Chapter 41

460 12 1
                                    

SHANAYAH'S POV

I took a deep breathe , after we heard the decision of Judge Cajetan. Umugong ang matinding iyakan sa loob ng korte, ngunit nalamangan ni Aguilar iyon. Nanggigigil at gustong makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng dalawang pulis.

"PUTANGINA MO VILLARINO! WALA KANG KWENTANG ABOGADO! PAPATAYIN KITA" paulit ulit iyong isinisigaw ni Aguilar, sa totoo lang sanay na ako sa ganitong senaryo pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding kaba ngayon.

Sa propesyon naming ito, nakakatanggap pa kami ng death threats, pero nasasanay na lang kami dahil may iba na hindi rin naman itinutuloy, tanging dito lamang ako kinabahan.

"BABALIKAN KITA AT PAPATAYIN KITA. WALA KANG KWENTANG ABOGADO, TANGINA MO" napalunok ako at mabilis na naglakad patungo kay Leonard na parang walang pakialam sa mga nangyayari. Nagawa niya pang ngumiti sa pamilya ni Aguilar at humihingi ng dispensa. Hindi ako nakalapit kay Leonard dahil sa akin napunta ang tingin ni Aguilar.

"MAGALING KANG ABOGADO, SANA'Y IKAW NA LANG PALA ANG KINUHA KO. NAPAKAGANDA—"
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Aguilar dahil kinaladkad na siya papalabas ng korte ng dalawang pulis.

Nakatitig lamang ako kay Aguilar hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Maraming salamat po Attorney " inosente kong tinignan ang dalagitang lumapit sa akin. She's crying but it looks like a tears of joy, I tap her shoulders.

"Maraming salamat Attorney Salazar, utang namin—" I cut Mrs. Dimaginoo. Ayoko talagang sinasabing utang nila iyon sa akin, cause it's my obligation.

"Saying thank you is enough, Misis!" I smiled at her.

Sinulyapan ko si Leonard na kausap pa rin ang magulang ni Aguilar. Tumalikod na ang pamilyang Dimaginoo, nagtext ako kay Leonard na magbabanyo lamang.

Pagpasok ko sa loob ay humugot ako ng malalim na buntong hininga. Ngayon ko lang napansing humupa na ang kabog ng dibdib ko, kakaibang kaba ang naramdaman ko kanina.

Tunay na demonyo si Aguilar, sobrang dami na rin niyang na-rape na mga inosenteng babae at karamihan pa doon ay puro menor de edad. People and their stupid mindset, nakakaawa.

Tumunog ang cellphone ko, nakitang pangalan ni Thania iyon.

"Yes?"

"How's the case?" excited na tanong ni Thania pero alam kong hindi naman iyon ang itinawag niya.

"Panalo" nakangiti kong sabi kahit na alam kong hindi naman niya nakikita.

"Great. By the way magsabay na lang kayo ni Leonard, bawas gas and para mas mabilis" napalunok ako at nawalan ng isasagot."Sinabihan ko naman na siyang magsabay na lamang kayo—"

"You do this on purpose" napangiwi ako nang humalakhak siya.

"What??Purpose? What are you talking about"

"Painosente, sige na. I'll call you later. Bye" I ended the call.

Napapikit ako at bumalik na naman sa isipan ko ang ilang araw ko ng iniiwasang alalahanin. Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi at ipinapakitang kilos ni Luke. Bakit ba sa tuwing magdedesisyon akong kalimutan na siya tsaka siya nagpapacute at bumabanat?

Nakakairita. Biglang tumunog ang aking cellphone, tinignan ko at may text mula sa unregistered number.

From : Unknown

Congratulations Attorney, I knew it you can win the case. I'm so proud of you baby.

Kumabog ang dibdib ko sa nabasang text, inakala kong si Leonard ito pero kahit kailan ay hindi niya ako tinawag na baby, palaging love lang ang tawag non, isa lang ang kilala kong tumatawag sa akin ng ganoon. Ipinilig ko ang aking ulo, impossible ang mga naiisip ko. Napakaimposible ng mga iyon.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon