Chapter 37

404 10 0
                                    

SHANAYAH'S POV

Laman ng isip ko ang sinabi ni Dwayne buong magdamag hanggang kinabukasan, nawala lamang sa isip ko iyon ng dumating ang lunes at maalala kong may meeting ako with Carson Group of Constructions.

I took a deep breathe, before went out to my car, wearing my white classic top and black elegant pencil skirt, partnered with my white stiletto and prada handbag.

"Good morning Attorney!" they greeted me, I greet them back, inilibot ko ang paningin ko sa kada cubicle, and I don't see Leonard.

"Good morning Attorney" bati sa akin ni Anya, Civil Lawyer

"Where is Attorney Villarino?" I asked her without breaking my gaze at his cubicle.

"May inaasikaso pong case, Attorney!" I nodded.

Dumiretso ako sa office ko.

"Joanna, in my office, bring coffee!"

"Yes Attorney!" pagpasok ko sa opisina ko ay binaba ko ang bag ko at may tinignang file na nasa lamesa ko.

"You will come with me in Carson Group of Costructions, today!" I said.

"Okay Attorney!"

May pinirmahan lamang ako at umalis na sa firm, kasama si Joanna.

"Good morning Attorney Salazar!" the receptionist greeted me.

Hmm, she knows me huh? She stared at my secretary, confused.

"Where is Mrs. Carson?"

Iminuwestra niya kami sa conference room ng kumpanya. Wala pang tao doon at kaming dalawa lamang ni Joanna.

"Joanna"

"Yes Attorney?"

"Do you want to be a Lawyer someday? You're still young" I said after sipping on my tea. Matutuyo ang laway ko rito kapag ganitong wala pa sila.

Napangiti siya bago ako sagutin. Kuminang ang kanyang mga mata, tila gusto niya talagang maging abogado at ipursue ang pagiging abogasya.

"Gustong-gusto ko po Attorney pero.." she paused.

"Pero???"

"Wala pa po akong naiipon para sa Law school ko" napayuko siya at nagiwas ng tingin sa akin.

Napangiti ako dahil sa rason niya.Hinawakan ko ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
Joanna Aligasya is only 21 years old, fresh graduate, minsan niya nang nasabi na magtatrabaho raw muna siya dahil may pagiipunan pa siya. Ngayon ko lang nalaman kung ano iyon.

"Joanna!"

"Attorney?"

"You're fired!" nanlaki ang mata niya, mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata. Ilang buwan ko pa lang siyang sekretarya, ngunit nakilala ko na agad siya. Mabait na tao si Joanna, sobrang daming pangarap sa buhay para sa pamilya, she's so pure and soft hearted.

"A-attorney..." I touch her hair.

"Ako ng bahala sa gastusin mo sa Law school, kapag nakahanap na ako ng ipapalit sayo pwede ka ng magsimulang maghanap kung saang Law school ang papasukan mo"

"Attorney..." niyakap niya ako ng sobrang higpit, sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko lumambot ang puso dahil sa yakap niyang iyon. Yakap na parang kapatid, I hope I had a sibling even if it a girl or boy.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon