Chapter 48

456 10 1
                                    

SHANAYAH’S POV

     “After our wedding we will stay here for the meantime.” Mabilis ko siyang nilingon, busy siya maghiwa ng rekados sa lulutuin niya. Nag-volunteer akong, ako naman ang magluluto pero hindi niya ako pinayagan.

“Of course after our honeymoon in different countries, hindi ko masasabi kung kaian iyon matatapos pero kinuha ko ang magaling na Engineer and Architecture para idisenyo at gawin ang dream house natin” napalunok ako at nawalan ng sasabihin, paghanga na naman ang naramdaman ko sa kanya.Napangiti na lang ako.

“Sino ba ang kinuha mo?”

‘’Engineer Peralta and his Wife’’ napatango tango na ang ako.

Mas malawak at mas malaki ang unit niya kaysa sa akin, sa tingin ko’y doble nito ang unit ko.

At naghahalo lang din sa krema, puti at itim ang kulay sa paligid, may paintings sa kusina, sa living room at sa kwarto niya. Talagang napaka-simple at unang punta ko rito hindi ko aasahang sobrang linis. Malayong malayo sa Luke na kilala ko noon. Sa Luke na hindi malinis sa paligid, barubal at walang pakialam.

Sinulyapan ko ang malapad niyang likod, at wala sa wisyong napangiti, sobrang laking pinagbago niya. I wonder what happened to him for ten years.

“Why are you staring at?” napangiti lalo ako at napailing iling, ang dahilan kung bakit niya nalaman at hindi ko na alam.

“Just thinking some ramdon things.” Sagot ko at nagkibit balikat. Lumapit siya sa akin at sumandal sa lamesa.

“About what, hmm?” ayon na naman ang napakalmabing niyang boses.

“Kung anong ginawa mo sa sampung taon na wala ako? Kung bakit hindi ka man lang nakapag-asawa at naghanap ng iba? Kung nagkagirl-friend ka man lang ba? May niligawan ka ulit?” sunod sunod kong tanong, napatingala siya nanag nakangiti.

“Kung sinagot mo kasi ako noon pa man, sana may anak na tayo ngayon” bigla ay sabi niya, lumampas ang tingin sa akin, at nakangiting inilibot ang paningin sa buong unit niya, tila ini-imagine ang mga batang nasa paligid, mga anak namin….

Pinalo ko siya sa braso at tinulak na papunta sa niluluto niya.

“Matutong na ang niluluto mo” sabi ko, natatawa.

Nakangiti siyang bumalik doon, ako naman ay pinagpatuloy ang pagtitig sa kanya. Hindi ata ako magsasawang titigan ang bawat parte ng kanyang katawan, lalo na ang ipinagmamalaki niya. Napahagikhik ako ng palihim.

“Plano ko nang kapag nagkita muli tayo, kukunin uli kita. Aasawahin at aanakan agad” naubo ako kahit wala namang kinakain o iniinom. Imbes na lapitan ako at bigyan ng tubig o aluin, at tinawanan pa ako ng demonyito.

“Ang bunganga mo talaga kahit kailan walang filter” sabi ko matapos mahimasmasan.

“Why? I’m telling the truth” natatawa niyang sabi. I mocked him secretly.

“Besides after our last encounter I never saw you again, you never attend our graduation even your friends.” Nagtataka niyang tanong, mabuti na lang at nakatalikod siya mula sa akin, hindi niya nakita ang gulat kong reaksyon.

Napalunok ako at tila umurong ang aking dila, nawalan ako ng sasabihin at kaba ang bumalot sa dibdib ko hanggang sa kumalat sa buong sistema ko. Nang humarap siya at nagiwas ako ng tingin at sinubukang magsalita pero wala talaga akong maisip na idadahilan.

“At wala na rin sa plano ko ang mag-asawa kung hindi lang rin ikaw” ang kabog ng dibdib ko na ang dahilan ay kaba kanina, ngayon ay napalitan ng pagtibok na may ritmo. Mula noon hanggang ngayon hidni nagbago ang eoekto niya sa akin, para bang kapag bumabanat niya pakiramdam ko isa pa rin akong teenager na kinikilig at inlove sa kanya.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon