Chapter 23

441 11 3
                                    

SHANAYAH'S POV

It's been a weeks pero ang huling linyang binitawan ni Lucifer noong nasa bahay kami ay hindi na mawala sa isip ko. Ang lintek na iyon, mula noon ay naging extra sweet na rin, bukod pa roon ay hindi niya na ako hinayaang gumala pa, pinandigan niya ang sinabi kong sabay kami mag-aaral.

Tuwing sabado ay maghapaon siyang nasa bahay at kapag linggo naman ay ipinapaalam niya ako kina mama at papa na gumala. Talagang mas nawalan ako ng time kina Thania, kung hindi ko lang sila kaklase ay paniguradong magtatampo na ang dalawa sa akin.

Katulad ngayon, linggo ng umaga ay nandito na agad siya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pagkalabas namin ng bahay. Nginisihan niya ako, tinitigan ng matagal bago sumagot.

"Magsisimba!" simple niyang sagot pero hindi ko alam kung bakit may parte sa dibdib ko na nabuhayan. Wala pang lalaking nagaalok na magsimba sa akin, si Timothy ay hindi siya mahilig magsimba, alagad din kasi ng demonyo yon.

"Seryoso ka? Hindi ka masusunog doon?"

"Why?" nagtataka niyang tanong.

"Demonyito ka remember!" humalakhak siya sa tono ng pananalita ko.

"I'm with my angel!" nagkibit balikat siya bago pina-andar ang sasakyan. 

Isinawalang bahala ko na lamang ang mga banat niya, nasasanay na rin ako, pero sa tuwing babanat siya at masyadong seryoso ay hindi ko maiwasang kabahan dahil doon. Haaays.

-

"Long weekend ah, gala us!" alok ni Thania, matapos ang last subject namin sa hapon. Awtomatikong lumapit sa amin ang tres marias.

"Sama kami!" sabay-sabay nilang sabi, hindi nakatakas sa paningin ko ang sabay rin nilang pagsulyap sa likod ko, kung nasaan si Timothy na naglilipit ng kanyang gamit.

Kanina lang ni-announce na mula bukas, Thursday ay wala nang pasok at Monday na ang balik. Nalalapit na rin ang sunod na examination, ang sabi'y magkakaroon ng seminar ang faculty.

Nagpa-plano sila ng outing sa apat na araw na iyon.

"Ikaw Shan?"

"Study na lang muna, malapit na ang examination!" sabi ko, sabay turo sa hawak kong libro, ngumiwi si Thania dahil doon.

"Mas lalong ginaganahan palibhasa'y may kasama na mag-aral!" Timothy

"Shut up Tim!" suway ko,

"Speaking of" sabi ni Thania. Papalapit sa amin si Lucifer, may dala ring libro.

"Kung ganyan ba naman na ang makakasalubong mo sa daan, lalo na at makakasama mo. Yung may hawak ng libro, matalino, masipag na mag-aral, inspirado, talagang nakakahulog ng puso, diba Shan?" bundol sa akin ni Thania sa balikat ko.

"Oh shut up Thania!" naiinis ko ng sabi, nagulat siya dahil sa naging reaksyon ko.

"Chill. Nakakapanibago ah! Baka naman nahuhulog ka na talaga" inismiran ko lang siya.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Lucifer na nakangiting naglalakad palapit sa akin, tila hindi niya nakitang may nakatingin na sa kanyang puro kababaihan, hindi naman iyon maiiwasan pagdating sa kanya.

Nakaka-agaw ng pansin, lalo na ngayon na nakangiti na siya. Hindi ko man gustong aminin pero himala, palagi ko man siyang nakakasama, alam ko at napapansin ko talagang tinotoo niya na ang mga sinabi niya noong nakaraan na iiwas na siya sa babae. Ipinilig ko ang ulo ko nang may gustong sumingit na isipin sa utak ko.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon