Chapter 25

363 9 0
                                    

SHANAYAH'S POV

Tuluyan nang lumubog ang araw, may ilang bituin na rin sa kalangitan ang nagpapakita, pero ang pagtibok ng puso ko ay hindi pa rin humuhupa.

"Let's go inside!" alok niya sa akin, hindi pa ako nakakapasok sa loob, dahil saktong pagtapak ko sa yate ay dito na agad ako dumiretso.

He's smiling widely. Ang creepy ng ngiti niya, para siyang baliw, wala namang dahilan para ngumiti ng ganito.

Pagpasok namin sa loob ay ang bouquet ng fudgee bar na nasa hindi kalakihang kama ang agad kong namataan. Akala ko iyon lang pero napansin  ko ang hindi kalakihang kahon naman, napalingon ako kay Luke, tinanguan niya lang ako, dumiretso ako sa kama at hinawakan ng may buong paghanga ang bouquet ng fudgee bar.

Imbes na bulaklak ay mga fudgee bar ang nandoon, sunod kong dinapuan ng tingin ang kahon na katabi nito, walang pasubaling binuksan ko iyon, agad bumagsak ang bawat kwadrado noon, naglalaman iyon ng puro chocolates may sumunod pang kahon, tinanggal ko ang takip noon at bumagsak muli ang bawat kwadrado na ibat-ibang klase ng chocolates ulit pero may sunod pang kahon, mabilis kong tinanggal ang takip, inaasahan kong puro chocolates ulit pero hindi.

Isa siyang chocolate cupcake naman, sa ibabaw ay nakasulat ang maliit na letra, pinagkasya sa hindi kaliitan o kalakihang cupcake.

'I like you'

Mabilis na nanubig ang mata ko, pasimple kong pinunasan iyon bago pa tumulo, hindi ko aakalain ang lahat ng ito ngayon.

Hindi ko kailanman aakalaing, ang lalaking minsan ko ng hinusgahan na babaero, ang lalaking iniisip ko noon pa man na kahit kailan wala sa bokubolaryo ang salitang pagbabago at ang lalaking hindi ko ginustong magkaroon ng ugnayan noon, ay siyang naging dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko, ang hindi ko mabilis na pagtulog gabi gabi dahil sa pagiisip ko sa kanya, ay siyang nageffort ng ganito. Unang tingin ay malalaman mong hindi siya gagawa ng ganito at magsasayang ng oras.

Is it very impossible or I'm just dreaming? Ang lalaking sobrang dami nang napaiyak ay heto mismo sa harap ko, nageeffort, todo effort. Nalintikan. Nakakalunod nga masyado.

Nang okay na ang pakiramdam ko ay nagalok siyang kumain muna kami, habang may inaasikaso siya sa lamesa, ipinatong niya ang cellphone sa sofa malapit sa inuupuan ko. Hindi pa rin mawala ang mata ko sa bouquet of fudgee bars at iyong explotion box na punong puno ng chocolates.

"Gawa mo yan?" patungkol ko sa explotion box full of chocolates. He really knew, what's my very favorite.

"Yes!" kanina pa ako tanong ng tanong, hindi lang ako makapaniwalang gawa niya iyon. Biglang tumunog ang cellphone niya, napalingon ako dito at nakitang si Ryle ang tumatawag.

"Ryle's calling!" sabi ko sa kanya, sinulyapan niya lang ako.

"Answer it for me, please!" sabi niya, tinanguan ko lang siya at sinagot ang tawag.

[Happy Birthday Adonis Carson!]

Sigaw ng dalawa niyang kaibigan mula sa kabilang linya, nanlaki ang mata ko at nanlamig ang kalamnan ko dahil sa sinabi ng dalawa niyang kaibigan.

Laglag ang panga kong tinignan si Luke.

"Why?'' nagtataka niyang tanong, nakakunot ang noo, sinulyapan niya ang cellphone niya, akmang kukunin sa akin pero nagsalita ako.

"B-birthday mo?'' nauutal kong tanong.

Ngumisi siya bago tumango, tinakbo ko ang distansya naming dalawa at niyakap siya ng sobrang higpit. I felt his body stiffened.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon