Chapter 49

461 11 0
                                    

SHANAYAH’S POV

     Today is a big day. Kung noon ay napapangiti lang ako ng mapait dahil ito ang araw kung kailan tinaggihan ko ang proposal ni Luke sa harap ng napakaraming tao, ngayon ay napapangiti na ako dahil ang taong tinanggihan ko at pinahiya ko noon ay magiging asawa ko na ngayon.

Pero gaya ng sabi ko hindi naman nagiging malungkot ang araw ko dahil sa mga kaibigan ko. Habang nagaasikaso ay tumunog ang aking cellphone. Hindi ko na tinignan ang caller dahil inaayos ko ang aking gamit.

“Happy Birthday to one of the lovely girl in this world” pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Kumabog ang dibdib ko at tinignan ang caller.

“Leonard…” hindi makapaniwala kong sabi.

“Yeah, it’s me Venice” hindi ko man nakikita pero alam kong nakangiti siya sa mga oras na ito.

Akmang magsasalita pero narinig ko ang doorbell sa labas ng unit ko.

“Wait lang Nard”

“It’s okay.”

Lumabas ako at binuksan ang pinto tumambad agad sa akin ang bouquet of flowers at sa kabila ay may hawak na chocolate

“Delivery for Miss Shanayah Venice Salazar” sabi ng delivery boy. Inipit ko sa gitna ng tenga at balikat ko ang cellphone habang pinipirmahan ang resibo.

“Thank you kuya” sabi ko. Nagtataka kong ibinaba ang chocolate and flowers na iyon.

“I guess you already got?” bigla ay sabi ni Leonard sa kabilang linya.

“Sayo galing?” nagtataka kong tanong.

“Definitely” sagot naman niya. Napalunok ako hindi ko alam kung bakit may iba sa pakiramdam ko.

“Thank you Nard, I appreciate it, akala ko nakalimutan mo—”

“Of course not Shan. Kailan ko nakalimutan ang birthday mo?” he chuckled.

“Hindi pa” natatawa kong sabi.

“Thank you talaga” sinsero kong sabi

“Anyways, I’ll hang this up, see you later” akmang papatayin ang tawga peor pinigilan ko siya

“Wait” sabi ko, natatawa siyang sumagot.

"Yes? Miss me?’’

"To be honest ? I miss you. But what are you talking about ‘see you later?” tanong ko, nagtataka. Matagal bago siya nakasagot, akala ko makakakuha ako ng sagot pero tinawanan niya lang ako.

Nakangiti ako sa kotse patungo sa firm. At nang makarating ako doon, didiretso sana ako sa aking opisina pero nagtaka ako nang makitang walang katao-tao, sinulyapan ko ang lamesa ng bagong sekretarya pero wala rin siya doon.

“Where the hell they’re going?” nagtataka kong tanong. Pumasok ako sa loob ng opisina. Gulat dahil sa confetti, at sigawan nila ang bumungad sa akin.

“Happy Birthday Attorney” sabay sabay nilang bati. Malaki ang loob ng aking opisina at malawak pero parang naging maliit dahil sa dami ng nasa loob. Lumawak ang ngiti ko at mabilis na nagluha dahil sa magagandang ngiti nilang nasilayan ko.

"Happy Birthday Attorney’’ bati sa akin ni Joanna, nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

“I thought…” natatawa kong sabi

“Hindi ko naman po pwedeng palampasin ang araw na ito” sabi niya, may ibang lumapit sa akin at binati ako.

“Happy Valentine’s Day Attorney” natatawang bati ni Attorney Camba.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon