Chapter 8

68 11 10
                                    

Serendipity



The activity continues after we watch the movie. I'm really a fan of based on true story kind of movies kaya sobrang na enjoy ko ang pinalabas. Grabe yung iniyak ko sa kalagitnaan ng palabas. Tumatak pa sa isipan ko ang quote na sinabi ng isang character na bida.

'Yesterday is not ours to recover but, tomorrow is ours to win or lose'

Ang next activity ay Bible tableau. Ang bawat grupo ay hahatiin sa dalawa. Bubunot ang unang limang members ng isang scenario na mula sa bible tapos magfo-form ng tableau, pagkatapos ang natitirang lima naman ang huhula.

Dahil hindi naman ako palabasa ng Bible, hindi ko kabisado ang bawat scene, kaya naman sumalit ako sa mag a-act.

We're still in the same group, ang sabi ito raw ang magiging grupo namin para sa buong araw. Okay lang rin naman iyon dahil naging kumportable na kami sa isa't-isa.

Masuwerte kami sa nabunot naming scene dahil madali lang iyon.

"Ako kay Adam!!" presenta agad ni Carlos.

"Sige ako na sa ahas," makulit na sabi ni Richard.

"Ikaw dahil matangkad ka, ikaw na sa puno," turo ni Richard kay Miguel na pinakamatangkad sa kanilang lahat.

"Ikaw na Chao is Eve, dali wala na tayong time," sabi ni Geraldine.

We are trying to recreate 'The Fall, Genesis 3.' Dahil madali ang nabunot namin at magaling ang mga kagrupo namin manghula wala pang ten seconds nasagot agad nila ng tama.

"Ganito ang teamwork!" masayang sabi ni Luisa.

Hindi ko alam na masaya pala ang retreat, para lang rin siyang team building pero in a way na we are reconnecting with God.

Tanghalian na ulit kami nakapagtabi ni Jessa. Pagkatapos ng Bible Tableau activity ay pinapunta na kami sa refectory hall para sa lunch. Hindi ko nga namalayan ang oras dahil sobrang na-enjoy ko ang activities.

"Grabe yung iyak mo kanina, hindi ko tuloy alam kung iiyak rin ako o matatawa sa itsura mo," pang-aasar sa akin ni Jessa.

"Nakakaiyak naman kasi talaga. Hindi lang naman ako ang umiyak," sabi ko naman.

"Ay nga pala! Nakatabi ko kanina crush mo," bulong ni Jessa.

"Ha? Paano? Di naman kayo magka-grupo ah! Madaya ka!" nakanguso kong sabi.

Napaka-unfair naman, naunahan pa ako ni Jessa makatabi si Paolo.

"Edi tabihan mo rin siya, bakit ka nahihiya?" dagdag niya pa.

Napatingin tuloy ako kay Paolo na nakikipag-usap sa kaharap niya habang kumakain. Mukhang maganda ang epekto sa kaniya ng retreat ah! Ngumingiti ang bebe ko.

Ang cute niya 'pag nakangiti! Nakakagigil, mas lalong nakaka-inlove.

"Alam mo tama lang na hindi siya pala-ngiti eh. Isipin mo pag naka-poker face siya ang gwapo niya tignan, eh paano pa kung lagi siyang naka-smile? Edi ang dami ko nang karibal sa atensyon niya," sabi ko kay Jessa.

"Sus kahit hindi ngumiti yang crush mo marami ka pa rin ka-agaw diyan. Narinig ko yung mga ka-member ko kanina pinag-uusapan 'yan," ngumunguyang sabi ni Jessa na nagpapantig sa tenga ko.

"Wow asa sila na papansinin sila ni Paolo ano. Ako nga five years ko na siyang crush pero never niya akong kinausap," sabi ko.

Nako nauna ako sa kanila ano, kung bet rin nila si Paolo pumila sila sa likod dahil mahaba ang pila.

"Very competitive talaga!" natatawang sabi ni Jessa.

After ng lunch pinapunta ulit kami sa gazekubo para sa last activity ngayong araw. Maaga raw nilang tatapusin ang program ngayon dahil maaga kaming gumising para bumyahe papunta dito. Kaya naman hanggang six lang ang activities para maagang makapagpahinga ang lahat.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon