Chapter 29
First
Kanina pa ako excited matapos ang last class ko ngayon. Today is the last day of our midterm week. Kanina ko pa rin hinihintay ang message ni Paolo, pero matatapos na lang ang huling subject ko hindi pa rin siya nagpaparamdam
Nung isang araw ko pa nilo-look forward ang araw na ito dahil nag-promise si Paolo na mag da-date kami once na matapos ang exam. Ang nakakainis lang, kanina pa siyang umaga hindi nagre-reply sa akin.
Supposedly kahapon pa tapos ang mga exams niya, kaya hindi ko alam kung bakit busy na naman siya ngayon. Nakakatampo!
"Ano busy pa rin jowa mo? Bakit yung isang bruha dun busy na sa phone niya?" sabi ni Lora.
Napatingin naman ako kay Monica na grabe na ang ngiti ngayon habang nagte-text siya. Bakit si Ivan nagre-reply sa kaniya? Ibig sabihin dapat hindi na rin busy ngayon si Paolo!
"Ewan ko, naiinis na nga ako eh," sabi ko naman.
Nagbaon pa ako ng extra shirt ngayon para kung sakaling susunduin ako ni Paolo mula sa school ay hindi naman ako naka-uniform 'pag aalis kami.
"Tinext mo na ba ulit?" tanong naman ni Lora.
Naka-ilang text na ako sa kaniya. Obvious naman na nagpapa-pansin ako simula kaninang umaga, pero ang lalaking 'yon, ini-inbox lang ata ako!
"Oo, kaka-text ko nga lang ulit," sabi ko naman.
Kinukulit siya kanina pa, pero hindi ko naman binabanggit sa mga message ko ang tungkol sa date. Kahit gaano ko pa gustong matuloy 'yon, ayoko naman na matuloy nga dahil lang sa pinilit ko siya.
"Nakalimutan kaya niya yung usapan namin?" tanong ko kay Lora na para bang alam niya ang sagot sa tanong ko.
Mabuti na lang at wala na kaming exam sa last subject at puro pasahan lang ng activity. Paano kasi nagtatampo ako kay Paolo kaya wala ako sa mood ng mga oras na 'yon.
Paasa ka Paolo! Sabi mo magde-date!
Nakikinig lang ako sa kwento ni Lora nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Nagmamadali ko pa 'yon tignan dahil akala ko nag-text na si Paolo, pero pagbukas ko si Ria lang pala
"Teh! Busy ka? Overnight tayo sa bahay!! Home alone ako," basa ko sa text niya.
Napaisip ako saglit. Sabagay mukhang kinalimutan na ata ni Paolo ang promise niya, siguro naman okay lang na um-oo ako kay Ria. At least mawawala sa isip ko yung pagtatampo kay Paolo.
Nag-type ako ng reply.
"Sure!! Saan tayo magkikita mamaya?" tanong ko.
Never pa talaga ako nakakapunta sa bahay nila Ria. Basta ang alam ko lang taga-Montalban siya.
"Ano nag-text na?" tanong ni Lora sa akin.
Umiling naman ako at sinabing iba ang kausap ko.
Mabuti na lang rin at nung last year nasanay sila mommy sa paalam ko na mga overnight dahil sa mga research namin. Kaya naman mas maluwag na sila sa akin ngayon kapag nagpapaalam ako sa kanila.
"Kahit mamayang 8pm na lang teh, pa-sundo kita kay Jerik later," sagot naman niya.
Magkalapit lang kasi ang bahay nilang dalawa ni Jerik. Hindi ko naman alam kung paano malalaman ni Jerik kung saan ako nakatira, pero bahala na. Baka naman nagtanong siya kay Paolo.
At speaking of Paolo! Bakit mukhang wala namang pinagkaka-abalahan ang mga kaibigan niya? Bakit siya hindi pa rin ma-contact ngayon?
Hindi ko na lang tinext pa ulit si Paolo. Kung ayaw niya ako reply-an, edi 'wag niya!