Chapter 1

176 11 8
                                    

Friends



Lakad takbo 'kong tinahak ang room, kabado dahil wala ng nagcha-chat pa sa GC. Mukhang nasa room na 'ata ang prof, patay talaga. Pangalawang late ko na ito kung sakali, bi-bingo na ako sa susunod.

"Oh, Chao!" bati ni Michael na may bitbit na kape at mabagal na naglalakad papunta sa room. Hays. Mukhang safe ako ngayon, mabuti na lang. Napabuntong hininga na lang ako at pagod na naglakad.

'Pagkapasok ng room agad akong umupo sa tabi ni Monica na abala ngayon sa pagkikilay niya. Talaga naman itong babae na ito, kahit 'ata lumindol, kilay is life pa rin si gaga. Samantalang kabadong-kabado ako kanina pa, tapos hindi 'man lang siya nag reply sa akin.

"'Andiyan ka na pala," bati niya nang maramdaman ang presensiya ko kahit na abalang nakatingin parin ang mga mata niya sa salamin."Traffic?" tanong niya ulit.

"Ano pa nga ba! Napuyat ako kagabi kaya late ako nagising," ani ko habang nilalapag ang bag sa sahig.

"Lagi ka naman puyat, sinasabi mo diyan sis?" pambawi niya naman. Well, totoo naman, tama siya do'n.

May nadiscover ako na story sa wattpad at masyado akong nag-enjoy sa pagbabasa, ni-hindi ko namalayan ang oras. 'Ayan tuloy, nang mag-ring ang alarm pinatay ko rin agad dahil sa sobrang antok, late tuloy ako nagising.

"Wala pa si Ubando?" bulong ko sa kaniya.

"Wala pa, mukhang natagalan sa kabilang section," sagot naman niya. Nilabas ko na lang ang phone ko habang naghihintay na magsimula ang klase. Anong oras na pero kalahati pa rin kami sa room.

"Sis!!! Hoy shet!!" hinihingal na takbo papalapit sa amin ni Lora.

"Oh kalma! Bakit? May chika ba?" usisa ni Monica na ready na para sa chismis. Binaba ko naman ang hawak ko na phone para lingunin si Lora na hinihingal at dramatic na pinapaypayan ang sarili.

"Hindi sis, may quiz daw mga teh!! Kaya natagalan sila sa kabilang room!" natatarantang sabi niya.

Sabay pa 'atang namilog ang mga mata namin ni Monica at nagkatinginan bago na-realized ang sinabi ni Lora.

Nagmamadali kong hinalungkat ang bag ko para hanapin ang universal notebook ko. Hindi pala maganda na sa iisang notebook ko lang sinusulat lahat ng notes sa lahat ng subject, hindi ko tuloy mahanap ang lesson last week.

"Bilisan mo Chao!!" ani Monica na lalo lang nagpataranta sa akin.

"Teka 'wag niyo ako i-pressure!!"

Bakit nga ba kasi ako lang ang nagsusulat ng notes last week? Itong dalawa na ito lagi na lang tinutulugan ang first class.

Mabuti na lang at malakas ang wifi ni Lora mula sa kabilang section, iilan lang kami na nakapasa sa quiz. Pero dapat mas thankful sila sa akin, dahil kung wala ang notebook ko pare-pareho kaming babagsak. Terror pa naman 'yon si Ubando, masyadong pa-barbie.

Para tuloy kaming nag marathon sa sobrang pagod namin. First subject pa lang pero parang naubos agad ang energy ko. Parang nanghihigop ng energy itong si Ubando, hindi na nakuntento sa surprise quiz niya, nagpa-recitation pa talaga. Pasalamat siya at major subject ito kaya pinapasukan ko pa siya.

"Bili muna tayo ng japanese cake, sige na guys," pamimilit nitong si Monica. Ang lakas magreklamo na napagod siya, eh hindi naman siya natawag kanina sa recitation.

"Huwag mo akong demonyohin, nag-iipon ako", sagot ko naman. May ilalabas na album ang favorite boy group ko at gusto ko mag-order kaya tag-gutom muna ako this month. Ang hirap maging fan kapag mahirap ka.

"Atsaka ang aga-aga pa! Katatapos lang ng first subject" dagdag ko pa.

"Pero three hours agad 'yon 'no! Kung hihintayin pa natin yung break time, another three hours pa 'pag gano'n", pagpupumilit niya pa.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon