Chapter 28

67 8 0
                                    

Man

Pagkatapos nga ng bakasyon ay naging busy na ulit kami sa pasukan. After namin umuwi galing Zambales hindi na ulit kami nakapagkita sa personal ni Paolo hanggang matapos ang bakasyon. Umalis kasi sila ng bansa ng katapusan at bumalik lang nung may klase na siya.

We are now in our second year in College, kaya naman mas lalo kaming nag fo-focus sa acads. Umonti ang subject at units namin this year, pero mas marami ng major subjects kaya hindi pwedeng magpa-easy-easy lang.

Ang maganda lang ay, hindi tulad dati na kapag may pasok ay hindi kami nagkakaroon ng time mag-usap ni Paolo, ngayon ay natuto na kami maglaan ng kahit ilang minuto para makapag-update sa isa't isa.

"Sis may assignment ka na sa finance?" tanong sa akin ni Monica.

Kakarating niya lang ngayon sa classroom dahil hindi siya pumasok sa first subject. Free seating pa rin kami sa lahat ng subject kaya naman magkakatabi pa rin kaming tatlo.

"Hindi ako sure sa sagot ko, bahala ka kung magbe-base ka diyan," sabi ko sa kaniya bago inabot ang yellow pad.

The school is still the same. Same environment, same classmates, and same professors. Ang naiba lang ay yung level of difficulty nung inaaral namin. Pero kumpara sa subjects nung first year, feeling ko mas gusto ko yung set of subject ngayon.

"Asan ba kasi si Lora?" sabi niya habang busy na sa pagka-cramming sa assignment niya.

Oh! And same Monica by the way. Mahilig pa rin mag rush ng assignments at requirements si gaga.

"Pinatawag ni sir sa library kanina," sagot ko naman habang chine-check ang next class namin.

Dalawang linggo pa lang simula nang magpasukan kaya naman hindi ko pa kabisado kung anong subject ang kasunod at kung saan building at room ang klase nun.

"Sasali ka pala dun sa activities ng Filipino month?" tanong sa akin ni Lora.

Napatingin naman ako sa kaniya. Maaga pa lang ay pinagpa-planuhan na ng section namin ang tungkol sa activities sa August. Nabibilang naman kasi ang activities na mayroon dito sa campus namin, kaya naman excited ang lahat kapag meron nga.

"Hmm... baka yung katutubong sayaw o kaya festival dance salihan ko," sabi ko naman sa kaniya.

Para kasing na inspired ako sumali sa ganong activity after namin maki-fiesta sa Zambales. Hindi naman ako palasali sa ganito before, feeling ko kasi sayang lang sa time at nakakapagod. Pero ngayon gusto ko i-try dahil baka kapag nag-third year na ako ay wala na akong chance para dun.

"Ayaw mo yung sayawit na lang? Para hindi masyadong pagod?" tanong naman ni Monica.

Ang gusto ni Zoe, yes siya pa rin ang class president namin, lahat kami ay may sasalihan na category. Aniya baka ito na raw ang last year namin na makakasali kami sa ganitong competition. May OJT na kasi sa third year.

"Simple lang 'yon eh! Gusto ko dun sa bongga!" tawa ko sa kaniya.

Pahinga na muna ngayong taon si Monica sa pageant competition, kaya nagtatanong siya sa mga group activities na pwede niya salihan. Kadalasan kasi gusto niya lang sa props team.

"Sige papalista rin ako. Sabihan mo ako kung saan ka sasali," sabi niya bago pinagpatuloy ang pagsusulat.

Si Lora panigurado sa debate yun sasali dahil ayaw niya sa mga practice-practice. Mas masaya pa naman sana kung magkakasama kaming tatlo.

Mas maganda na ang schedule namin ngayon ni Paolo. Hindi tulad dati na sobrang conflict, ngayon same kami na pang-umaga at same rin ng vacant. Kaya kapag vacant day niya, napagkasunduan namin na susunduin niya ako sa school.

Nag-vibrate ang phone ko kaya sinilip ko 'yon.

"Chanilene, may urgent client meeting ako. Ikaw na lang ang sumundo sa kapatid mo," message 'yon ni mommy.

Dahil onti na lang ang subjects ko, mas maaga na rin ang uwian ko ngayon. Kung minsan ako na talaga ang sumusundo kay Yuri sa Daycare kapag ganitong busy si mommy.

Today is Friday kaya wala akong pasok. Tinext ko si Paolo para matanong kung masusundo niya ako ngayon. Sasabihin ko siya na kailangan namin daanan si Yuri.

"Love susunduin mo ba ako mamaya?" text ko sa kaniya.

Hindi ko na nasilip ang phone ko para sa reply niya dahil pumasok na ang next prof namin.

Pinapakiramdaman ko kung magba-vibrate ba ang phone ko sa bulsa, pero wala akong naramdaman. Nang tumagal ay hinayaan ko na lang dahil baka busy siya. Hangga't maari ayoko magmukhang clingy na girlfriend sa kaniya.

But when my class ended at wala pa rin siya naging reply nag-send ulit ako ng panibago message.

"Busy ka? Mauuna na ako umuwi ah, susunduin ko pa si Yuri," send ko sa kaniya.

Nagpaalam na ako kila Lora para makaalis agad. Mahirap maabutan ng rush hour kapag biyernes, kawawa naman yung kapatid ko kung sakali.

I'm walking on the foot bridge ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag mula kay Ethan.

"Hello?' tanong ko. Hindi ko inexpect ang tawag niya dahil ang tagal na rin namin hindi nag-uusap.

Close pa rin naman ako sa mga tropa kong lalaki, pero simula ng maging boyfriend ko si Paolo, dumalang ang pakikipag-usap ko sa kanila dahil napunta ang atensyon at oras ko sa boyfriend ko.

"Yow Chanilene! May pasok ka?" rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.

Nagpatuloy naman ako sa pagbaba ng overpass para mag-abang ng jeep.

"Pauwi na, bakit?" tanong ko naman.

"Oh sakto! Tara nomi! Nag-aaya yung mga tropa ko eh, na-miss rin kita kasama mag hang-out kaya naisipan ko tawagan ka," sabi naman niya.

Huminto ako sa gilid dahil puro punong jeep lang ang nakikita ko na pa-bayan. Maglakad na kaya ako pa-Litex?

"Ay busy ako bro, susunduin ko pa kapatid ko eh," sabi ko naman.

Bukod sa busy ako sa pagsundo sa kapatid ko, wala rin talaga ako sa mood para sa inuman. Kahit pa wala namang pasok bukas, parang lately mas gusto ko lang sa loob ng kwarto tumambay.

Ilang beses na rin ako inaya nila Monica, o yung grupo nila Janice, pero tinaggihan ko lang. Healthy living muna ako this sem, saka na siguro pag after ng finals.

"Ganun ba. Saan mo ba susunduin kapatid mo? Hatid na kita!" sabi niya.

Napatingin ako sa malayo at nakitang madilim na ang ulap. Shet mukhang aabutan pa ako ng ulan ah.

"Sa Caloocan pa eh!" sabi ko naman.

Mas maganda sana kung sinabihan agad ako ni mommy na ako ang susundo, edi sana dinala ko yung guardian ID ko. Uuwi pa tuloy muna ako sa bahay imbes na diretso na ako dun.

"Asan ka? Hatid na kita! Naka-motor naman ako ngayon," sabi niya.

Hindi na ako tumanggi sa offer niya dahil nagmamadali rin naman ako. Mas mabilis rin akong makakarating since naka-motor naman pala siya. Problema ko na lang kung may dala ba siyang extrang helmet.

Hinintay ko siya sa tapat ng footbridge ng Don Fabian. Ilang saglit lang naman ako tumambay dun dahil mabilis rin naman siyang nakarating. Paghinto niya sa harapan ko, inangat niya ang salamin ng helmet niya para bumati.

"Sup!! Long time no see! Sakay na," sabi niya bago inabot sa akin ang isang helmet.

Sinuot ko naman agad 'yon bago umangkas sa likod niya.

"Buti may extrang helmet ka!" sabi ko bago niya paandarin ulit ang motor.

"Hiniram ko muna sa tropa ko yung extra niya," sagot niya bago binaba ang salamin ng helmet at pinaandar ang motor.

Kahit nagsisimula na ang traffic sa Pearl Drive, hindi kami na-stuck dahil sumingit-singit si Ethan at nag-shortcut pa. Mabuti na lang pala at sakto ang tawag niya. Swerte pa rin naman ako today kahit papaano.

"Maaga natapos klase niyo?" sigaw niya habang nagda-drive.

"Oo, pang-umaga ako eh!" sigaw ko naman para marinig niya.

Tumango lang siya bago mas pinabilis ang pagmaneho. Napahawak ako sa balikat niya bilang suporta. Medyo kinabahan pa ako sa way ng pagda-drive niya dahil ang bilis. Hindi na kasi ako sanay sumakay sa motor, tapos first time pa na ibang tao ang nagmamaneho.

"Saan tayo muna?" tanong niya ng makalagpas sa north fairview.

"Sa bahay muna! Kukunin ko lang yung ID pass," sigaw ko.

Hindi naman kasi ako papayagan makapasok at kunin ang kapatid ko hangga't wala ako nun.

Tinuro ko sa kaniya ang direksyon papunta sa bahay. Mabilis lang rin ako bumaba nang makahinto siya, hindi ko na siya pinapasok dahil may kukunin lang rin naman ako. Medyo nakakahiya nga kasi inutusan ko na siya, hindi ko pa inimbitahan sa bahay. Babawi na lang siguro ako next time.

Mabilis rin naman kaming nakarating sa school nila Yuri. Sakto lang rin ang dating namin para sa uwian nila. Naabutan ko ang ibang naglalabasang nanay na kasama ang anak nila.

"Thank you!" sabi ko kay Ethan.

"Hintayin ko na kayo!" ngiting sagot naman niya.

Akala ko naman ay aalis na rin siya pagkatapos niya ako maihatid.

"Huh? Wag na! Hindi rin naman pwede sumakay ang bata sa motor! Wala rin siyang helmet," sabi ko naman.

Napaisip siya saglit bago tumawa.

"Hindi 'yan! May alam akong shortcut na walang huli," sabi niya.

Gusto ko sanang tumanggi, kaso nakakahiya dahil siya na nga ang nag-offer. Kaya tumango na lang ako at pumasok na sa school. Pinakita ko sa guard yung ID ko kaya pinatuloy ako sa loob.

Pagpasok ko ng room naabutan ko si Yuri na nakikipaglaro sa mga kaklase niya. Huminto rin naman siya ng makita niya akong pumasok. Tumakbo siya sa akin kaya sumunod ng tingin ang teacher niya.

"Ikaw pala ang susundo sa kaniya," ngiting bati sa akin ni Ms. Ella, yung teacher ni Yuri.

"Opo ma'am, busy kasi si mommy," sabi ko bago kinuha ang maliit na backpack ng kapatid.

Nagkwentuhan pa kami saglit ng teacher niya tungkol sa ginawa niya sa buong maghapon. Mukhang very good naman siya dahil marami siyang tatak na star sa likod ng palad.

Mabuti pa ito hindi pasaway, yung sumunod sa akin grabe ang kalokohan eh!

"Ate, I'm hungry na," sabi niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng school.

"Bakit? Hindi mo ba kinain yung baon mo?" tanong ko naman sa kaniya.

"Kinain ko po," sabi niya naman.

Sinalubong kami ni Ethan sa labas ng gate ng makita niya kami na naglalakad. He squatted to level my younger sister.

"Hello!! You must be Yuri? I'm kuya Ethan!" palakaibigang ngiti niya.

Ilang naman na tumingin sa kaniya ang kapatid ko bago lumingon sa akin..

"Where is kuya Paolo?" tanong niya sa akin.

Natawa naman ako. Akala niya ata may bago akong boyfriend!

"Busy si kuya Paolo, kaya si kuya Ethan ang kasama natin ngayon," sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya. Bumalik na si Ethan sa motor kaya sinampa ko sa likod niya si Yuri bago ako sumampa.

"Ethan? Pwede sa jollibee muna? Gusto nya raw eh," sabi ko habang inaayos niya ang helmet niya.

"Okie dokie," sagot naman niya.

Mukhang sanay tumakas sa huli si Ethan dahil alam niya talaga ang pasikot-sikot na walang may mag-iinspect. Hinawakan ko na lang ang kapatid ko ng mabuti lalo na at wala siyang suot na helmet.

Saglit lang rin bago kami nakarating sa pinakamalapit na jollibee. Nasa upuan ang dalawa habang nag-oorder ako sa counter. Habang nasa pila naisipan kong sabihin kay Mommy na nasundo ko na si Yuri.

"Nasundo ko na siya my, kakain lang po muna kami bago umuwi," text ko sa kaniya.

Chineck ko naman yung message ni Paolo. Ngayon lang ulit ako nakapagbukas ng phone kaya hindi ko napansin na nag-message pala siya kanina.

"Where are you now? Nakauwi ka na ba?" message niya 'yon kanina pa, siguro habang nasa daan kami ni Ethan kanina.

