Visit
We stayed there for an hour talking about random things. I don't even know how I survived that night, because my heart is frantically beating so loud the whole time we're talking together.
Dahil ba sa pag sabi niya ng 'I miss you'? o dahil sa pag ngiti niya ngayon? Maybe dahil sa lahat ng nangyari ngayong gabi.
I'm not used to seeing him smile and laugh like this, but I'm not complaining either.
"So mag se-send ka na ulit ng morning jokes mo?" tanong niya habang nag lalakad na kami pabalik sa bistro.
Kung hindi lang ako tinawagan ni Monica para bumalik dahil uuwi na raw kami, malamang naka-tambay parin kami dun hanggang ngayon.
"Depende kung ma-appreciate nung pag se-send-an ko" naka ngiting sagot ko naman.
I feel like our misunderstanding actually become beneficial for our relationship. Tingin ko ay mas naging considerate at understanding kami sa feelings ng isa't-isa pag katapos namin magka ayos.
Masaya akong umuwi ng ihatid ako ni Monica sa bahay. Alas onse ng gabi na kami nakauwi, pero kahit buong araw kami nag lalakad sa mall at tumambay sa labas, hindi ko naramdaman ang pagod dahil sa naging pag uusap namin ni Paolo.
"I'm home" maikling reply ko sa message niya na tinatanong kung naka uwi na ba ako.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Paolo bukod sa Jollibee at bigla nalang naging ma-effort sa pag se-send ng message. Bukod pa run ay in-accept niya na rin ako sa facebook at hiningi pa ang number ko.
Dati rati ako ang laging mag I-initiate ng conversation, pero ngayon nagagawa niya na mag lead ng conversation tapos ang bilis niya pa mag reply.
Natututo ka na Paolo ha! Sige ipag patuloy mo yan. Charot!
Sobrang saya ko tuloy natulog ng gabi na iyon. Para bang bawing-bawi yung ilang linggo na pagiging malungkot ko.
"Mukhang hindi ka ata busy?" send ko ng message kay Paolo habang nag iintay na dumating ang next prof namin. Kanina pa kasi siya mabilis na nag rereply sa mga messages ko.
"Someone's happy!! Sino kaya 'yon?" nang aasar na bati ni Lora ng makita akong naka ngiti sa harap ng phone.
Natatawa lang ako ngumiti at binalewala ang pang aasar niya.
"Syempre ang galing ko kaya, ako nag plano" sabi naman ni Monica
"Kahit si Paolo talaga naka isip?" sabi naman ni Lora
Yes si Paolo lang naman ang nakaisip na isama ako sa date nila Monica at Ivan. Pagkatapos malaman ni Ivan na bestfriend kami ni Monica kwinento niya 'yun kay Paolo.
He said he really want to talk to me, but I'm not giving him a chance. Kaya nag patulong siya kay Monica na isama ako sa date nila para makausap niya ako.
Imagine? Kean Paolo Ferrer did that? Ganda ko talaga!
"Library hours namin, pero later hindi na ako makakapag reply dahil may quiz" basa ko sa reply niya
At aba't marunong na rin mag explain si Paolo ngayon sa messages. Wow! grabe talaga ang improvement sis!
Kung alam ko lang na dapat pala akong mag pa-miss sa kaniya para lang mag effort siya, matagal ko na sana palang ginawa.
Totoo yung sabi nila na saka mo lang makikita yung value ng isang tao once na umalis siya.
Mas lalo tuloy ako naging motivated at inspired mag aral. Madalas tuloy akong asarin nila Monica na blooming raw ako dahil sa progress ng relationship namin ni Paolo. Eh hindi ko naman matanggi dahil totoo naman.