Chapter 16

76 11 18
                                    

Different



Pagkatapos ng bakasyon parehong naging busy kami ni Paolo dahil sa kaniya-kaniyang school works. Mas lalong nagpahirap ang bagong schedule namin ng second semester para magkaroon kami ng time na magkita o magkausap dahil sobrang conflict ng schedule naming dalawa. Sa isang linggo, isang araw lang ang may pareho kaming vacant.

Hindi na ako muling nakabalik pa sa main dahil nagkaroon ako ng nine pm class. Naging maaga man ang uwian nila Paolo, hindi ko naman siya pwedeng pilitin na pumunta sa PUP QC tulad ng ginagawa ko dati sa Main.

I can't demand for his time dahil una sa lahat friends lang naman kami. Ouch!

Still, I never forget to send him my daily greetings and random messages. Kahit gaano pa ako ka-busy sa mga ginagawa ko ayokong may ma-missed na araw na hindi ko siya nakakausap.

We grew closer together, but I'm still the one who initiates to open a conversation, I'm still the one who do the effort. Because I know that between us it's me who have feelings for him.

The fact that he considers me as his friend is enough for me, for now.

"Kila Lora tayo after ng class sa HRM," ani Monica.

"Nagsabi ka na ba kay tita, Lo?" tanong ko naman.

"Yepp! Sinabi ko na rin na magdagdag ng pagkain dahil dun kayo magha-hapunan," sabi naman ni Lora.

Like first semester, our school tasks and paper works come ceaseless. Para bang hindi na maubos-ubos ang pinapagawa sa amin kahit na kakabalik lang naman mula sa maikling bakasyon. We don't even have time to adjust! Nasa bakasyon pa rin ang utak ko jusq.

The only good thing is, we learned from our experiences from first sem, kaya naman hindi tulad ng dati na kapag ganitong ka-busy ay hindi na kami nagpapansinan nila Monica, ngayon we learned how to balance our student life and social life.

"Parang mas bet ko yung idea ni Marlon para sa advertising ad," sabi ni Lora.

Nandito kami nakatambay sa student lounge habang hinihintay ang susunod na subject. We are having an informal meeting para sa concept namin ng advertisement na gagawing entry ng section namin.

"Hindi ba masyadong ma-drama 'yon?" sabi ng isa kong kaklase na si Vin.

"Hindi ba mas maganda kung makukuha natin yung emotional arousal ng judges?" ani Carla.

"Exactly! Yung judges malamang rational sila mag-isip. Kung normal na consumer siguro baka pwede natin gamitin yung emotional arousal, kaso baka ang hinahanap nila is more than psychological aspect," dagdag naman ni Vin.

Kasalukuyang kaming nag-iisip ng idea na mapagkakasunduan namin. Next month na ang Marketing week at isa sa activities na inihanda ng organization ay ang AdClash.

Maraming contest na inihanda ang org na karamihan ay per section ang entry. Ang ginawa ni Zoe, yung president ng section namin ay hinati niya ang klase sa limang grupo para makapag-focus sa iba't ibang category.

"Pero hindi ba dun naman talaga ang basic focus ng consumer behavior? Sa emotional core?" sabi naman ni Carla.

Gets ko ang point nilang dalawa, at maging ako ay hindi makapag-decide kung kaninong concept ang susundin. Kaso nga lang ay wala na kaming sapat pa na oras para sa pagtatalo.

"Ewan ko lang, nagawa na kasi ng Jollibee yung ganyang concept, mas maganda sana kung creative yung atin," sabi naman ni Leah.

"Sige na i-settle na natin ito guys, wala na tayong time eh. I-incorporate na lang natin yung parehong ideas," sabi ko para matapos na.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon