Chapter 13

67 12 28
                                    

Together



It's true that when you are enjoying living the moment, time passes quickly. Ngayon ang ika-walong araw ng simbang gabi. Funny how I waited for these nine special days in the whole year to come, and now I'm down to the second last day.

It became a routine na after ng mass tatambay kami ni Paolo sa tapat ng simbahan ng mga isang oras. For those days that we are always together, one hour with him is very magical. I learned a lot of things about him, and the more I know who he really is, the more I dig down my grave for a place I can fall in.

Dati akala ko gusto ko lang ang idea ko na kung sino siya na base sa likha ng imagination ko, but upon knowing who he really is, how imperfectly perfect he is, mas lalo 'kong napatunayan that my feelings for him is not just a product of my curiosity.

He is real, and so my feelings.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at nag ltipa ng daily greeting ko sa kaniya.

"Anong tawag sa batas ng Mars kapag si Marcos ang president?" send ko habang nakahiga pa rin sa kama. Kakagising ko lang kahit na nine na ng umaga, actually tanghali na nga.

Habang hinihintay ang reply niya tinupi ko na ang kumot at inayos ko na ang higaan ko.

"Ano?" reply niya.

"Edi Martian Law!! HAHAHAH Goodmorning Paolo!" sagot ko.

Every morning nagse-send ako ng cornyng jokes sa kaniya. I want to constantly greet him with a morning message kaso baka isipin niya ang clingy ko purket medyo nagiging close na kami, kaya dinadaan ko na lang sa jokes.

"You're getting better with this. Good morning too!" reply niya. Ngumiti ako dahil sa puri niya.

Ha! Punong-puno kaya ang notes ng cellphone ko ng mga jokes na inisip kong ise-send sa kaniya. Buti na lang at marunong na siya um-appreciate ng jokes ko ngayon.

Pagkatapos basahin ang reply niya na iyon ay umalis na ako sa higaan at nagtali ng buhok para sa paghihilamos.

"Chao! Dumaan kanina ang driver nila Monica at may hinatid na regalo para sa'yo," sabi sa akin ni mommy pagkababa ko ng hagdan.

Mabilis ko naman tinungo ang Christmas tree para kunin ang bagong regalo sa ilalim nun. Nai-text na ni Monica sa akin kagabi na darating nga ang regalo niya sa akin. Since nasa Japan sila ngayon ng pamilya niya yung driver na lang niya ang naghatid.

"Mamaya mo na buksan 'yan at kumain ka na!" sabi sa akin ni mommy nang makitang naupo na ako sa tapat ng Christmas tree at excited sa regalo sa harapan.

Paano naman kasi hindi ako mae-excite, eh eto ang unang regalo ko dito sa puno na 'to. Sa dami ng regalo sa ilalim ng Christmas tree, ni-isa wala ang para sa akin, puro kay Yuri lahat!

Ang unfair talaga, bakit sa bata lang uso ang regalo tuwing pasko? Mas marami pa ngang natatanggap na sobre yung mga kapatid ko kaysa sa akin, samantalang ako yung mas nangangailangan.

Pinicture-an ko ang regalo at sinend kay Monica para malaman niya na nakuha ko na. Pagkatapos nun ay tumungo na ako sa lamesa para kumain ng late-breakfast ko.

"May humabol na nagpalista na client, cake lang naman 'yun para sa birthday ng anak niya. Bumili ka mamaya Chao ng ingredients," utos ni mommy.

"Huh? Bakit ako?" tanong ko naman.

I have my plans for today. May special performance kasi ang favorite kpop group ko at balak ko manuod ng livestream bago umattend ng misa mamayang gabi.

"Maglilinis ako ng bahay Chao! Dadating ang mga bisita natin bukas!" sabi ni mommy. Every Christmas eve ay nagtitipon ang relatives namin sa isang bahay para mag-celebrate, this year dito sa bahay namin ang venue.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon