Chapter 2

947 20 3
                                    

SHANAYAH'S POV

"OH MY GOD!"

"WAAAAH THEY ARE HERE!"

"MY HUSBAND IS HERE!" nagulat ako sa tumili niyon, at halos mabilaukan sa pagkain, nagpanic agad si Thania at mabilis akong inabutan ng tubig. Mabilis ko ring ininom iyon.

"Are you okay?" worried is written all over her face, uubo-ubo pa ako habang tumatango sa tanong niya. 

I took a glance at the girl who shouted husband thing a while ago. I saw on my peripheral vision that Thania stared at her too.

"Kaloka grabe! Asawa agad?" I whispered, pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi pa rin humuhupa ang tilian at wala na akong balak pang tignan man lang din iyon. Natulala si Thania sa likod ko, pinapanood kung sino man ang tinitilian nila.

Ilang weeks pa lang simula noong pasukan pero laging ganito na ang scene. Hindi rin naman ako nagaabalang tignan pa iyon. I'm not interested.

Akmang susubo ulit nang biglang may humila ng upuan sa gilid ko at sa gilid ni Thania, dahilan para mapatingin siya doon.

"Makiki-upo kami ah?" Renier said, our classmate, sa tabi ko siya umupo.

"Wala ng upuan eh!" Jensen said, his bestfriend.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga table, ang dami pa namang upuan ah? Maling mali na naman! Maling galawan!

"Ay wow? Welcome ha? Hiyang hiya kami ni Shan! Hindi pa kami pumapayag umupo na kayo!" Thania said to them. Renier just chuckled and took a glance on me.

"Ito naman si Thania, nakikiupo lang eh, hindi naman sa inyo-" Jensen

"Eat! Masyado kang madaldal!" Thania said.

"Look who's talking!" Jensen.

"WHAT THE HELL!" sigaw ng kung sino man, napairap na lang ako ng palihim. Hindi na ba talaga magkakaroon ng katahimikan ang cafeteria? Taon taon silang ganyan, sino ba sila?

Argh! I don't care though, masyado lang naiistorbo ang pagkain. Dapat sa ganitong pagkain, tahimik lamang, nirerespeto dapat ito. Naks naman! Nagiging banal ako ngayon!

"Gosh, ano na naman bang eksenang iyan ni Andreff? Hindi ba siya nahihiya?"

"I guess she's preggy na, kaya ganyan siya maghabol kay baby Luke"

Panibagong irap ang ginawa ko at sinulyapan ang lamesa nung tatlo. Nandoon uli iyong babaeng nakasalampak lang nung nakaraan sa floor. Yung isang lalaki ay prenteng nakaupo sa lamesa, nakapalungbaba pa at nakangiti tila nage-enjoy na naman sa nakikita niyang senaryo. Hindi man lang pigilan ang kaibigan. Lumipat ang tingin ko sa isang lalaking nanonood din sa babaerong kaibigan nila, habang nakapan-dekwatro ang upo at nakakunot ang noo. Tumabingi ang ulo ko at pinag-aralan mula sa malayo ang itsura ng tisoy na nakapan-dekwatro ang upo. 

"Hey Ryle, stop him!" napanganga ako ng magsalita siya, laglag ang panga ko sa boses niya, masyadong manly. Napalunok ako dahil hindi ako madali maa-attract sa isang lalaki, ngayon ko lang din napansin kung gaano sila biniyayaan ng features kaya naman pala maraming naghahabol sa kanila? No doubt. Pero mas lamang naman ng limang paligo ang---

"Nah, let him be Cole!"

Cole....

Oh! Ang Cole naman ng name niya, ang Cole din ng ekspresyon niya.

Humagikhik ako sa isiping iyon, ang harot na naman ng parte ng utak ko. Ang corny din ng joke ko.  Sinulyapan ko naman iyong lalaking nakatayo at may kaakbay na babae, hindi pa pala natatapos ang senaryong ito ngayon? Ano ba yan! 

Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon