SHANAYAH'S POV
Ang tawag ang gumising sa akin kinabukasan.
"How are you cousin?" isang mata lang ang nakadilat, tinignan ko ang caller, si Steve.
"Problema mo?" pabalang kong tanong. "Ang aga-aga, nangbubulabog ka ng tulog"
"Anong maaga? 10 am na in the morning pinsan" nanlaki ang mata, dali-dali akong tumayo dahilan para mahilo-hilo pa ako. Sobrang sakit sa ulo, tinignan ko ang wall clock at labis ang inis ko ng makitang 3am in the morning pa lang.
Pinagmumura ko si Steve samantalang siya ay tawa lang ng tawa.
"Kung may problema ka sa sa buhay mo, huwag mo akong idamay, at kung high na high ka ngayon kaya hindi ka makatulog, tarantado ka, magpatulog ka" tuwang tuwa ang tukmol dahil napikon na naman ako.
Pinatay ko ang tawag at bumalik sa pagkakatulog, mabuti na lamang ay nakatulog ako. Sinag ng mataas na araw ang gumising sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon dahil biglang tumunog ang cellphone ko.
"Good morning Attorney, galing rito si Mr. Carson, papasok po ba kayo ngayon?" napahilot ako sa aking sintido.
"Yah, why?" tamad kong tanong.
"Attorney—" mabilis kong pinutol ang tawag nang mamataan ko kung anong oras na.
"Shit" para akong si flash na diretso sa banyo at mabilis naligo.
Letcheng Steven kasi iyon, kung hindi niya inistorbo ang tulog hindi sana ako late ngayon."Good morning attorney" bati ni Joanna.
"Argh...ang sakit sa ulo"
"Coffee Attorney?"
"Yes please"
Dumiretso ako sa aking opisina, sumalampak muna ako sa sofa at pumikit.
"Ang sakit ng ulo ko...." Reklamo ko habang nakapikit.
"Whenever I'm here I always saw you like this—"
"What the hell" dali dali akong nagmulat at umayos ng tayo pero napapikit muli ako ng mauntog ako. Pano ba naman pagdilat ko mukha niya ang nakita ko.
"Shit" Luke
"Aray—Ano ba kasing ginagawa mo sa harap ko?" tanong ko, habang hinihimas ang aking noo, hinawakan niya ang aking kamay, pinigilan himasin ang noo ko. "Let me go. Bakit ba kasi ang aga-aga nandito ka na naman" hindi siya sumagot, imbes ay seryoso siyang nakatingin sa aking noo. Nakakunot ang kanyang noo at seryoso ang mukha, bahagya niyang inihipan ang aking noo.
Nagulat muli ako ng tumunog ang aking cellphone, nakita ko pa siyang napalunok tsaka umayos ng upo. Pagtingin ko sa cellphone ko ay si Steven na naman ang tumatawag.
"You jerk. This is all your fault. Kung hindi ka nang-istorbo ng tulog hindi sana ako late ngayon" naiinis kong sabi, sinulyapan ko si Luke na nakatingin sa akin, mabilis rin naman siyang nagiwas ng tingin.
"What?" natatawa niyang tanong.
"Nakakapikon ka na, isusumbong kita kay Halley na may babae ka. Piste ka!" lumakas ang pagkakatawa niya.
"Haaays hahaha, anyways. Birthday ni Lola next week, pumunta raw kayo ni Tito Victor, and bring Leonard with you" mapang-asar ang tinig niya.
"Bakit kasama si Leonard?" nagtataka kong tanong, nakita ko sa peripheral vision kong tumingin si Luke sa akin, napatayo ako at lumayo sa kanya.

BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
Ficción GeneralShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...