Chapter 11

476 14 1
                                    

SHANAYAH'S POV

Dumiretso kami ni Thania sa lounge at doon naupo. Dala ang glass of wine na kinuha namin kanina doon sa lamesa. Si Thania ang mas maraming kakilala rito kaysa sa akin. May mga binabati siya at napa-patingin din sa akin, nginingitian ko lang sila, ipinapakilala rin naman ako ni Than. Mas party-goer kasi talaga si Thania kaysa sa akin. 

Inilibot ko ang aking paningin, masyadong malaki ang pool nila Marga,may mga nandodoon at uminom, may ibang nakalusong lang ang kanilang paa at nakaupo sa semento. Sa bawat gilid hindi mawawala ang may couple na naglalampungan. May naglalaro rin dahilan para tumalsik ang tubig, may naggi-grilled sa dulo, malapit sa malaking puno.

Naiiwas ko ang tingin ko doon nang may humarang.

"Than? Thania Miracle?" sabi ng lalaki ang paningin ay na kay Thania, he's olding a beer.

"Nic? Oh my gosh! It's been a while. How are you Nic?" tanong ni Thani, tumayo at niyakap ang lalaki, dumapo ang mata ng lalaki sa akin.

"Im fine, how bout' you?" tanong niya, inilipat ang paningin kay Thania ngunit naibaling rin agad sa akin. I smiled at him.

"I'm good, by the way, my bestfriend, Shanayah Venice. Shan si Nic, ex-fling hahaha!" nagulat ako sa prangka ng pagkakasabi niya noon. Tumawa rin ang lalaki. Tumayo ako, I offered my hand to him and he took it.

"Hello Shanayah, nice to meet you!"

"Nice to meet you too!" I smiled at him, umupo siya saglit sa gitna namin ni Than, nakipagkwentuhan kay Thania, nakikitawa ako sa tuwing may biruan, inilibot ko ulit ang paningin ko, nagbabakasaling makita ko ang tres marias, medyo out of place ako sa dalawang ito.

Nagpaalam ako kay Thania na papasok muna sa loob, hinayaan niya lang ako. May iba akong nakakasalubong na kakilala at classmate ko, tinanong ko kung nakita nila sina Lina, Angela at Eli, nasa tabi-tabi lang raw iyon. Kanina pa sila nandito.

Sabagay, knowing that tres marias, hindi sila magpapahuli sa ganitong klase ng okasyon lalo na at maraming nagga-gwapuhang lalaki na alam kong bet na bet ng tatlong iyon. Si Thania lang talaga ang hindi makakilos ng maayos ngayon dahil kasama niya ako, bukod pa doon ay hindi siya pwedeng magpakalasing ngayon, medyo malayo ang bahay nila Marga sa subdivision kung nasaan ang bahay nila Thania.

Hindi na bago sa akin ang ibat-ibang klase at lasa ng alak, nasanay lang ako kay Thania, she always told me that I need to loosen up, and enjoy my teenage years. Hindi naman ako pasobra rito dahil low tolerance ako. Mas lumalalim na ang gabi, bumalik ako sa lounge kung nasaan ko iniwan si Thania pero wala na siya doon. Medyo may tama na rin ako, kung sino sino ang kausap ko kanina at ibat-ibang klase ng alak na ang nainom ko.

"Fudgeee! Where are you na ba Thania?" nahihilong tanong ko sa sarili ko. Mas  naging wild ang mga tao, tila dumami yata di tulad ng kanina. May ibang nakakabangga sa akin, kainis ah? Ang sakit na nga ng ulo ko eh. Kahahanap at kalalakad ko nakarating ako sa bakuran nila, dumo-doble na ang paningin. Inubos ko lang yung hindi ko mabilang kung pangilang baso na nainom ko. 

"Mahina ata ang kapit mo ngayon hahahaha!" pamilyar nag boses pati ang halakhak na iyon.

"Nakailan ka na?" tanong naman ng isa, hindi ko sila makita dahil parehas mga nakatalikod.

"Shut the fuck up, will you?" dama ko ang inis sa panibagong pamilyar na boses na narinig ko.

Bigla silang napatingin sa akin, tinagilid ko ang ulo ko, madilim rito at tanging liwanag lang ng buwan, nahaharangan pa nga ng punong iyon, kaya hindi ko sila makita. Napahawak ako sa aking sintido.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon