Self
Lumipas ang isang linggo at mas lalo lang lumala ang kawalan ng communication namin ni Paolo. Simula nung isang araw hindi na rin ako nakakapag-message sa kaniya kahit ang simpleng morning greetings.
Nung mga nakaraan kasi sinusubukan ko naman na mag-message pa rin sa kaniya ng mga jokes at daily updates, kaso nung tumagal tumumal rin ang pag-reply niya hanggang sa hindi na nga siya nakakapag-reply pa. Ayoko naman na magpumilit at mangulit pa kaya hindi na lang ako nag-message pa simula 'non.
Nakatingin ako sa cellphone ko at nag-iisip ng pwedeng ipadalang mensahe sa kaniya. Kanina pa ako nagta-type tapos buburahin ko rin.
Kahit papaano ay may natitirang pride pa rin naman sa katawan ko. I know he's very busy right now, pero ano man lang yung pagsabi niya na magiging busy siya kaya wala siyang time para mag-reply diba?
Nung una I understand him, kahit pa umaabot ng isa hanggang limang oras ang reply niya dahil inex-explain niya naman ang rason, kaso ngayon wala talaga kahit na ano.
Ayokong maging demanding, pero bakit pakiramdam ko ang unfair?
Hindi ko na rin tuloy alam kung dapat pa ba akong ma-excite sa seminar next week. Para bang nawalan ako ng gana dahil sa disappointment at pagtatampo.
I still miss him alright, pero hindi naman ibig sabihin 'nun ay wala na akong karapatan makaramdam ng inis sa panggo-ghost niya sa akin ng ilang araw.
"Alam mo girl, malo-lowbat 'yang phone mo kakatitig mo diyan! Magta-type ka ba ng message o ano?" sabi ni Monica.
"Hindi ko alam ita-type ko eh," bigong sabi ko.
"Edi 'wag ka mag type! Hayaan mo 'yan, ma-stress ka lang kakaisip sa kaniya," sabi naman ni Lora.
Oo nga naman, andami-raming pending na school works ang dapat kong isipin, kaya bakit ko ba iniisip yung lalaking 'yon? Eh mukhang wala nga siyang pake kahit hindi na ako mag-message pa sa kaniya eh!
Fine! Natitiis mo ako? Edi wow sa'yo Paolo! Akala mo ikaw lang may kaya?
"Tara SM tayo!" aya ko sa dalawa.
"Ngayon? Akala ko magla-library tayo?" sabi ni Lora.
Sobrang haba ng vacant namin ngayon dahil nakalaan yung time na 'to para sa paggawa ng research namin.
"Sus Chapter 4 at 5 na lang naman ang kulang eh! Mamayang gabi na natin tapusin 'yon," sabi ko naman.
"Sige!! Mag khub tayo dali!" excited na sabi naman ni Monica.
"Mga demonyo talaga kayo! Hindi pa nga tayo tapos sa research," sabi naman ni Lora.
"Tara na huwag kang Kj diyan!" hila ni Monica kay Lora patayo.
"Siguraduhin niyong seryoso tayong gagawa mamaya ah," sabi niya.
Pagkarating ng SM puno pa ang lahat ng rooms sa khub kaya dumiretso muna kami sa Macao Imperial para bumili ng milktea, pagkatapos ay nag-ikot-ikot sa world of fun para magpalipas ng oras.
"Madaya talaga 'tong claw machine na 'to!" iritang sabi ni Lora.
"Hindi ah! Yung ex ko dati nakakuha sa ganiyan eh!" sabi naman ni Monica.
"Baka nandaya lang 'yon para magpa-impress sa'yo?" sabi naman ni Lora.
They always bicker these days, parang mga elementary students.
"Chamba lang siguro 'yon, never pa rin ako nakakuha diyan eh. Scam 'yan," sabi ko naman.
"Tara dun na lang tayo sa pwedeng magbigay sa atin ng ticket," aya ko na lang sa kanila.