Heal
Pagkatapos ng ilang buwang pagpunta ko sa doctor at pagsubok sa pakikipag-usap ulit sa ibang tao, unti-unti nakikita ko ang pagbabalik ko. Right now I can say that I'm free from my agony.
I can laugh and smile now. The progress is very evident that my mom wants a grand celebration for my 21st birthday to celebrate my recovery. Pumayag naman ako sa gusto niya dahil mahigit isang taon na rin nung huling pumunta sa party ang pamilya namin.
Third year becomes more stressful and time consuming, but I'm glad that my relationship with my friends are still the same. Kahit pa sobrang busy namin sa school at sa nalalapit naming OJT, naglalaan pa rin kami ng time para mag-bonding.
"How about this private resort, Chao? May kiddie area para kay Yuri," turo ni mommy sa screen ng laptop niya.
Nang pumayag ako sa request ni mommy na party, hindi siya mapakali sa sobrang excited. Isang buwan pa bago ang birthday ko, pero pinagpaplanuhan niya na ito ng husto.
"Kahit alin diyan my," sabi ko naman.
May tiwala naman ako sa pipiliin ni mommy. Bukod pa roon ay busy rin talaga ako mag-ayos ng papers ko para sa papasukan kong OJT. Mas kaunti man ang subjects namin ngayon, more on practical naman na kami.
"Sige tanungin ko ang daddy mo. Sila Lora ba walang request? Si Harold tinanong mo na ba?" Tuloy-tuloy niyang sabi.
She wants me to invite my closest friends, and by closest friends she means si Lora, Monica, Nissa, Harold at kung pwede rin si Ria.
After ng breakup nila Monica at Ivan, at pagkatapos namin maghiwalay ni Paolo, hindi ko na nakausap pa sila Jerik. Pakiramdam ko ang awkward kung aayain ko sila dahil sa mga nangyari.
"Basta aesthetic raw my, para maganda yung background pag nag-picture," sabi ko naman.
Tumango-tango siya habang nagsusulat sa maliit niyang notebook. She's very organize with this kind of thing, kaya nga bagay sa kaniya ang business na napili niya.
"Okaaay. So apat lang yung sure na pupuntang kaibigan mo?" Tanong ni mommy.
I didn't answer. Gusto ko sanang makasama si Ria, dahil after niyang sabihin sa akin ang tungkol sa pagkapasa ni Paolo ng second year, hindi na kami muling nagka-usap pa. At aaminin ko na isa sa dahilan kung bakit gusto ko siyang sumama ay para maki-balita kay Paolo.
I don't know kung lumipat na ba ng bahay sila Paolo. Minsan kasing nakwento ni tita Sherly sa akin na wala na raw tao sa bahay nila. Chine-check ko ang social media sites ni Paolo para sa bagong balita, pero mukhang hindi naman na siya active dun. Siguro ay busy dahil third year na.
"Lima po my" sabi ko. I'm going to convince Ria to go.
Hindi ko matandaan kung kailan ako nagkaroon ng ganito ka pinagplanuhang birthday celebration. Nung nag-debut naman kasi ako ay pumunta lang kami sa ibang bansa para mag-celebrate.
After ng pagplaplano namin ni mommy ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Magkikita kami nila Monica sa bahay nila Lora dahil vacant day namin ngayon. After ng midterms namin dapat raw ay mag-rejuvenate kami mula sa stress, kaya nagplano sila ng spa-slash-pajama party.
Pagkatapos mag-ayos ay kumatok ako sa kwarto nila mommy para magpaalam kay daddy.
"Dy alis na po ako! Yung susi?" Sabi ko .
Busy siya sa harapan ng latop niya, saglit niya lang ako sinulyapan bago tinuro ang ibabaw ng vanity mirror ni mommy. Tuluyan na akong pumasok sa loob para kunin ang susi ng sasakyan at humalik sa pisnge niya para magpaalam.