SHANAYAH'S POV
I need to go to my doctor and see what's my blood pressure right now. Naghihisterya ako dahil sa kayabangan niya.
Nayayabangan ako sa reaksyon niya at sa paraan ng pagkakasabi niya ng... 'teach me how to chuhcu blah blah blah'
Binabawi ko na ang sinabi kong mas lalo siyang gumwapo, lumala naman ang ugali niya.
Before, I never thought that we will crossed our path again, but I need to see him, atleast to apologize. Ayokong mamatay ng may guilt sa dibdib. I know I'm at fault I just badly want to say sorry and get his forgiveness pero dahil sa ugaling pinakita niya. He doesn't deserve my sorry. Akala niya hindi ko narinig ang sinabi niya kay Madam Carson when he thought I'm away in his office. Narinig kong nagrereklamo siya, kunwari pa. Baka nga plinano niya ito, eh kaso ako itong shushunga-shunga. Why did I accept their company, in the first place? Damn it, baka naman na-hypnotize ako.
I closes my eyes and tried myself to calm. Nang nagawa ko naman tsaka lang ako nagmaneho pauwing condo ko.
Pagpasok ko sa unit ko, doon lang ulit namuo sa utak ko ang mga tanong. Sobrang daming bakit?
Bakit ko nga ba pinirmahan talaga yung kontrata? Bakit ako pumayag? Bakit ganoon ang ngiti sa akin ni Ma'am Carson? Bakit sa kabila ng pamumuri ko kay Luke ay naging ganoon pa rin ang ugaling pinakita niya? At bakit ako nagkakaganito? Damn it. Nagi-guilty lang ako dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Guilty lang, iyon lang iyon. Wala ng iba.
Kumuha ako ng malamig na tubig at baso, tsaka uminom na parang akala mo maghapon akong hindi nakainom ng tubig.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, naalala ang itsura niya kanina.
Kung anong mga pinagbago niya, mas nadepina ang hubog ng kanyang katawan. Mas tumangkad siya, hanggang balikat niya lamang ako kahit na may takong na ang sapatos na suot ko. Ang matulis niyang panga ay mas lalong nadepina at natitigan ko iyon ng mariin kanina habang mariin din ang titig niya sa akin.Kumirot ang parte ng dibdib ko ng maalala kung paano siya tumitig kanina diretso sa mga mata ko, at kung paano siya tumitig noong mga panahong punong puno ng lambing at sinsero. Masyadong malayo.
Mukha ngang kinalimutan niya na kung ano ang mayroon sa aming dalawa noon. Mukhang naka-move on na siya. Mukhang tama nga ang hinala kong baka.....baka kasal na siya.
Napailing iling ako at nagulat nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Nakikipag-facetime si papa.["Kamusta na anak? Mukhang kagagaling mo lamang sa trabahao, huwag ka naman masyadong magpapagod, baka magkasakit ka niyan!"]
"I'm fine pa. Don't mind me, ikaw kamusta ka? Umiinom ka ba ng gamot mo?"
["Aba'y oo naman"]
"Baka ikaw naman ang nagpapagod sa trabaho diyan, hayaan mo na ang mga katiwala dyan pa." sagot ko, naghanap ng mapapatungan ng cellphone ng maayos, upang makapagluto rin ako ng hapunan ko.
["Hayaan mo na, wala rin naman akong ginawa tsaka ehersiyo ko na rin ang pamimitas ng mga bulaklak. Kailan nga pala ang uwi mo rito?"]tanong niya habang naghahanap ako ng maluluto sa refrigerator na wala na namang laman. Mukhang kailangan ko ng mag-grocery, tutal ay wala naman akong pasok bukas.
"Next week po pa" kung ano ano pa ang pinagusapan at pinagkwentuhan namin hanggang sa nagsabi siyang magpapahinga na muna samantalang ako ay magluluto pa lang ng hapunan.
Hawak ang sandok at nakasandal sa sink habang hinihintay na kumulo ang niluluto ay ayon na naman ang utak ko, nagsisimula na namang maglakbay patungo sa unang engkwentro namin ng demonyitong iyon matapos ang isang dekada. Napapailing ako at nangingiti na parang timang, biruin mo yon?
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...