Chapter 17

388 11 0
                                    

SHANAYAH'S POV

Last day of practice, the day after tomorrow meet na. Walang klase pero may pasok, kanya-kanyang gawang banner para sa pagsuporta. Hindi na sana ako pupunta pero may meeting raw, pinayagan naman kaming halfday lang at pwede ng umuwi.

Last game ko na ito ngayong taon, kaya sana naman manalo na. Last year ay hindi kami nanalo dahil natapilok ang captain namin, walang ibang mag-ga-guide sa grupo.

Habang naglalakad patungong gymnasium ay namataan ko ang babaerong demonyito, nakikipaglampungan na naman.

Jusmeyo! Kailan ko ba iyan mapapatigil kaka-pambababae? Sinadya kong dumaan sa harap niya kahit na malapit na ako sa gymnasium. I cleared my throat and stop in front of him, ngiting ngiti niya akong hinarap. Pumaywang ako at tinitigan ng masama ang babae. Nilabanan ng babae nag titig ko.

"Why are you looking at?" maarte niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay, sinulyapan ko si Lucifer na prenteng nakaupo at parang ine-enjoy pa ang panonood.

Okay, baka sa ganitong paraan, mapatigil ko na siya. Kailangan ko pa atang magtodo effort huh?

"Obviously, you're sitting and flirting with my man."

"Woah" Lucifer whispered, tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa babae.
Nanlaki ang mata ng babae, mas umarko ang kilay niyang drawing.

"Ha?" mayabang niyang sabi, hindi ko alam kung nabibingi ba o nayabangan sa sinabi ko.

"Hangpanget mo. Tabe!" sinenyasan ko siyang umalis sa inuupuan niya. Tumingin siya kay Lucifer, humihingi ng tulong.

"Leave Ara !''

"What the fu—"

"You will never want to see her face when you continue that! Masama ang magmura Ara!" banta niya sa babae, nasa akin ang paningin. May binulong bulong pa ang babae, pagkaalis niya ay tsaka ko lang nginisihan si Lucifer at tinalikuran.

"What the fuc—"

"Masama ang magmura!" binalik ko sa kanya ang sinabi niya kanina sa babae.

"Sinira mo ang moment ko—" huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, sinamaan ng tingin.

"Go, flirt with her then!" I warned him. Imbes na sumunod ay nagulat na lang ako ng inakbayan niya ako at inakay papuntang gymnasium.

"Ang landi mo!" natatawa kong sabi.

"Nagpapalandi ka naman!'' sagot niya

"Fudgeee ! Hindi sa akin!'' he chuckled. Nasa amin ang paningin ng mga studyante nadadaanan namin.

May iba pa akong naririnig na nagbubulungan, just like before, pero imbes na pansinin ay sinawalang bahala ko na lang iyon.

Kung ano ano lang ang pinalala ni Coach sa amin, wala pang lunch ay pinauwi niya na kami para magpahinga pero hindi ako nakauwi dahil hinatak ako ni Luicfer patungong kotse niya.

"Ang sabi raw magpahinga na ang mga player. Ano at balak mo pa atang gumala?" he chuckled before start the engine.

"Kaya nga, ihahatid kita!" paliwanag niya, ngumiwi ako dahil sa pagkapahiya. Inayos ko ang seatbelt tsaka siya nagsalita ulit. Sa pagmamadali ni Lucifer, nakalimutan ko ng magpaalam kay Thania. 

"Pagkatapos natin gumala!" pinagpatuloy ang sinasabi. Sinamaan ko siya ng tingin, pero imbes na kumontra ay hinayaan ko na lang siya.

Dinala niya ako sa isang restaurant na naman, nauumay na ako sa ganitong eksena. Bumaba na siya ng kotse niya pero ako nakatitig lang sa restaurant na iyon. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon