Chapter 6

72 11 19
                                        

Bad Luck



I impatiently check my watch as my fingers play the pen that I'm holding.

Bakit ang tagal ng oras kapag hinihintay mo ito? Ang tagal naman mag-time!

Six thirty na at kung isa-sagad talaga ng Prof namin ang klase niya hanggang alas-siete baka alas-nuebe pa ako makarating sa main. Rush hour pa naman na.

"Tutuloy ka parin ba? Anong oras na" bulong sa akin ni Lora

Bumuntong hininga ako at tumango. Sayang naman, nung linggo pa ako excited para sa araw na ito. Ni-practice ko na nga kung paano ako magpapakilala mamaya kay Paolo.

Ngayon ang araw na napag-usapan namin ni Jerik para sa interview ko kuno. I even searched topics na pwede ko kunwaring I-reason out para makausap sila. I'm very prepared ano!

Hindi ko magawang tumakas ngayon dahil pagkatapos ng discussion ay mag quiz raw kami. Hindi ko naman ni-expect na sobrang haba ng discussion, usually naman isang oras lang ito magklase tapos uwian na. Sobrang bad timing naman.

Baka hindi ko na maabutan sila Jerik neto. Teka.. wala nga pala kaming napagusapan na oras at lugar kung saan maghihintay!

Halos sabunutan ko ang buhok ko dahil sa katangahan ko.

Bakit kasi nagmamadali akong umalis ng araw na iyon? Wala rin naman akong number ni Jerik kaya paano na kaya? Daig ko pa may ka-meet up sa panahon ng lolo at lola ko.

"Anong oras ba usapan niyo?" tanong ni Lora.

"Hindi ko rin alam," bigo kong sagot.

"Ano? Seryoso ka ba?" sabi niya. Pumikit lang ako ng mariin.

Inilingan lang ako ni Lora sa katangahan ko, malamang wala rin siyang masabi sa kabobohan ko. Nakakabadtrip, kahit ako naiinis na sa sarili ko.

Nang magpaalam ang prof namin, nagmamadali akong tumakbo. Bahala na! Kung maabutan ko edi 'okay! Kung hindi edi at least pumunta pa rin ako.

Mukhang tama ang nabasa ko tungkol sa horoscope ko ngayong araw, talagang malas ako ngayon, dahil ten minutes na wala pa rin akong mahanap na masasakyan.

Quarter to nine na nga ako nakarating sa main. Hingal na hingal kong tinungo ang library at hinanap sila Jerik.

Wala siya. Sabagay, anong oras na rin kasi, hindi ko rin naman ine-expect na hihintayin niya ako, lalo na't alam ko na busy siya. Baka nga hindi naman talaga siya pumunta ngayon at sinabi niya lang 'yun nung linggo para hindi ko na siya kulitin.

Naupo muna ako sa pinakadulong bahagi ng library, magpapahinga muna ako saglit bago ako umuwi. Pagod na pagod ako, both mentally dahil sa exam at physically dahil sa pagmamadali at pagtakbo.

Ipinikit ko ang mga mata ko at yumuko, ginawang unan ang mga braso ko. Bakit pa kasi ako pumunta, alam ko naman na wala na akong maabutan pa.

Ilang sandali akong nanahimik sa ganong posisyon ng may marinig akong nagsalita.

"Chanilene?"

Napamulat ako at umupo ng diretso ng marinig ang pangalan ko.

"Oh.. Jerik?" naguguluhang tanong ko.

"Bakit ka nandito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ha? Hindi ba may usapan tayo na ngayon ang interview?" balik na tanong niya.

"Oo! Pero kasi akala ko umuwi ka na? I mean anong oras na kasi," sabi ko.

Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo. Pinanuod ko lang ang bawat kilos niya, hindi pa rin makapaniwala na 'andito nga siya.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon