LAST CHAPTER

798 17 0
                                    

AUTHOR’S NOTE: EACH A PRANK!! Hahahaha…..Charotera din ako yung next update ko ang Epilogue na talaga. Medyo mahaba-haba ang update na ito, kayo na bahala humusga hahaha.

Enjoy reading sweeties!

SHANAYAH’S POV

     “What we gonna do now to her?” boses ni Thania ang nagpagising sa akin, pero hindi pa ako dumilat, pinakinggan ko ang usapan nila.

“Kumalma ka Mirakulo, pakiusap” batid kong kay Timothy iyon.

“Tigil-tigilan mo ang pagbibiro ngayon Timothy”

“Will you two can shut your mouth for the meantime? Baka magising ang pinsan ko” Suway ni Steve.

“Kung bakit ba kasi pumayag pa siyang magtrabaho sa mga Carson” dumilat ako nang marinig ang sinabi ni Thania.

“Ang ingay niyo..” rekalmo ko

“Finally you’re awake” sinabi iyon ni Thania na parang nabuhayan ng loob.Umayos ako ng upo at inalalayan ako ni Thania, nakatayo si Steve at nakapamaywang na nakatingin sa akin, si Timothy naman ay naka-upo sa kama sa paahan ko. Lahat sila ay nakatingin at nakatitig sa akin. Parang may kulang sa kanila.

Akmang itatanong kung nasaan si Leonard pero hindi ko na naituloy. Pumikit ako nang maalala ang nangyari kagabi. Pagdilat ko ay inilibot ko ang aking paningin.

“Nasa mansion ka ng pinsan mo, hindi kami umalis dito mula kagabi hanggat hindi ka nagigising” hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Thania, napahawak ako sa aking ulo, napapadalas na akong nahihilo, iniinda ko lamang dahil alam kong dulot lang ito ng trabaho at stress.

“Are you okay?” nagpapanic na tanong ni Steve, mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Timothy, ininom ko iyon.

“Can you please leave me alone?” bakas sa mg mukha nila ang pagtutol pero tinignan ko si Steve ng nagmamakaawa.

“Damn it, why are you always using your charms when you are pleasing something?” iritadong sabi ni Steve.

“Gusto ko lang muna mag-isip isip” sabi ko ang paningin ay nasa labas na ng bintana.

Tumalikod sa akin si Steve at may kinuha sa lamesa…Tinignan ko si Thania na hawak ang kamay ko.

“I’m okay, don’t worry too much” I said.

“Don’t worry too much ka diyan” sagot niya

“By the way, thank you nga pala kagabai, hindi ko masya—”

“We’re okay, don’t worry too much” natawa kami ni Thania ng ginaya ni Timothy ang tono ng pananalita ko kanina lang.

Napangiti ako, sobrang swerte ko talaga sa kanilang dalawa, kahit kailan hidni ko naramdaman na nagiisa ako sa tuwing nagkaka-problema na ako, dahil hindi ko man sila tawagan awtomatiko na silang nandyan. Napalingon ako kay Steve may iniabot siya sa aking nakatuping papel, sinulyapan ko ng papel na iyon at ibinalik ang tingin kay Steve.

“Basahin mo, ako na ang gumawa niyan, at magdesisyon ka na…” tumagilid ang ulo ko at nagtataka.

“Leave lamang yan, hindi pa iyan regination letter. Magsabi ka lang kung balak mo nang iwan iyon, kaya kong bayaran ang mapipinsala, kahit ako pa ang maghanap ng papalit sa iyo.” Alam kong seryoso si Steve at alam ko ring kaya niyang gawin iyon ngayon din. 

Napalunok akong kinuha iyon, tumayo sina Thania, hinalikan naman ni Timothy ang noo ko, niyakap ako ni Thania sak asila lumabas ng kwarto, naiwan si Steve.

Bumuka ang bibig niya akma sigurong may sasabihin pero hindi naituloy at nagbuga na lang ng malalim na buntong hininga. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, saka ginulo ang aking buhok.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon