SHANAYAH'S POV
"You're so rude Luke, you let your visitor comes out without inviting her in breakfast?" bumalik sa pagiging malambing ang boses niya, ngunit nandoon pa rin ang awtoridad.
"A-ate!" ngayon ko lang narinig na nautal si Luke. So this girl in front of me is her older sister? Ilan sila magkakapatid?
Kaya pala pamilyar, iyon pala'y magkapatid sila, hindi na ako magtataka sa itsura ng parents nila, siguro'y mga mala-Diyos at Diyosa rin ang mga iyon. Ito kasing si Lucifer, gwapo naman babaero lang talaga. Bahagya akong nagulat nang ibinalik sa akin ng ate niya ang kanyang paningin.
"Join us!" iyon lang at tinalikuran kami. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi, masyadong makapal ang mukha ko kung susunod ako, kahit na nakaramdam na ako ng gutom gusto ko nang umuwi. Ayoko ng magtagal pa rito, pakiramdam ko kapag nangyari iyon, ay mas lalo ko nang mapapasok ang mundo nitong demonyitong ito. Akma na akong tatalikod ngunit tumikhim siya, mabilis ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin. Natatawa niyang itinaas ang dalawang kamay, tila sumusuko.
"Where do you think you're going?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Malamang uuwi na, hindi na kakayanin ng sikmura kong makita ka pa!" tumawa siya sa sinabi ko, anong nakakatawa doon?
"Seriously? Ngayon ka pa uuwi kung kailan nakita ka na ni Ate? She's inviting you over, yet you still have the guts to reject it?"
"Ano bang pakialam mo?"
"I don't care to you, but to Ate Louisse meron! Hindi mo gugustuhin ang sasabihin niya kapag tinalikuran mo siya, ni-reject ang offer niya at umuwi ng walang paalam!" tila kinilabutan ako sa sinabi niya, parang sa paraan ng pagkakasabi niya ay ganoon ka-strikto ang ate niya. Na kahit siya ay tumitiklop pagdating sa ate niya.
"Let's go. Hindi niya gustong pinaghihintay ang hapag!" bagsak ang balikat kong sumunod sa kanya, labag man sa loob ko pero sumunod na lang ako. Sumunod ako kay Lucifer.
Habang nakatitig sa likod niya, doon ko lang napansing, iba siya kung umakto simula noong nakita ang ate niya.
Isang mahabang lamesa ang bumungad sa akin, napatingala ako dahil sa chandelier na naroon. Dining lamang iyon at may pintuan pa sa dulo, nasisiguro kong iyon ang kusina. May paintings na nakasabit sa dingding ng dining room na ito. Nilingon ako ni Lucifer, nagtataka dahil sa reaksyon ko.
"Huwag kang magtatangkang magnakaw, may CCTV ultimo ang upuan!" bulong niya sa akin na siyang nagbigay lalo inis sa umaga ko.
Kinurot ko ang tagiliran niya, ang demonyito imbes na umaray dahil masakit, aba tumawa pa. Sinamaan ko siya ng tingin. Umupo na siya sa tabi ng ate niya, nakaupo sa center table ang ate niya, at tumabi naman ako kay Lucifer.
Ang makasabay ko sila sa ganitong agahan, hindi ko alam kung pagiging swerte ba ang matatawag ko roon o kamalasan.
Nanliliit ako sa dalawang Carson na kaharap ko ngayon, pakiramdam ko kalebel ko lang ang mga kasambahay nila.
Bumababa ata ang self-confidence mo ngayon Shanayah?
Sa kalagitnaan ng hapag, panay ang titig ko sa Ate niya, tila hindi pa rin makapaniwala, tahimik ang hapag, tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig.
She's prim and proper. Mahinhin at pino ang bawat pagsubo niya, hindi ko tuloy masabi kung mahinhin siyang tao, strikto ko o ano.
"Stop staring!" bahagyang umangat ang balikat ko dahil sa gulat nang bigla siyang magsalita, umangat ang mukha ni Lucifer at tinignan ako, nginisihan niya lang ako, inirapan ko lang din siya.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
BeletrieShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...