Chapter 34

71 10 3
                                    

Separate

Hindi na matanggal sa isip ko ang sinabi ni Ria sa akin tungkol sa academic performance ni Paolo. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nga ba siya uma-absent, gayong nakikita ko naman siya na laging may ginagawang paper works.

Kasalanan ko ba? Ako ba ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito? Nahihila ko na ba siya pababa?

Ria said that I am the reason. Hindi magsisinungaling si Ria sa akin pagdating sa bagay na ito. Kilala ko siya, at alam naming pareho kung gaano kaimportante kay Paolo ang pag-aaral niya. Kaya ang malaman na ganito ang nangyayari ay talagang nakakagulat talaga.

Mahal na mahal ko siya. Hindi purket ayokong makisalamuha muna sa ngayon, ay wala na akong pakielam sa kaniya. Oo nga at namamanhid ako, pero ang isipin na magaya siya sa akin? Hindi ko ata kaya.

Gusto ko siya tanungin kung totoo nga ba ang nalaman ko kanina. Hindi naman sa iniisip ko na nagsisinungaling si Ria, pero gusto ko lang marinig sa kaniya mismo. Gusto ko malaman ang rason niya, kahit pa alam ko na kahit anong rason pa 'yan, basta may kinalaman sa akin ay hindi ko matatanggap.

Dahil dun ay hinintay ko siyang dumating sa bahay. Ngayon na lang ulit ako bababa sa sala at haharapin siya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa sasabihin niya. Natatakot akong marinig na ako nga ang dahilan ng paghihirap niya ngayon.

Ang bagal ng oras kapag hinihintay mo itong lumipas. Akala ko ay hindi na dadating si Paolo, pero nang nag-alas dies ay kumatok siya.

Kadalasan ay alas-otso ang dati niya nun, pero bakit masyado na atang gabi ngayon?

Ako ang nagpresinta kay mommy na sasalubong sa kaniya. Nagtaka pa si mommy kung bakit biglaang gusto ko na makausap si Paolo, pero hindi niya ako tinanong. Basta ay hinayaan niya ako sa gusto ko, dahil akala niya ata ay makikipag-ayos na ako.

"Ginabi ka," bati ko sa kaniya pagbukas ko ng gate.

Nagulat siya nang makita ako. Hindi ko alam kung gulat siya dahil nasa labas ako ng kwarto ko, o kung dahil kinakausap ko siya, o baka sa parehong dahilan.

"I... uh... na-late sa school," sabi niya sabay iwas ng tingin.

Liar!

Kita mo hindi ka makapagsinungaling ng maayos! Halatang-halata na hindi ka nagsasabi ng totoo. Galing sa school pero higit tatlong linggo ka na nga ata absent!!

Pumasok na ako sa loob ng bahay at hinayaan siyang sumunod sa akin. Siya na ang nagsarado ng gate.

Habang papasok ng bahay ay iniisip ko kung paano ko siya sisimulang tanungin.

Kailangan ko ba siya kumustahin muna? Sa totoo lang nami-miss ko na rin siya. Kaso ang kapal naman ata ng mukha ko para kumustahin siya pagkatapos ko siyang hindi pansinin ng ilang buwan.

Hindi mawala ang titig niya sa akin kahit ng makaupo na kami sa sofa. Hindi naman kami magkatabi, magkaharap lang. Ayokong tumabi sa kahit sinong lalaki muna sa ngayon ng sobrang lapit.

Pakiramdam ko, kapag may lalaking tatabi sa akin, gagayahin lang nila ang ginawa ng hayop na 'yon. O baka naman pinadala pa 'yon nung hayop na 'yon na malaya ngayon para saktan ulit ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Bakit ako ang tinatanong niya niyan? Siya sa aming dalawa ang mukhang hindi pa nakakapag-hapunan.

"Kumain na. Ikaw?" Seryosong sabi ko naman.

Hindi ako sanay sa uri ng pag-uusap namin ngayon. Kung dati ay sanay ako na maiiksi lang ang sagot niya sa akin, hindi naman ako sanay na ako ang tipid sa pagsasalita ngayon.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon