Epilogue
Pasimple akong sumulyap sa dalawang tao sa harapan ko na busy sa pagku-kwentuhan. They laugh and talk like they've known each other since whatever. How did she even managed to befriend with my friends that quick?
"Oo, tapos tamang road trip 'no?" Rinig kong kwentuhan nila at naghahampasan pa dahil sa saya..
They are so loud. Simula ng palagiang pagbisita niya dito ay palagi nang maingay ang barkada namin. At first I can still ignore her presence, but she's very persistent and very annoying, hindi ko maiwasang hindi siya mapansin. Why is she always here anyway?
"Bakit parang galit na galit ka naman ata diyan sa librong binabasa mo?" Tapik sa akin ni Jerik.
Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Dahil ba sa sunod-sunod na araw na pagtambay ng babaeng 'yon at kaingayan niya, o dahil simula ng maging close neto ang mga kaibigan ko ay hindi na ako ang kinukulit niya?
"Ang ingay kasi," iritang sabi ko habang nakatutok pa rin ang mga mata sa libro, pero wala naman talaga akong maintidihan sa binabasa.
Paano ba naman kasi ako makakapagbasa ng maayos kung ang ingay ng paligid diba? Kung maghaharutan sila, sana hindi dito sa harapan ko. Tss
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jerik sa tabi ko. Nakita ko ang pagsulyap niya kay Ivan at Chanilene sa harapan na masayang nagku-kwentuhan. Maging si Ria ay sumali na rin ngayon sa usapan nila.
"She's really fun to be with, cute nga eh," pagtatanggol naman ng bestfriend kong ito.
Inangat ko ang tingin ko kay Chao para pagmasdan ito. Una ko siyang nakausap nung retreat, pero una ko siyang nakita nung inaya ako manuod sa pageant nila Ivan.
I know she's familiar nung nakita ko siya sa Batangas dahil nga nakita ko na siya nung Ms. PUP Icon. Wala naman talaga akong balak umattend ng mga ganong event. Ayoko sa maingay at magulong lugar, kaso mapilit si Ivan at dahil sa taas lang naman 'yon ng room namin, dumaan na rin ako.
Saglit ko siyang pinanuod. She's all smiles as always. She's very bubbly and friendly.
Jerik is actually right, she's cute. She has a fair skin, oval shaped eyes, long lashes, and thin pinkish lips. Hindi siya mukhang maarte sa pananamit at mukhang hindi rin pala-make up. She's simple. Pwede na.
"She's not," tanggi ko kay Jerik, ayaw aminin na tama siya.
So what if she's cute? She's still irritating.
Hindi ko alam kung marami lang ba talaga siyang time, or may gusto siya sa isa sa mga kaibigan ko. Kasi bakit naman siya dadalaw dito sa school namin ng araw-araw gayong ang layo ng campus niya.
"Ikaw nga ang gusto niyan! Hindi mo kasi pinapansin kaya kami ang kinakausap palagi," sabi ni Ivan.
Nasa library kami ngayon at nagre-review para sa palapit na Final exam.
"Bakit ko papansinin? Eh mas close niyo nga," sabi ko naman.
Minsan ko na siyang tinanong sa totoong pakay ng pagbisita niya dito. Kahit na minsan ko na rin naisip na baka ako nga ang type niya, hindi ko naman 'yon masyadong pinansin dahil nga sila Ivan ang lagi niyang ka-kwentuhan.
"Hoy Paolo para linawin ko sayo ina-admire lang kita kasi crush kita, hindi stalking ang tawag dun! Andami-dami kong manliligaw para sabihin mo na stalker ako! Nakakahiya sayo ha! Porket alam mo na gwapo ka," tuloy-tuloy na sabi niya.
I was so amused because of her long lines. She finds me handsome huh? Sabagay hindi ko naman siya masisisi sa parteng iyan.
"Uh huh.. So you are admiring me?" naka-ngisi sabi ko sa kaniya.