SHANAYAH'S POV
Masakit ang ulo ko pagkagising, parang dinaganan ng hollow blocks, hindi pa nga ako nakakainom pero para ng may hang-over na. 3 am na ako nakatulog, mabuti nga at nakatulog pa ako.
Mabagal ang kilos ko dahil sa dakit ng ulo ko, bago ako lumabas ng kwarto ko ay napasulyap pa ako sa kama ko, para akong inaakit at tinutuksong matulog pa. Sa sobrang antok ko ay nagha-hallucinate na ako, parang nakikita kong nakangiti sa akin ang kama at sinasabing humiga ulit ako. Ipinilig ko ang aking ulo. Nakakaloka! Para akong naka-drugs. High na high!
"Oh? Anak! Huwag mo namang patayin ang sarili mo sa kaka-aral!" nagulat si mama sa mukha ko, sinong hindi? Mukha akong zombie, tsaka hindi nga ako nakapag-aral kagabi ng maayos. Kung sakaling magquiz, stock knowledge lamang ang gamit ko. Jusmeyo ginoo.
Pagbaba ko pa lang ng trycicle ay iba na agad ang tinginan ng mga ibang studyante sa akin. Nakakaloko pa dahil magbubulungan na lang rin sila, dinid ko pa.
"She's the lucky girl? Ang cheap naman pala, naka-trycicle!" sabi noong babaeng parang tinadtad ng ibat-ibang kulay dahil sa coloring niyang mukha. Kinilabutan ako doon, grabe! Ang dami talagang ganito rito, puro mga coloring book ang mukha, kinaganda nila iyon?
Imbes na pansinin pa sila ay nagtuloy na lang ako sa room, pero hindi pa ako nakakaakyat ng hagdan ay may humarang na. What a wonderful day to start! Really!
Nangunot ang noo ko at mabilis nakaramdam ng pagka-inis dahil doon. Panibagong coloring face na naman ang nakikita ko. Nagpigil ako ng tawa doon.
"Where do you think you're going?" maarteng sabi ng sa tingin ko'y leader nilang dalawa, napasulyap kasi ako sa itsura noong dalawang na nasa likod niya, unang lumapat ang tingin ko doon sa blonde ang buhok, kulay sky blue ang eye shadow niya, seriously? Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang maikli ang buhok, black ang eyeshadow at dark violet naman ang lipstick niya. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa unahan, iyong leader nila, nakaarko ang kilay niya dahilan para madepina ang kanyang eye shadow na light pink naman. Hindi ko na napigilan ang pag-tawa ko.
"Why are you laughing? May funny ba sa face namin?" sabi noong kulay sky blue ang eye shadow, may napapatingin din sa amin.
"What the hell are you laughing bitch?" sabi ni Blossom.
Oo, blossom, bagay yon sa kanya, iyong leader nila.
"Nasaan si Mojojojo?" natatawa kong tanong pa rin, naguguluhan sila, mas nairita ang itsura noong si Blossom. Mukha silang powerpuff girls, hahaha
"What? Who's Mojojojo?"
"Anong village ang ililigtas ninyo? Para kayong mga powerpuff girls!" sabi ko at itinuro ang kanilang mukha, may ibang natawa sa paligid namin.
"What the freaking hell!" Bubbles haha, nag-eenjoy ako asarin sila.
Naglinya ang tatlo, dahilan para maharangan lalo nila ang daan, nakangisi na si Blossom the evil.
"Wala ka ng kawala sa amin!" sabi naman noong buttercup para sa akin.
"Masyado ka kasing papansin kay Luke, kaya ito ang mapapala mo!" sabi noon lider sa kanila. Sumulyap ako sa likod na parang may tinitignan.
"AYUN' SI MOJOJOJO!" sigaw ko sa kanilang tatlo, dahilan para sabay-sabay silang lumingon doon.
Nakagawa ako ng paraan para makadaan sa kanila. Papunta na ako sa second floor, tsaka ko lang narinig ang boses nila.
"Argh! Where the hell is she?" Blossom the evil. Lihim akong natawa, parang timang.
"Paano tayo natakasan non?" Buttercup
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...