SHANAYAH'S POV
"Good morning Attorney" Joanna greeted me
"Good morning Joanna" I greet her back, bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
"Don't look at me like that Joanna, to my office and bring coffee please"
"Yes, Attorney"
Diret-diretso ako sa loob ng opisina ko, ito ang unang araw kung saan magaan ang paggising ko, although may kaunting bigat pero hindi na tulad ng dati.
Napakasarap gumising araw-araw ng magaan sa pakiramdam, wala ng iniisip, wala nang bigat sa dibdib at sistema ko. Iyon ay dahil sa nangyaring engkwentro kagabi, inilabas ko ang lahat sa taong naging parte ng kwento ko. Napangiti ako nang maalala ang huling sinabi niya, iyon na ata ang pinaka-matamis na salitang narinig ko...na mahal pa rin niya ako.
Nakakabaliw isipin, nakakapanduda pa rin pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay nawawala ang lahat ng iyon sa aking isipan. Baliw na nga yata talaga ako.
"Good morning my Attorney" ang ngiti ko kanina ay napalitan ng gulat, inaasahang si...Luke ang makikita pero si....
"Leonard" pinilit kong ibalik ang ngiti ko.. Ngayon ko lang naalala ang taong ito.
Kasabay ng saya ko kanina ay napalitan agad ng lungkot, lungkot hindi para sa aking nararamdaman kundi para kay Leonard. Bagsak ang balikat kong niyakap siya bagaman nakangiti pa rin. Maganda ang pagkakangiti niya sa akin at halatang excited siyang makita ako, dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita.
Napalunok ako nang mapagtanto kung gaano ako kasama. Pakiramdam ko pagsisinungaling itong ginawa ko, pagtataksil kay Leonard kahit na walang kami, napaisip tuloy lalo ako ngayon.
Ang gulo-gulo ko ng kausap, tila bumalik ako sa dating ako. Sa dating Shanayah Venice na magulo magdesisyon.
Noong nakaraan lamang ay tumibok na ng malakas ang puso ko sa kanya at kagabi naman si Luke ang kasama ko nawala sa isip ko si Leonard.
Tinitigan ko ang napaka-charmy niyang mukha, ang inosente niyang mukha, tsaka nagpupumilit pumasok sa isip ko si Luke.Napaka-unfair niyon, dahil kapag si Luke ang kasama ko hindi man lang sumasagi sa aking isipan si Leonard ng ganito katagal pero kapag si Leonard ang nasa harap ko ay hindi na matanggal sa isip ko si Luke, ang masama pa doon ay mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Ayokong magkaroon na naman ng maraming what if's pero heto na naman sila nakasunod.
What if noon pa lang si Leonard na ang pinili ko? What if nagdesisyon akong kalimutan na lang talaga si Luke at huwag ng bumalik kahit humingi ng sorry? What if hindi ako pumirma sa kontrata ng mga Carson, anong kayang mangyayari?
What if pinanindigan ko na lang ang nararamdaman ko para kay Leonard? What if pinilit ko na lang ang sarili kong mahalin siya pabalik? Pero alam kong mali eh, hindi deserve ni Leonard ang mahalin pabalik ng sapilitan."How are you? I miss you so much" clingy niyang sabi, at muli akong niyakap tsaka hinalikan sa pisngi, nagulat pa ako sa ginawa niya kahit na lagi naman niyang ginagawa iyon.
"I'm doing good, by the way mabuti na lang at nagkita tayo." Sabi ko nang maalala ang sinabi ni Steve kahapon. Umupo kami sa sofa at doon niya hinintay ang sasabihin ko.
"Why?"
"Birthday ni Lola next week, and she said she wants you to come with me" nakangiti kong sabi, lumawak ang pagkakangiti niya, alam ko namang gustong gusto niya.
Kung si Leonard na talaga ang pipiliin ko, wala nang magiging problema sa mga taong mahal ko, kilalang kilala nila si Leonard at alam nilang mahal na mahal ako ng taong ito. Pero paanoooo?
![](https://img.wattpad.com/cover/226505480-288-k237026.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...