Chapter 50

618 14 2
                                    

SHANAYAH’S POV

     Mabilis ko siyang tinalikuran pinigilan ako ni Luke pero isang masamang tingin lang ang nakuha niya mula sa akin.

Tumakbo ako palabas ng restaurant, hindi ko inindan ang mga matang nanonood. Walang masyadong sasakyang dumadaan kahit na ang grab.

Tumakbo ako upang makalayo lang doon. Huminto ako at pinilit na kalmahin ang sarili.

Bakit ganito na naman? Bakit kailangang maging ganito ang sunod na mangyari matapos kong makaramdam ng saya? Bakit kailangang ganito agad ang ganti? Wala na bang katapusang sakit? Matapos ang ngiti, tuwa, halakhak kailangan ba agad mapalitan ng sakit, pighati at mga luha?

Hanggang kailan ako matatapos sa ganitong proseso? Paulit-ulit na lang. Ayokong pagsisihan ang mga naging desisyon ko, pero paunti-unting pinapamukha sa akin ang katotohanan, paunti-unting pinapamukha ng tadhana na kailangan at dapat akong magsisi.

Akmang maglalakad uli nang makita ko mismo sa aking harapan ang pamilyar na babae, ang babaeng minsna ko ng hinahanggan dahil sa angking kagandanhan. Ang babaeng minsan ko ng nirespeto, ang babaeng niloko ako at ng kanyang kapatid at ang babae na naging dahilan ng lahat ng ito, ang puno’t dulo ng lahat.

Nangingibabaw ang over all white na suot niya sa dilim. Nakangiti siya at gustong gusto ang nakikita,yung ngiting sa pangawalang pagkakataon nagtagumpay siya sa kanyang plano, na kung noong una lang ay ang kapatid niya ang gusto niyang saktan at nagtagumpay siya, ngayon naman ay ako. Sad to fucking say…. nagtagumpay uli siya.

Ang kaninang sakit lang na nararamdaman ko ay nadagdagan at nabuhay muli ang galit na pinipilit ko ng ibaon. Wala na akong balak na ungkatin pa iyon dahil ayoko nan g gulo. Pinipilit ko na kalimutan pero mukhang tadhana na rin ang nagbibigay ng dahilan para malaman niyang siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng mabait kong mama.

“What a great scene” nakangiti niyang sabi.

“Ano pa bang kailangan mo? Ano bang problema ng utak mo? Kulang ka ba sa aruga ha?” sigaw ko sa kanya ang ngisi niya ay napalitan ng pagkainis at pagkapikon. Napailing iling ako at pinunasan ang aking luha.

“Kulang ka nga sa aruga. Sinabi mong napaka-imature ng kapatid mo pero mas imature ka. Ang babaw ng kaligayah mo Louisse” Akmang magsasalita siya pero hindi ko siya hinayaan.

“Masaya ka bang may nasisira kang buhay ng iba? Ano kang klaseng tao? Mas malala ka pa nga sa hayop” buong pwersa kong sabi, gusto kong iparating at marealize niyang mali na siya, sa mata ng napakaraming tao, isa siyang mabuti, kahanga-hangang nilalang. Pero hindi nila alam na isa siyang alagad ng demonyo. Akala ko noon si Luke ang demonyito at minsan ko na ring inakala na parehas sila, pero mukhang nagkakamali ako. Si Louisse ang demonyo talaga sa kanilang dalawa.

“How dare you—” I cut her.

“How fucking dare you” lumapit ako sa kanya.

“Ang sama sama ng ugali mo.”

“Kailan ba ako naging mabuti—”

“Kailan nga ba? Malamang hindi dahil alagad ka ni Satanas—‘’ pinutol niya ang sasabihin ko.

"Anong karapatan mong sabihin ang mga iyan sa akin?’’ nanggigil niyang sabi dinuro pa ako, hinampas ko ang hampas niyang nakaduro sa pagmumukha ko.

"Anong karapatan mo rin para patayin ang walang ka-awa awa kong mama?’’ gulat ang rumehistro sa mukha niya, panibagong luha ang tumulo sa aking pisngi. Tila nawala ang sopistikada niyang awrahan. 

"What are you—"

"Kung hindi mo sinabi sa kanya hindi sana siya inatake sa puso hindi sana siya mamamatay. Kung itinahimik mo iyang bibig mo hindi sana siya mawawala. Hindi sana mawawala ang mama ko. Hindi sana siya mamatay.” Napapaos ko nang sigaw.

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon