SHANAYAH'S POV
Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Lying while staring at the ceiling the whole day, listening to my favorite songs or sometimes playing guitar, while thinking Luke's words last yesterday.
Mula nang gabing iyon hindi na mawala sa isipin ko ang binitawan niyang salita. Hindi na maganda ito. Tumayo ako at lumabas na lang kwarto ko, kung magkukulong ako rito mas lalong di yon maaalis sa isipan ko.
Pagbaba ko ay nakita ko si papa na kinukuhaan ng blood pressure si Mama, highblood si mama, at bawal rin sa kanya ang ma-stress, kaya nagtataka akong nagpakuha siya ngayon ng BP niya, hindi siya madalas ganito. Sa pagkakaalala ko ay wala rin naman siyang kina-stressan ngayon bukod lang sa trabaho ni papa. Nabalitaan kong may nakuha na rin namang trabaho agad si papa. Wala rin namang nakakain na bawal kay mama, dahil mahigpit nming ipinagbabawal ni papa na pakainin si mama ng mga bawal sa kanya;
"Masama pakiramdam mo Ma?'' tanong ko at umupo sa gilid niya, namumutla si mama at bakas ang panghihina sa katawan niya, masyadong matamlay. Nagkatinginan sila ni papa bago ako sagutin ni papa.
"Medyo masakit raw ang batok at ulo ng mama mo!''
"Ano po ba kasing kinain niyo na naman? Baka naman Ma, bawal yan sayo?" Hinawakan ni mama ang kamay ko, sinulyapan niya muli si papa.
"Kukuhaan muna kitang maiinom!'' sabi ni papa, at tinalikuran kami.
"Ayos lang ako Nak!'' nakangiti niyang sabi, pero hindi ako kumbinsido doon. Halata naman kasi sa itsura niyang hindi ayos ang pakiramdam niya.
"Magpahinga po muna kayo'' nag-aalala kong sabi
Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos iyon, hindi ako sanay na makitang ganito siya, napapansin ko kasing paputla ng paputla siya bagaman masayahin at palangiti noong mga nakaraang araw. Nakikipag-sabayan pa nga siya sa tawa at biro ni Luke noong huling punta niya rito. I was about to speak when I saw her teary eyes. Nagtaka ako dahil doon.
"Ma?What's wrong?" kinakabahan na ako, umiling siya bago sumagot
"Proud lamang akong may naging anak akong kagaya mo"
"Ma anong kadramahan yan?" I laughed a bit to lighten up the mood. Natawa rin siya dahil doon. She shook her head and bow a little.
"Take a rest Ma, ako na lang ang magluluto muna." Paalam ko sa kanya bago siya halikan sa noo. Pagkapasok ko sa kusina ay nakatulala si papa habang hawak ang baso at pitchel ng tubig.
"Pa?" bahagya siyang nagulat dahil sa presensya ko. Sinulyapan niya lang ako, humugot ng malalim na buntong hininga bago lumabas ng kusina dala ang baso at pitchel ng tubig, ipinagkibit balikat ko na lang ang weird nilang inaakto, kahit na hindi ako masyadong mapalagay dahil sa pag-aalala ko kay Mama.
Lumipas ang ilang araw, mas lalo pang bumibilis ito kapag kasama si Lucifer, at gustuhin ko mang tutok sa pag-aaral ay hindi ko nagagawa, lalo pa't nakaaligid sa akin si Luke. Sabay na kaming nag-aaral pero mukhang lamang ang paninitig niya sa akin sa buong maghapon.
"Let's date tomorrow!" naibuga ko bigla ang iniinom kong tubig, mabuti na lamang ay hindi sa mukha niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Why?" nakangiti niyang tanong, inilahad niya sa akin ang panyo niya agad ko rin namang kinuha.
"Walang ka bang sawa?" tanong ko habang nagpupunas ng tubig sa baba ng bibig ko.
"Bakit ako magsasawa kung araw-araw kitang kasama? Wala akong dapat pagsawaan sayo Sunshine!" napaface palm ako, iba mainlove ang isang Carson.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...