Author's Note:
Makinig muna kayo sa Oks Lang ako ni JRoa habang nagbabasa ng chapter na ito. Make sure may hawak rin kayong tissue or panyo, pamunas ng mga luha niyo.
Enjoy reading:)SHANAYAH'S POV
Sa buhay ng tao hindi pwedeng puro saya, tawa ngiti at kaginhawaan. Most of some people asked why we need to feel the pain? Dati wala akong pakialam sa mga tanong pag-ibig dahil sigurado akong hindi ko rin naman kayang sagutin ng tama iyon.
Pwede pa kung tungkol sa academics, I'm pretty sure I can answer it correctly. But right now, while running away from him. I know I get the right answer for that.
We feel pain, we experience to cry, for us to be strong, and to learn, kasi kung ang buhay ng isang tao walang challenges, walang problems, walang thrill, masasabi kong boring ang buhay niya. Kasi paano siya matutoto kung walang puro bago..kung walang pagsubok.
Ang pinagkaiba nga lang, ang problem solving sa Mathematics, mahihirapan ka nga kakaisip kung paano iso-solve pero atleast may guide ka, may formula. Ngunit ang buhay ng tao, nangangapa ka kung anong klaseng desisyon ang gagawin mo, kung anong klaseng daan ang tatahakin mo, kasi walang clue, walang formula, walang guide.
Walang tingin-tingin sa likod, dire-diretso lamang ang takbo ko. Hindi niya ako hinabol. Hindi niya ako hinabol....
Ang sakit, ang sakit sakit, yung sakit na kahit kailan hindi ko pa nararadaman. Panay ang buhos ng luha ko, hindi ko inaabala ang tingin ng ibang studyante at bulungan nila. Paglabas ko ng gate ay may biglang pumarada sa harap ko, bumukas iyon at sumalubong sa akin ang pamilyar niyang mukha, hindi ako maaring magkamali dahil minsan ko na siyang nakasama.
"Hop in" hindi ako nagdalawang isip pumasok sa loob ng kotse ni Leonard. Siguro ganon na talaga ako kabaliw para sumakay sa kotse ng taong isang beses ko pa lamang nakikita at nakikilala.
Doon ko ibinuhos ang luha ko, pumasok ako sa school ng umiiyak, lumabas rin akong umiiyak. Hindi ko napansing huminto na ang kotse. Nanlalabo man ang mata ko dulot ng luha, hindi naman nakatakas sa paningin ko ang nakalahad na panyo galing kay Leonard.
"Hindi bagay sa isang babae ang pinaiiyak lalo na kung ang dahilan ay lalaki!"
"Shut up. Wala kang alam!" marinin kong sabi, tinitigan siya ng masama, imbes na matakot ay ngumisi pa siya.
"Really? Kaya pala sumama ka sa akin!" nagiwas ako ng tingin, napako iyon sa panyong ibinigay niya.
Posible pala ang ganitong bagay, lalo na sa akin. Posible pa lang ma-inlove ako ng todo. Posible pa lang masaktan ako ng sobra, at posibleng makasakit ako ng taong walang ibang ginawa kundi baguhin ang sarili niya dahil sa akin, kundi mahalin ako ng higit pa sa pagmamahal na ginagawa ko, at napaka-posibleng pahiyain ko ang lalaking tinitingala ng karamihan.
Ako, ako lang naman si Shanayah Venice. The nobody who broke the playboy's heart.
"I left him. I was the one who broke his heart!" panay man ang tulo ng luha ko ngunti hindi na tulad ng kaninang parang gripong walang humpay.
"Damn. Really? Nakakatakot ang kamandag mo kung ganoon" imbes na pansinin pa ang sinasabi niya ay nanahimik na lang ako. Wala na akong lakas pa para magsalita.
Nagawa ko na. Tapos na. Mission Accomplished nga. Natawa ako ng sarkastiko."Just fucking too bad, I broke him at the same time I broke my special day. My birthday!" Another tear rolled down my cheek.
Kaya special kasi kaarawan ko. Kaarawan kong wala man lang nakaalala. Wala man lang bumati kahit isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Taming the Playboy Named Luke Carson (COMPLETED)
General FictionShe's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally different with him. He's a certified hot playboy. He's a hundred percent jerk. People call him as Hottest...