Nag-type naman ako ng message sa kaniya.

"Slr, nasa jollibee pa kami, nagutom si Yuri kaya dumaan muna kami dito. Pero pauwi na rin after neto," reply ko naman.

Mabilis lang rin kami sa jollibee dahil nag-burger at fries lang kami ni Ethan habang pinapanuod na kumain si Yuri ng spaghetti niya.

Inaantay ko naman ang reply ni Paolo pero hindi naman na siya nag-reply. Baka busy na ngayon 'yon. Hindi ko na lang pinansin dahil pauwi na rin naman na kami.

Nakita ko ang pagtawa ni Ethan sa phone niya kaya curious akong tinanong siya.

"Bakit?" ngiti ko.

Natatawa naman niya akong hinarap.

"Minyday ko kasi kapatid mo, ang daming nag-reply. Anak ko raw ba? Ano bagito?" tawa niya pa.

Natawa rin tuloy ako. Mga tao talaga ang wild ng imagination.

After namin sa Jollibee hinatid rin naman agad kami ni Ethan sa tapat ng bahay. Mabuti naman at safe kaming nakauwi, hindi naharang sa daan. Palapit pa lang kami sa tapat ng bahay napansin ko na si Paolo sa tapat ng gate.

Bakit nandito siya? Kakarating niya lang ba?

Hindi naman ako tinanong ni Ethan nang makita niya si Paolo sa harap. Bumaba ako ng motor at binuhat ang kapatid ko pababa. Tinaggal ko ang helmet at inabot kay Ethan.

"Thanks Ethan!! Next time na lang ako babawi" sabi ko sa kaniya.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang seryosong panunuod ni Paolo sa amin sa gilid. Hindi ko na lang muna siya pinansin dahil nakakahiya naman kay Ethan kung papaalisin ko agad siya pagkatapos niya ako tulungan kanina.

"No problem! Basta sa susunod hindi ka na tatanggi!" ngiting sagot namn ni Ethan.

Hindi ko na pinahaba pa ang pag-uusap namin dahil naiilang ako sa uri ng pantititig ni Paolo sa gilid ko. Basta napansin ko na kinuha niya na ang kapatid ko at pinapasok sa loob ng gate.

"Sige text na lang!" huling habol ko bago pinaadar ni Ethan ang motor niya paalis.

Nanatili ako ng ilang segundo sa harapan kahit nang maka-alis na si Ethan. Nang lumingon ako kay Paolo ngumiti ako habang naglalakad sa kaniya palapit.

"Pao! Bakit ka nandito? Akala ko busy ka" sabi ko sa kaniya bago yakapin ng saglit.

"Hindi ba ikaw yung busy?" malamig na sabi niya naman bago pumasok sa gate.

Sumunod naman ako sa kaniya papasok ng nalilito.

Okay what? Problema nun?

"Hindi naman ako busy, pero biglaang nag-text si mommy na sunduin ko si Yuri kaya.." sabi ko naman.

Tinignan niya lang ako saglit pero hindi siya nagsalita. Basta lumapit lang siya sa kapatid ko para tulungan tanggalin ang sapatos neto.

"Hey! Bad mood?" tanong ko sa kaniya.

He's unusually quiet and cold today. Wala naman akong maalalang pinag-awayan namin kanina o kahapon para maging ganito siya sa akin ngayon.

Problema niya?

Umupo ako sa tabi niya habang inaayusan ang kapatid ko. Tumayo ako saglit para kumuha ng pulbo at damit na pagbibihisan ni Yuri at inabot sa kaniya. Tahimik niya lang naman 'yon kinuha pero hindi pa rin ako kinikibo.

Naguguluhan ko siyang tinignan habang tinatapos ang ginagawa. Hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin at salubong pa ang kilay niya habang binibihisan ang kapatid ko. Pero kahit mukhang galit siya napansin ko naman na marahan ang paghawak niya kay Yuri kaya hindi ko siya pinuna roon.

"What's our problem Paolo?" seryosong tanong ko sa kaniya ng tumakbo paalis si Yuri para maglaro.

He looked at me intently before looking away sighing.

"Nothing," sagot niya bago tumayo at ambang lalabas na ng bahay.

Tumayo rin ako para hawakan ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad.

"Where are you going?" kunot nuong tanong ko sa kaniya.

"Uuwi na," seryosong sagot niya.

Uuwi na? Just like that? Akala niya ba okay lang sa akin na aakto siya ng ganito tapos aalis na lang bigla?

"Ano bang problema mo Paolo? Huwag mo sabihing wala! Obvious naman na naiinis ka sa akin. Bakit ba?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko siya titigilan dito hangga't hindi kami nagkaka-ayos. Ang ayoko sa lahat yung magkakaroon kami ng hindi pagkaka-unawaan tapos papatagalin namin.

"Hindi ako naiinis sayo," sagot naman niya.

I'm trying to be patient and understanding here. Kung katulad pa rin ako ng dati baka nakipagsabayan na ako sa kaniya sa pakikipagtaasan ng pride. Pero ngayon I know I should be matured, hindi na kami highschool para umakto ng ganito.

"Then why are you acting like that? Hindi na nga kita inistorbo kanina kasi nga baka busy ka. So anong ginawa ko?" tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtangis ng panga niya bago lumingon sa malayo. Naka-ilang lunok siya bago humarap sa akin ng may litong ekspresyon sa mukha niya. Naka-ilang buka rin siya ng bibig pero hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin, parang bang nahihirapan siya maghanap ng salita.

"Is this about Ethan? Are you jealous?" tanong ko sa kaniya.

Dahil wala na talaga akong maisip na ibang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.

Nakita ko ang mariing pagpikit niya bago tumango.

"Yeah.. I think I am," mahinang bulong niya.

My heart melted because of his soft gazed. He never felt jealous before, as much as I want, I don't want him to feel it. I think kasalanan ko rin nga, hindi ko sinabi sa kaniya kanina kung sino ang kasama ko.

"Sorry.. hindi ko na nasabi sayo dahil sa pagmamadali," sabi ko naman.

Umiling siya sa akin bago ako niyakap.

"Sorry rin. I just.. I don't know.. I'm being immature," mahinang sabi niya naman habang nakayakap pa rin.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya bago kinulong ang mukha niya gamit ang dalawang palad ko. Tumitig ako sa kaniya.

"Okay lang, your reaction and feelings are reasonable. Naging insensitive ako kanina, hindi ko man lang naisip na baka masasaktan ka or magagalit ka," sabi ko sa kaniya.

Aaminin ko na hindi talaga ako sanay na nililimitahan ang sarili ko sa pakikitungo ko sa iba. Kahit nung sa past relationship ko, wala akong pakielam sa mga ex ko noon kung magagalit sila kapag may kausap o kasama akong ibang kaibigan ko na lalaki.

I feel like I'm being selfish, alam ko naman na kung siya ang gagawa nun ay magagalit rin ako kung sakali. I know I'm not used to it, pero I'll try my best to know my limits.

"Hindi mo man lang ako pinakilala na boyfriend mo" nakasimangot niyang reklamo sa akin.

Natawa naman ako sa naging reaction niya.

"Eh kasi naman, malay ko ba kung okay lang sayo na pinagsasabi ko sa iba ang relasyon natin" sabi ko naman.

Kahit naman alam na ng magulang ko ang relasyon naming dalawa, mas gusto ko pa rin sana na gawing pribado ang relationship namin. Hindi pa nga ata alam ng mga magulang niya na kami na eh!

"Bakit naman hindi magiging okay sa akin 'yon? Mas gusto ko nga na ipagkalat mo sa iba para malaman nila na may boyfriend ka na," sagot naman niya.

Ang cute cute ng lalaki na 'to! Minsan lang maging territorial, pero 'pag ginagawa niya kinikilig ako.

"Okay sige. Ife-flex pa kita kung gusto mo. Ano mag-myday ba ako ng picture mo?" biro ko sa kaniya.

I don't really mind posting our pictures online kung yun ang gusto niya. I don't really mind what others might think. Bahala sila mag-isip ng kung ano, basta masaya kami, pake nila?

"Sige para hindi na maisipan ng ibang lalaki na may pag-asa pa sila sayo," sabi naman niya bago ako niyakap ulit.

Natawa ako sa sinabi niya. Wala namang aagaw sa akin sayo Paolo! At hindi rin naman ako magpapaagaw pa. Ang tagal kong hinintay 'to, kaya bakit ko bibitawan ngayong hawak ko na?

"Basta hindi siopao ang ipangfe-flex mo sa akin," biro ko naman sa kaniya.

Narinig ko ang mahinang tawa niya dahil sa sinabi ko.

Oh God, this man is really capable of making me feel all sorts of emotion. I'm glad this man, is my man.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon