SHANAYAH'S POV
I was stunned, and I know shocked is written all over my face. My eyes got wide, staring at him who's now frustrated. He avoid my gaze, pinasadahan ng bawat daliri niya ang kanyang buhok, bahagyang sinabunutan ang mga iyon tsaka binitawan. He turn his back on me, doon lang ata bumalik ang wisyo ko.
"H-hey!" nauutal kong sabi, hindi siya humihinto.
"Hey Lucifer" tawag ko ulit.
"LUKE!" doon niya lang ako hinarap, nagulat ako nang makitang may hithit na siya ng sigarilyo. Hindi ko napansin iyon. Napaiwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kanya ng magbuga siya ng usok.
Obviously. May bisyo, hindi lang pangbababae, kundi paninigarilyo. Psh.
"T-tigilan mo nga iyan. Anong mapapala mo diyan?" sabi ko habang takip ang aking ilong.
"You care huh?" sarkastiko siyang ngumisi, tinapon niya rin naman ang sigarilyong iyon at tinapakan. Nagulat ako dahil talagang sinunod niya, hindi pa iyon nangangalahati.
"Happy?" binalik ko ang tingin sa kanya, hinid pa ako nakakapagsalita ay tinalikuran niya na ulit ako. Anak nga naman ng......
"Will you let me explain first?" naiirita kong sabi, pinilit kong hindi ipatunog na naiirita pero hindi ako nagtagumpay. Hinarap niya rin naman ako. Nakakainis na siya. Masahol pa siya sa babae kung magtampo or whatsoever.
"Ano bang ikinagagalit mo huh? N-nagseselos ka, k-kanino? Kay Timothy?" tanong ko sagot ko.
Tinitigan niya ako ng masama, anak nga naman ng... Kalma girl. Kailangan mo yan ngayon. Huwag kang mag-inarte.
"He's my childhood bestfriend!"
"Hindi ko tinatanong!" napamaang ako sa inis, laglag ang panga kong tinititigan siyang nakahalukipkip na at nakasandal sa bakal ng hallway.
Nauubusan ako ng pasensiya. Napalunok ako ng matunog dahil sa inis, nagiwas ng tingin at lumanghap ng hangin. Pinilit na kalmahin ang sarili.
"Kaya nga ako nagpapaliwanag hindi ba?" pumaywang ako.
"He's my childhood bestfriend kaya huwag k-ka ng m-magselos don." Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
Lupa kainin mo na ako, ngayon din. Binalik ko ang paningin ko sa kanya nang walang makuhang sagot.
"Ano ba? Hindi ako sanay ng ganito" naiirita ko ng sabi, nakakahiyang sumusuyo ako ng lalaki. Seryoso siya niyan? Ako talaga na babae?
"What do you want me to do?" sinabi niya iyon sa malamig at malalim na boses. Humakbang ako palapit sa kanya.
"Na huwag ka ng magalit, huwag ka ng magselos, huwag ka ng magtampo. Bestfriend ko lang siya. Kung gusto mong saiyo ang buong atensyon ko gagawin ko!" pumungay ang mata ko dahil sa mga binitawang salita, umayos siya ng tayo, nakita ko ang pag-galaw ng kanyang adams apple. Unti unti akong nabibingi sa palakas na palakas na tibok ng puso ko, nagwawala at parang anytime lalabas na sa sobrang lakas ng kabog.
"Stop acting like a girl. Huwag ka ng magpasuyo ulit dahil hindi ako mahilig magluto ng adobo. Bati na tayo please?" sunod sunod kong sabi, hindi nakatakas sa paningin ko ang pinipigilang ngiti na gustong kumawala sa labi niya. Sa isang iglap ay marahas niyang hinablot ang braso ko at ikinulong sa mga bisig niya. I almost choke because of that.
"Next time don't make me feel jealous!" bulong niya sa gitna ng yakap naming dalawa. "Because it makes me convince myself more to own you baby!" husky and deep voice.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...