Stalking
Nakaupo ako ngayon sa benches malapit sa lab high, nakatingin sa harap ng NALLRC habang iniinom ang soya milk sa binili ko kanina bago pumunta rito sa PUP main.
Lunes ngayon at pagkatapos ng pangatlong subject ay dumiretso na ako agad dito. Hindi na ako pumasok sa last subject, which is Ethics dahil ST lang naman ang magbabantay, nagpa-attendance na lang ako kina Monica.
"Sure ka ba talaga na may schedule ang CL students ngayon?" baling ko kay Nissa na nakaupo rin sa tapat ko.
"Oo nga! Kanina mo pa yan paulit-ulit na tinatanong," asik niya.
"Eh bakit kasi ganun, wala parin si Paolo?" disappointed kong sabi.
Kanina pa ako nakatingin sa building nila, nag-aantay na makitang pumasok o lumabas si Paolo, pero hanggang ngayon wala pa rin.
"Baka naman hindi pumasok 'yang crush mo," sabi naman niya.
"Hoy hindi ga'non si Paolo! For sure masipag mag-aral 'yun kaya hindi a-absent," pagtatanggol ko naman.
"Paano mo naman nasabi iyan," tawa ni Nissa. "Eh hindi mo nga sya kilala sa personal eh," dagdag niya pa.
Ouch! Kailangan ba ipagdiinan 'yon?
"Basta alam ko! Kahit nung 'di ko pa alam na nag-aaral siya dito sa PUP, alam ko na na matalino at masipag siya. Kita sa aura niya yung pagiging mabuting estudyante," nakangiti kong sagot.
I always imagine him as a good student, yung matalino at masipag mag-aral. Ewan ko ba! Hindi naman siya mukhang nerd or what, pero ang seryoso niya kasi masyado para maging pasaway. Hala ang judgemental ko ata
Umiling lang si Nissa at tinawanan lang ako
"Alas-otso na, wala na 'yun, bumalik ka nalang ulit bukas" sabi ni Nissa
Hindi ko naman sigurado kung makakatakas rin ako bukas. Baka magpa quiz sa last subject bukas mahirap na.
"Baka yung sinabing schedule ng kakilala ko hindi para sa section nila," sabi ni Nissa.
"Ano?! Bakit ilan ba ang section ng kurso nila?" tanong ko
"Lima 'ata," sagot naman ni Nissa.
"Limang section?! tapos hindi mo man lang sinabi sa akin. Akala ko naman isang section lang sila," I feel betrayed.
Sa limang section na iyon, what are the odds na yung schedule na alam ng kakilala ni Nissa ay schedule ng section ni Paolo. Napa-facepalm nalang ako.
"Hindi ka naman kasi nagtanong sa akin, at isipin mo 'onti na nga yung limang section. Yung ibang course nga ilan pa ang sections eh," bored niyang sagot sa akin.
Aba kahit na! tatlong oras lang naman akong naghintay dito, tapos malalaman ko na wala naman pa lang kasiguraduhan na makikita ko siya. Nakakaiyak naman
"Tama na 'yan! Sama ka nalang sa amin ng mga ka-dorm mates ko, kakain kami sa Teresa," pag-aaya niya.
Napatingin ako sa relo ko bago tumango, may bukas pa naman. Nagawa ko nga siyang hintayin for five years, ano ba naman yung tatlong oras na nasayang ko ngayon diba?
"Okay, basta bukas samahan mo ako ulit," sabi ko.
"Busy ako bukas kaya hindi kita masasamahan. Kaya mo na 'yon, sa isang araw na lang kita samahan para wala akong pasok," aniya.
Mabait naman ang mga ka-dorm mates ni Nissa, hindi sila pala-salita pero hindi rin naman mga isnabera. Bakit ba ang seryoso ng mga accountancy student na kilala ko? Buti 'di ako nag Accountancy, baka napanisan ako ng laway.