong hinarap ang may-ari ng brasong iyon, at hindi nga ako nagkakamali.
"L-luke!" ito na nga ba, nagpaplano pa lang akong iwasan siya dahil nahihiya ako sa di malamang dahilan.
"I have gift for you" sabi niya at ibiinibigay sa akin iyon. "Open it!"
Matagal ko siyang tinitigan at ang ngiti niya, new hair cut rin siya na talagang bumagay sa kanya, mas lalo rin siyang pumuti.
"A-ano ito?" nagkibit balikat lang siya at tinitigan iyong regalong hawak ko na. Sumulyap ako sa hallway na walang katao-tao, masyado rin siyang maaga. Nanginginig ang kamay kong binubuksan ang parihabang kahon na iyon. Nanlaki ang mata ko ng kuminang ang laman ng kahon.
"Fudgee!" It's a necklace, sun ang pendant niya, mukhang mamahalin at mas lalong mukhang hindi babagay sa akin.Iniangat ko ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang nagsalita.
"It's a sun, because you gave light to my dark life." It's a cliché line but why do I feel something strange in my stomach.
Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.
"You like it!"
"Of course I like it. Bigay mo eh!" sabi ko, napansin kong namumula ang tenga niya, alam ko ang ibig sabihin niyon.
"Hmm!" Luke
Humiwalay ako sa yakap, alam ko na ang ibig niyang sabihin doon.Hindi na niya kailangang magtanong.
"Thank you!" pagiiba ko ng usapan.
"Anything for you!" mariin ang titig niya, ngunit hindi matalim, yung titig na lagi niyang ipinupukol sa akin, yung tingin na parang gustong gusto niya ang mga nakikita niya.
"Hmm. Shanayah—" I cut him, hindi ko na kayang pigilan pa.
"Yes, Luke. Totoo iyong sinabi ko, hindi ako nagbibiro. I can't take it anymore. I can't hide it anymore. I love you so much. Hindi ko na kayang pigilan pa Luke!" mahina man ngunit hindi ko kayang ikalma ang boses ko, pakiramdam ko anytime, magbe-breakdown ako dahil sa mga sinasabi ko sa kanya isabay pa ang titig niya. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya, kung masaya ba, kung sisigaw pero pinipigilan. Kaya sa huli niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.
"I love you so much Shanayah. Thank you for making me happy. Sobrang saya ko dahil sayo, ngayon!" sobrang sarap pakinggan ang lahat ng iyon, tila may humahaplos sa puso ko.
May epal na pumutol ng moment naming dalawa, ang dalawa kong kaibigan at ang dalawa niyang kaibigan.
"Ayon, naga-iloveyou han pero walang label!" Thania
"Seriously dude? Sa locker area?" Ryle
"Bawal ang PDA sa school." Cole
"Sana all!" Timothy.
Mabilis akong napahiwalay sa yakap ni Luke pero mahigpit ang kapit niya sa akin, pina-inggitan niya pa ang dalawang kaibigan.
"Seryoso na ko mga gago!" nagtawanan sila pati ako natawa rin doon.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
Fiction généraleShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...