SHANAYAH'S POV
I say my nonstop rants to Thania, she just listened to me and nodded.
"Like what the fudgeee! Wala pang nagmumura sa akin ng ganoon. Tapos siya pa na kampon ni satanas?" naluluha na naman ang mata ko, hindi ko talaga gusto ang minumura ako ng ganoon.
Nilapitan ako ni Thania at hinihimas ang likod ko. Alam niyang ayaw na ayaw ko talaga ang minumura ako, grabeng sama ng loob ko niyan. Di bale ng asarin na lang ako huwag lang talaga ang murahin.
"It's okay! Sinabi ko na rin naman kasi sayong huwag ka ng makialam pa eh!"
Mabilis ko siyang hinarap.
"He's a graduating student, next school year he's in first year college! College Thania, yet he still acting like a grade one student!"
"At wala ka na dapat pang pakialam sa kanya!"
"Of course! Walang wala!"
"Eh bakit ganyan ka maka-react?"
"Kasi hindi na tama ang ginagawa niya!" mabilis kong sagot, samantalang nagpipigil naman ng ngiti si Than. Mas lalo akong nairita doon.
"What?"
"Iyan ba talaga ang dahilan mo or baka naman nagseselos ka lang?"
"Fudgeee bar! Iww mandiri ka nga Thania Miracle." Kinilabutan ako sa sinabi niya, iniwan ko na siya doon sa bench dahil dumadagdag lang siya sa iritang nararamdaman ko.
"Siguraduhin mo lang Shanayah Venice, dahil sinasabi ko sayo mahirap mahulog sa katulad nila." Sabi niya nang makahabol sa akin. Kunot noong tinignan ko rin siya.
"Ikaw ba'y nahulog na sa katulad niya?" instead of giving me answer she just shrugged her shoulders and smiled at me, nauna na siya at nilampasan ako. Laglag ang panga ko dahil sa ginawa niya. Tumabingi ang ulo ko at suminghot, piste!
Grr. I'll find it out, Thania. Kapag nakumpirma ko talaga ang hinala ko at wala ka man lang sinasabi sa akin. Makikita mo ang hinahanap mo. Pagpasok ko sa room ay nagtitiliian agad ang mga kaklase ko, lalo na ang mga babae.
"Oh em gee! Shanayah! What does it feels?" Annie
"Geez. I want to become like you na tuloy." Patricia
Mga die hard fan din sila ni Lucifer, sa pagkakaalam ko.
"Psh! Baka naman pakitang tao niya lang iyon, para mapansin siya!" Calli said, nangunot ang noo ko sa sinabi niya, imbes na sagutin pa siya ay hindi ko na lang pinansin iyon.
"What's happening here?" mataray na tanong ni Lina, pakembot kembot pa siyang tumungo sa amin.
I took a glance to Thania, sinulyapan niya lang rin ako at nagkibit balikat. Wala na sana akong balak sagutin dahil ayoko lang maalala iyon pero sa sobrang daldal ni Annie, naikwento niya lahat, detelyadong detelyado, mula ata noong pagpasok ko pa lang sa cafeteria hanggang sa paglabas ko. At hindi ko rin mabilang kung nakailang irap ako doon.
"What the freaking hell Shanayah!" Angel
"Damn it! You're so lucky Shan!" Lina
"Sana all huhu!" Eli, nanlaki ang mata ko sa mga reaksyon at kumento nila.
"Really Shan?" Angela asked, confirming it to me. Sinamaan ko lang siya ng tingin, ngumuso lang siya at nagpipigil ng ngiti.
"Dapat pala hindi na tayo lumabas ng campus, dapat sumabay na lang tayo sa kanila!" Angela said, tila nanghihinayang pa sa pagkain nila sa labas ng campus.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...