Chapter 14

438 13 2
                                    

SHANAYAH'S POV

"Don't tell it to anyone! Keep it to yourself." Iyon ang huling habilin niya sa akin bago siya umalis, hindi ko naman inaasahan na aabot ng ilang buwan siyang hindi magpaparamdam din sa akin. Para bang may tiwala siyang magagawa ko talaga iyon.

Buong gabing iyon pinagplanuhan ko kung paano at kailan ko sisimulan. Although hindi naman na ako mahihirapan dahil siya na ang lumalapit pero hindi ako pwedeng magpa-kampante. Kahit kailan ay wala pa raw siyang sineseryosong babae. Mukhang doon ako sa parteng iyon mahihirapan.

Maaga akong nagising kinabukasan.

"You can do it girl. You can!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago lumabas ng kwarto. Akala mo naman ay malaking laban ang dadayuhin ko para kabahan ako ng ganito. It's just that, I'm not into this thing, alam ko kasi puro landian lang ito. Hindi ko alam kung bakit pinasok ko pa ang ganitong klaseng gulo, napakadaming paraan para kumita ako at pag-ipunan ang college fees ko, pero may iba kasi akong kutob sa mga magulang ko. 

Pagbaba ko, kagaya ng nakagawian, humalik ako sa pisngi nila mama at papa, saktong pag-upo ko ay nakatingin silang dalawa sa akin, si mama ay bahagya pang nakanganga.

"Ma? Pa? Ayos lang kayo?'' akma akong sasandok ng kanin pero nagsalita si papa.

"Diyos kong mahabagin! Ikaw ba'y may pinapagandahan na?" Papa, hindi maipinta ang kanyang mukha. I look at mama, tulala pa rin, maya maya lang ay tumili siya at lumapit sa akin, umupo sa tabi ko.

"Nakakaloka ka anak! Nagdadalaga ka na!'' ngayon kami naman ni papa ang natulala dahil sa inakto ni mama.

"Burahin mo nga iyan!''

"Ang OA mo naman mahal, normal yan, noong kabataan natin ganyan din naman ako!'' humagikhik ako sa sinabi ni mama, si papa naman ay lihim na napairap.

Para matte tint at cheek tint lang naman ang nasa mukha ko, nilagyan ko lang ng manipis na face powder, dahil maputi naman na ang mukha ko, hindi na kailangan ng makapal.

Ang OA naman mag-react ng magulang ko, paanong hindi eh hindi naman ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha ko. Simple pa nga iyan dahil sa mga nakikita ko, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako naglagay ng kemechuhu sa mukha ko.

Humalik ulit ako sa kanila bago umalis at pumasok na sa school.
Nasa tamang oras ang pagpasok ko sa school, tumingin ako sa carpark, nakita ko na ang kotse ni Lucifer doon kaya naman, binagalan ko ang lakad ko. Nakangiti ako, dahilan para magtaka ang ibang studyanteng nakakasalubong ko.

Hindi pa man ako nakakapasok ng building ng seniors ay ramdam ko na siya, naamoy ko ang perfume niya, sa ilang araw niyang pagdididikit sa akin ay kabisado ko na ang perfume niya. Para ngang ipinapaligo niya iyon sa tindi ng bango niyon.

"Good morning Sunshine—Woah !'' huminto ako at hinarap siya, naka form ng O ang bibig niya, napahawak pa siya sa bibig niya na tila hindi maipaliwanag ang nakita. Samantalang ang isnag kamay ay nasa bewang. 

"Good morning Adonis!" ngising ngisi naman ang mukha ko, nilampasan siya pero hinayaan kong bagalan ang lakad ko.

"Badtrip ka ah! Upgraded nga pero Adonis naman." Nangamot siya sa ulo niya.

"Then Lucifer again!" I said while smiling form ear to ear to him.

"Anong nakain mo at ganyan ang trato mo sa akin?" huminto siya paghakbang sa hagdan, ako naman ay hinarap siya.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago siya sinagot ng may ngiti ulit.

"Napagisip isip ko lang na, walang patutunguhan ang pambabara mo sa akin, alam ko rin naman na mahuhulog talaga ang loob mo!" diretsuhan ko iyong sinabi, hindi inalintana ang studyanteng nasa paligid, imbes na magulat siya ay lumapit siya sa akin, dahilan para mawala ako sa wisyo.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon