School
Maaga kaming umalis para hindi maabutan ng mahabang pila sa UV at traffic. Kaya naman saktong-sakto lang ang dating namin para sa appointment ni Monica.
Imbes na ilibre niya kami ng Manicure at pedicure tulad ng napagusapan namin kahapon, nagpagdesisyunan namin ni Lora na magpa-hair manicure na lang. Wala naman kasing mani-pedi services ang salon na ito. Kung hahanap naman kami ng ibang salon ni Lora, mawawalan ng sense ang pagsama namin kay Monica para hindi siya mainip habang ginagawa ang hair treatment niya.
Balak ko sana magpakulay ng buhok, kaso hindi allowed sa school namin ang ibang kulay. Hindi tulad sa main na malaya ang mga estudyante sa halos lahat ng bagay tulad ng walang uniform at may kulay na buhok. Sa branch namin mahigpit.
Maliit lang rin kase ang branch ng PUP dito sa Commonwealth, kaya mas madaling napapasunod ng mga officials ang mga students sa mga rules.
"Maganda rin siguro magpa-perm. Tingin mo Chao?" ani ni Lora.
Nakahilera kaming tatlo, nagsisimula na ang kanya-kanyang services na in-avail namin. Nakaharap kami sa salamin at pareparehong busy na nakatingin sa mga cellphone.
"Mmm.. Hindi ako papayagan ng nanay ko," sagot ko naman.
"Hindi naman para sayo girl, alam ko na 'di ka papayagan," aniya.
Nilingon ko siya at tinagilid ang ulo, sinusubukan na iimagine ang itsura niya kung magpapa-perm siya ng buhok.
"Okay lang siguro." Maliit ang hugis ng mukha ni Lora, kung magpapa-perm siya mas lalo siyang magmumukhang cute.
"Ano tingin niyo guys sa Ms. PUP Icon?" tanong naman ni Monica.
"Bakit? Sasali ka?" tanong ko.
Bumaling siya sa amin bago nagsalita. "Pinipilit ako ni Kuya George sumali."
"Oh! Ikaw na pala pinili ng President ng Organization eh! Go lang!" sabi naman ni Lora
"Kaso malapit na Midterm exam natin, paano 'yun?" ani ko.
"After midterm naman raw yung pinaka event," tugon niya.
"Gusto mo ba? Kung gusto mo edi push natin 'yan," sabi ko naman.
Maganda naman talaga itong si Monica, bonus na lang yung mahilig siya mag-ayos sa mukha at pananamit niya. Pero kumpara sa aming tatlo, si Lora ang pinakamatangkad, pero tingin ko naman pasok ang height ni Monica sa qualifications. Hindi naman siguro siya ico-convince ni kuya George kung hindi siya pasok sa required height.
Good choice actually si Monica dahil confident ito sa mga ganitong pageant. Naalala ko nung Senior high school kami, siya ang pambato ng room namin sa Ms. PUPQC.
"Gusto ko sumali. Pero samahan niyo ako, sa main raw kasi yung venue sa mismong event," saad niya.
"Oo naman! Ang tagal ko na kayong inaaya na pumasyal sa main eh, ayaw niya akong pagbigyan," sabi naman ni Lora.
Hindi naman kasi namin naging kaklase dati si Lora. Hindi tulad namin ni Monica na ilang beses na nakapunta sa main dahil sa mga events nuong Senior high school kami, si Lora hindi pa nakakapunta sa PUP Sta. Mesa.
"Ano naman ba kaseng papasyalan mo 'dun? Yung Ilog Pasig?" sabi ko naman.
"Malaki raw campus 'dun eh! Gusto ko naman maligaw, ang liit kaya ng school natin," pamimilit niya pa.
Totoong 'di hamak na mas malaki ang Main. Sobrang liit lang talaga kasi ng branch ng PUP dito sa QC. Siguro yung size ng Oval hanggang sa Mini Chapel, ga'non lang kalaki ang school namin. No joke! Baka nga mas maliit pa 'dun eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/226869434-288-k459322.jpg)