SHANAYAH'S POV
Hanggang sa makauwi ako ay hindi nawala sa isip ko iyon, tinignan ko ulit ang kapiraso ng papel, doon lang nagsink-in sa utak ko na bukas agad ang schedule na iyon. How bout' my class? Ipinilig ko ang ulo ko at hindi ko na lang pinansin pa iyon, bahala na bukas.
Hanggang kinabukasan hindi na nawala sa isip ko iyon, kaya pumasok akong lutang. Mula paggising ko hanggang sa pagligo, hindi ko na din napansin kung nakapag-almusal nga ba ako ng maayos o hindi.
"Hoy vavae ayos ka lang?" hinarap ko si Thania, patungo kaming cafeteria, ngayon lang ata ako naging lutang buong oras ng klase. Sa sobra kong sabog hindi ko na napansin na lunch time na.
Matagal ko siyang tinitigan, nakatitig lang rin siya sa akin at nag-aabang ng isasagot ko.
"Y-yeah. I'm fine!" Sagot ko, hindi ko na siya pinansin at nauna na sa cafeteria.
Nabalik lang ang wisyo ko nang naki-upo sa lamesa namin si Eli at si Lina.
"Ang hilig niyo nang mangiwan" sabi ni Lina, nakanguso pa ang namumula niyang labi.
"Ay wow girl? Nasa amin ang paa mo?'' Sinagot siya ni Thania.
"Kami ang bestfriend mo girl!" Eli reminded her, hindi na lang sumagot si Lina at napasimangot.
"Where is Angela?" I asked them, hindi pa sila nakakasagot ay umupo na si Angela sa gilid ni Thania, ngiting-ngiti siya. Kaming apat ay nakatingin lang sa kanya at nag-aabang ng sasabihin niya.
"Girls, gala us?" alok niya, pare-parehas kami ng reaksyon sa sinabi niya.
"Baliw ka ba? May pasok tayo!" Eli
"Are you asking us to cut?" Lina
"Diyos kong mahabagin, demonyita ka, layuan mo kami!" Thania.
"Mga gaga, walang pasok. Half day lang raw, the whole faculty will have conference after lunch!" anunsyo sa amin ni Angela. Bahagyang umangat ang balikat ko roon.
Ang galing naman ng timing niya or maybe she knows that we don't have class later? Pagkatapos ng lunch ay nagka-sundo sila gumala, hindi ko alam kung saan, dahil wal arin naman akong balak sumama pa.
"Oh ikaw Shan? Kasama si Than—" I cut Angela.
"I'm sorry. Pass muna ako girls!" sumimangot ang mukha ni Thania.
"At bakit naman?" tanong niya, matagal bago ulit ako nakasagot, nagiisip ng pwede kong idahilan.
"Study!" I lied, matagal rin nila akong tinitigan at tila inaalam kung totoo ba ang sinabi ko.
"Pwede bang ipagpaliban mo muna yan?" Eli asked, I look at her, and shook my head.
Ano ba yan, pakiramdam ko, nagtataksil ako dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. Kasi naman kung sasabihin ko ang totoo, mas dadami ang tanong nila, at baka maungkat pa ang nangyari last week. Andito pa namana ng tatlong chismosang ito.
"Yeah, yeah! Let her be girls, malapit na ang midterm mas magsusunog yan ng kilay!" Thania, tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Hinintay ko muna silang makaalis, gamit nila ang sasakyan ni Lina.
Nang masulyapan kong wala na sila ay tsaka ako nag-para ng trycicle at sinabi ang mall na pupuntahan. Sa isang mamahaling restaurant sa loob ng mall kami nagkita, pagkapasok ko doon ay nandoon na siya, tila nabubugnot na dahil kanina pa siguro ako hinihintay. Malayo pa ako sa kanya pero nakuha ko ang atensyon niya. She nodded at me.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
Fiksi UmumShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...