SHANAYAH'S POV
"I want you all to research about the history of Big Bang Theory. God! I know you already encountered that topic in your junior high school. Graduating students na kayo ng senior high yet you still didn't even remember the theory?" ang armalite na boses na naman ni Ms. De Castro. Palibhasa'y tandang dalaga kaya mabilis uminit ang ulo, bukod pa doon napakaterror niya talagang teacher.
"Eh yung topic nga lang last week hindi ko na tanda, yung topic pa kaya nung junior high tayo?" Bulong ni Thania sa tabi ko, siniko ko lang siya dahil baka marini siya, mapagalitan pa ni Ms. De Castro.
Hindi naman kami buhay noong nangyari ang Theory na iyon, tsaka nakalimutan ko na rin, ang ending tuloy lahat kami damay. Huwag ko lang marinig na sisisihin nila ako, nako!
Bakit ba kasi kailangang pag-aralan pa iyon, teorya lang rin naman iyon ah, may patunay ba talaga silang sa big bang nagsimula ang mundo? Jusko naman. Ang utak din ng ibang scientist nasa talampakan rin nila.
"After 30 Minutes, be back here, and make sure you have your powerpoint presentation every group!" mabilis na lumabas si Ms. De Castro ng classroom, kanya-kanyang kumento agad at angal ang bawat grupo.
"Tulog kasi ako noong mga panahong nagtuturo tungkol sa big bang chuchu na iyan." Reina said.
"Hayop na yan' anong malay ko sa big bang na iyan? Bigbang lang ng BTS ang alam ko!" Eli said
"Big hit yon boba" Thania.
"Ikaw Shan, hindi mo tanda?" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jensen sabi ko ng huwag niyo akong tatanungin at wala rin naman akong alam diyan, limot ko na. Malay ko bang pagaaralan pa pala iyan ngayon, basta patungkol sa siyensya mahina talaga utak ko.
"Kung alam ko, edi sana nagtaas ako ng kamay diba?" inirapan ko siya at nagligpit ng gamit.
"Nga naman, pabida ka nga pala hahaha!'' sagot ni Jensen, sinamaan ko siya ng tingin. Tuwang tuwa pa ang timang.
"Buti nga siya pabida sa klase, eh ikaw pabida sa buhay niya!" banat ni Thania dahilan para matawa ang ibang kaklase kong naroon pa, ang iba ay kinatyawan naman si Jensen.
"Uy grabe ka naman, hindi naman ako pabida sa buhay ni Shan" sagot niya at sumulyap sa akin.
"Eh kanino pala?" pataray na tanong ni Thania, humalukipkip pa na parang bitchesa.
"Sayo...Hahaha!" mabilis na sagot ni Jensen.
"Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama." Biglang sabay sabay na kumanta ang mga kabarkada ni Jensen. Talagang sinuportahan pa ang kaibigan nila.
"Awit! Ayos yon ah!" Lina
"Sana oil!" Renier
Nako naman! Napailing iling ako dahil sa bulok ng banat. Nauna na akong lumabas ng room, mabilis ring sumunod sa akin si Thania.
"Gagong iyon! Hindi mo man lang ako pinagtanggol!" nakanguso ang labi niya na parang bata.
"Bakit naman?" painosente kong tanong
"Anong bakit naman?" umayos siya ng tayo at sumabay sa lakad ko.
"Bakit kita ipagtatanggol kung gusto mo rin naman!" ako naman ngayon ang humalakhak at kinanta rin ang kinanta ng iba kong kakalse kanina.
"Kayo na lang dalawa, kayo na lang magsama!" pagiiba ko ng lyrics.
"Alam mo minsan napapaisip ako kung kaibigan ba talaga turing mo sa akin!" nakakunot ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
Ficción GeneralShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...